Prologue

31 4 0
                                    

I was sipping in my coffee at my shop when my phone suddenly rang. Here she goes again,

"i told u, di me pupunta" I  said, as I accepted her call dahil pinipilit nanaman niya akong uminom sa condo niya gosh di talaga siya matigil tigil e.

" come on, ngayon nalang kaya ako mag aya hindi mo ba ako namimiss?" pangungulit pa niya.

 "anong  ngayon nalang? hoy manahimik kang bruha ka ah, matapos tapos mo akong lasingin tas hayaang sa banyo matulog feeling mo uulit pa akong sumama sayo? " sigaw ko.

"sorry na bff  tumawag yung afam ko e HAHAHAHHA" nang aasar na sabi niya.

"gago  bago nanaman ba yan? sabi ko naman sayo hatian mo ako, bat mo naman sinosolo at iniwan mo pa ako sa banyo shuta ka" pang aasar ko sakanya.

"inamo, kala mo naman pumapatol talaga sa afam e yung nireto ko nga sayo binasted mo pa, feeling teenager te ha. Tanda mo na gago, padilig ka din HAHAHAHA" sagot niya, kala naman niya teenager din siya at pumopokpok pa.

Biglang tumunog ang bell na nasa pinto, ibig sabihin ay mayroong pumasok. Si KD pala, napapadalas ata dalaw nito dito.

"tanga maliit kasi yung ano, yung puso HAHAHAHHA. Sige na maya na text nalang kita pag nagbago isip ko" Pagputol ko sa usapan namin, dahil palapit na si KD.

"oh ano nanaman sadya mo dito?" pambubungad ko

"aray grabe ka naman, kadarating ko lang galit ka na agad? " sagot niya, kahit kailan talaga hindi siya matinong kausap.

"panong hindi, nalulugi ako sayo ha puro ka sakin libre eh" sagot ko at kinurot siya sa tagiliran.

"aray ate ha, ipapatulfo kita. child abuse!!!" sigaw niya kaya't napatingin ang ibang customer sa among kinaroroonan. Baliw talaga to, nakakahiyaaa!

"ang ingay mo naman eh" bulong ko sabay palo sakanyang braso, " what do u need nanaman ba?" tanong ko

" ate chill ka lang, kasi ililibre kita ngayon sa mcdo" sagot niya habang nakahawak sa aking mga balikat.

"hindi ka ba nilalagnat?" tanong ko at hinawakan ang noo niya.

"tara na 'te, para namang aning to e sagot ko nga"panghihila niya saakin sabay kindat pa, feeling ko masusuka ako. Pero since libre nga naman, sino ba ako para huminde pa, bihira nalang 'tong mga gantong pagkakataon 'no baka bukas ay tigok na ako di'ko man lang natikman ang libre niya.

Nasa mcdo na kami ngayon, pero parang magkakasala ako sa sobrang inis ko sakaniya. Akala ko ay kaming dalawa lang kakain, pero kasama pala si Mama at 'yong bago niyang Asawa. I don't think kaya kong lumunok ng pagkain, knowing na nasa harapan ko lang yung mga taong halos sumira ng buhay ko.

"Alis na ako kends" sabi ko sa kapatid ko, alam kong matagal na siyang nangungulila kay Mama dahil Bata pa lang siya noong maghiwalay sila ni Papa. Pero kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ko ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay kahit limang minuto lamang kaming magkatabi sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko kaya.

"Pero ate--"

"kends alam mong ayaw ko ng ganito, please lang. Saka nalang kapag kaya ko na alam kong matagal pa pero kasi anghirap eh. Sorry, bawi si ate next time. Enjoy kayo" bulong ko sakanya at hinalikan siya sa noo.

"Sige, lagi naman e" tumawa siya ng mahina at yumuko, iniiwas ang tingin saakin. "ingat ka" sagot pa niya kaya't tinanguan ko na lamang at dali-daling umalis.

Umuwi ako saaking condo upang ikalma ang sarili, akala ko ay kaya ko na ulit ang harapin sila. Naninikip ang dibdib ko pag nakikita ko sila. Pakiramdam ko ay uulitin nanaman nila saakin yon. Anghirap kalimutan yung pinagdadaanan mo lalo na kapag hindi mo pa nailalabas ang sama ng loob mo sa kahit kanino.

Nasa kalagitnaan ako ng pagb-breakdown nang biglang tumawag nanaman si Aishel.

"sis sama ka later ha, sa BGC nalang tayo I heard kasi na magkasama nanaman si Janna tas Luigi ah?"

"talaga? wala na akong balita sakanila e, kanino mo nalaman?" tanong ko

"baliw sa mga ka-batch natin, basta punta ka ah 6:30 okay? don't forget bye!!" sagot niya

4:30pm na, kaya tumawag ako sa shop ko para sabihing sila na ang magsasara today dahil may pupuntahan ako. Kailangan ko ng magready, gusto ko ay maayos akong tignan na parang okay na ako. I want them to think na I'm unbothered. I started to pick my clothes before I shower. In the end, I wear a mini black dress partnered with my boots. And a simple make up on my face to cover up my swollen eyes. 6:15pm na noong matapos akong mag ayos, so I bring my purse and book a taxi.

I texted Aishel to tell that I'm on my way, and she said na she's already there.When I already arrived at BGC, Aishel was waiting for me while talking with her other friends.

"girl ang bongga ha" puri niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "akala ko ba ay ayaw mo?" tanong niya at tinignan pa ako ng kakaiba na parang sinasabing may gusto akong talbugan.

"anong gusto mong isuot ko dito? pajama tas oversized?" pagtataray ko sakanya at tumawa lang ang bruha

"tara na nga, pasok na tayo andaming papi" tili niya at hinila na ako

Napakahilig talaga nito sa mga ganito, when we were highschools ayokong makipagkaibigan sakaniya kasi buong araw ay libro lang anghawak but one time ay naging partner kami nina Janna at Aishel sa isang subject. And that was the time na I saw her other side. Oh speaking of Janna, andito nga siya nakakandong pa talaga kay Luigi, andami daming upuan sa mesa nila pero nagawa pang kumandong.

"Oh Yuna you're here!!" Clara exclaimed, our President before. Napatingin ang ibang Kasama niya sa table nila, gaya na rin ni Luigi and Janna. Pagkakita nila sakin ay napalayo si Janna kay Luigi but Luigi reassured her, mas hinapit nito ang bewang niya at hinalikan sa noo. And that, that's the signal for me to hurt again and again.

"Hi pres! it's been a long time" I answered and kiss her cheeks. I smiled with everyone before I bid goodbye to them and go back to our table.

"Aishel, nakita ko na sila"

"see? grabe ha sobrang tatag nila" biro niya at tumawa ako ng mahina sa pinagsasabi niya.

This day is so malas, sumisikip nanaman ang dibdib ko. I thought I'm slowly healing, pero baka ginawa ko lang busy yung sarili ko to divert my emotions kaya akala ko ay okay na ako. Siguro nga, baka nga. Kasi whenever I look to them, it's still feels like my Yesterday's. I'm still trapped.

look for my yesterday's Where stories live. Discover now