CHAPTER 2

684 32 10
                                    

(Vi's POV)

"Hi. Are you new?"

Yun agad ang tanong ng isang estudyante kay Vi ng tumabi siya dito. Napangisi siya ng mag silingon ang ibang kasama nito sa kanya. She chooses to seat on the far end of the class dahil madalas andun ang mga cool kids. Sa unahan naman ay mga matatalino o yung matatapang na sumagot lang sa recitation ng teacher ang nakaupo.

"Yes."

"Oh." Nagkatinginan ang mga ito. Then they glance at the front row of the seat. Meron doong babae na hindi niya pa kilala ang tinutukoy ng mga ito. "Are you one of her kind?"

Kumunot ang noo ni Vi at sinundan ng tingin ang nginunguso ng mga ito. "A girl who likes girls."

Medyo pabulong pa ang pag kakasabi nito. Vi winced and gulped. Patay na.

"Uh.... bakit?"

"Anong bakit? They are disgusting! Bakit mo naman gugustuhin ang kapwa mo babae? Duh?"

The girl with a pigtail said that. Agad siyang umiling. Ayaw niyang ma-experience and ginagawa ng mga ito sa loob ng klase. She saw how the group throws a paper at the back of a fat girl. Hindi niya napansin kanina pero may nakadikit pala sa likod nito na papel. Ang nakalagay sa papel ay ito. I'm a lesbian and a pig, beware.

If she says that she likes girls too. Baka i-bully din siya ng mga ito. Kaya agad siyang umiling.

"N-No! Of course not." Tumawa pa siya para effective. She mentally wants to smack herself. I'm sorry momma and mama Cas.

The girl gestured for her to seat. "You look like a cool kid. Gusto mo bang maging kaibigan kami?"

"Talaga?" Namilog ang mga mata ni Vi at naupo na ng tuluyan sa bakanteng upuan sa likod. She later learned that the groups are from prominent families. Nakita niya ng alisin ng mga ito ang tag sa likod nung babaeng mataba ng biglang pumasok ulit sa loob yung magandang babae. Pinulot din ng mga kaibigan niya ang papel. Which she finds weird.

---------------

"Uhmmm.... B-bakit hindi natin magawang i-bully si Reilene Montefalco?"

Violet sipped her chuckie habang nakatingin sa sinasabi niyang babae. Iniiwas niya ang tingin kapag napapatingin naman ito sa kanya. She was really curious dahil kahapon pa niya napapansin na wala nga talaga sa mga kabarkada niya ang kinakanti ito. Para bang iniiwasan lang ng mga kaibigan niya ang babae.

Nag katinginan ang mga ito at muling napaiwas ng tingin. "S-She's not worth it."

From what Violet researched about Reiline Montefalco. Nalaman niyang parehas din babae ang mga magulang nito and her friends are homophobic. So anong meron kay Reiline Montefalco at hindi ito makanti ng mga kaibigan niya?

"Don't come near her."

"S-She's bad news." Dadgdag pa ni Jona.

Napasimangot na naman siya ng maalala ang ginawa nito ng umaga. Gusto niya sanang gumanti but she's sure na pag nakarating na naman sa momma at mommy Cas niya ang balita. Babawasan na naman ng mga ito ang allowance niya.

"Hi." Ngiting ngiti si Vi ng madaanan siya ni Reiline sa gilid ng classroom. But the girl ignored her. Ni hindi man lang ito lumingon sa kanya.

Pagkakataon na sana niya ito para makausap ang dalaga dahil wala naman ang mga kaibigan niya. Maybe Reiline will keep her secrets kung sasabihin niyang parehas sila ng sitwasyon and she just wants to get over high school before announcing to the world that she also like girls.

"I just want to be friends."

Nilapitan niya ito sa upuan nito at isinandal niya ang braso niya sa lamesa ng upuan nito.

Reiline look up at her at tinaasan siya nito ng kilay.

Napangiti naman si Violet. Ang ganda at ang cute pala nito sa malapitan. She grinned and showed her teeth.

"I don't do friends."

Inilabas nito ang isang libro at nag simulang magbasa but Vi won't have any of that. Her mouth twitch. Bakit ba siya nito ini-ignore? Ayaw ba nitong maging magkaibigan? Hinawakan niya ang libro nito at ibinaba. Kumunot ang noo nito sa kanya.

Nakangiting inilapit niya ang mukha dito. "Gusto ko lang maging kaibigan. Masama ba yun?"

"If you want to be friends. Wag kang makipag kaibigan kina Jona. They are homophobic."

"Oh so you like girls too?" She feigned ignorance of the fact na nag research na siya sa pag katao nito at nag stalk pa siya sa fb.

Muli siya nitong tinaasan ng kilay. "Don't patronize me Violet De Silva. You thought you are the only one among us who didn't do her proper research?"

Kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito. "W-What do you mean?"

"If you don't want to get bullied more than Lisa. I'll say this to you now. They don't care kung naging kaibigan ka nila. If you don't find their weakness. They will always bully you. Kaya kung ako sayo. Better come clean."

Tumayo ito at kinuha ang librong ibinaba niya kanina. Pagkatapos ay lumabas ito ng classroom. Natigilan namang tiningnan niya ang likod nito.

Alam ba nito ang sekreto niya?

Naikuyom ni Vi ang kamao niya. That girl! Pag siya ang nakaalam ng iba pa nitong sekreto sisiguraduhin niyang i-b-blackmail niya ito. Mawawala ang pagiging snob nito at siguradong mapapasunod niya na ito sa kanya. Sa naisip ay napangisi siya.

"Uhmm by the way. Pwede ba naming ma-meet ang mga magulang mo?" Nilingon siya ni Jona pagkasabi nun.

And Violet almost got choked when she suddenly sipped. Napaubo ubong tiningnan niya ang mga ito isa isa. "B-Bakit gusto niyong ma-meet ang magulang ko?"

"Well background checking. Duh!" Natatawang umiling si Jona. "Tsaka its appropriate lang naman na makilala natin ang magulang ng isa't isa. We protect each other di ba? Kapag may mga parties. Nag papaalam naman kami sa mga magulang namin."

"Oh." Pinunasan ni Vi ang kumalat na chocolate sa mukha niya. Tumango tango siya sa mga ito. "Y-Yeah sure."

Pinigilan niyang mapangiwi sa sinabi niya. Saan siya mag hahanap ng tatay at nanay? Eh meron lang siyang momma at mommy?

Napakagat labi siya at napaiwas ng tingin sa mga kabarkada niyang nag sitapikan ng likod. Napadako tuloy ang tingin niya kay Reiline Montefalco. Tatlong upuan lang ang layo sa kanila. Kagaya nila ay kumakain din ito sa canteen pero wala itong katabi.

Vi tilted her head. Mukha nga talagang ayaw nitong makipag kaibigan. She was about to turn her head away ng mapansing tumingin din ito sa kanya. Saka ito umiling.

Narinig ba nito ang usapan nilang mag kakaibigan?

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon