"Para Naman tayong mga secret agent dahil kailangan pa nating magtago dito...pero infairness Kay Mike ah... Ang Ganda ng condo niya... Pang mayaman.. sana magkaroon din ako ng ganito pagdating ng Araw... Bess.. ganto na lang kaya Kunin nating pagtirhan kapag magpapatayo na Tayo ng business natin.. tapos maghiwalay na lang Tayo kapag magpapakasal na Ang Isa sa atin..." Mula pa kaninang nakarating kami Nina Sir Paul, Sean, ako, at Karen dito sa condo ni Sir Paul ay Hindi na natigil Ang bunganga nitong Si Karen.
Dinaldal niya ng dinaldal itong si Mike patungkol sa condo niya.
Isang linggo na rin Ang nakakaraan magmula ng makauwi kami galing Batangas.
Nagsimula na rin ulit Ang klase Namin kaya hapon na lang ako nakakapunta sa mansiyon para pagsilbihan si Sir Sean.
Nitong mga nakaraang Araw ay tila ba may kakaiba sa pakikitungo ni Sir Sean sa akin.
Araw ng Sabado. Iyon Ang Araw na ipaglalaba ko ng damit si Sir Sean. Ang washing machine at dryer ay nasa baba, pero pag-akyat ko ng kwarto ni Sir Sean ay nagulat ako sa nadatnan ko Doon. Sa kanyang banyo ay may washing machine. Mukhang mamahalin at bagong-bago, tapos sa tabi nito ay may dryer, at may estante na rin na paglalagyan ko mamaya ng mga damit. Hinanap ko kaagad si Sir Sean pero Hindi ko siya Makita. Tanging isang note lang Ang natagpuan ko sa kanyang night table na nagsasabing. It is better if you do the washing here in my room so that no dirt or debris will be put in it. Gonna be gone while you are doing it but I'll come back a little later-Sean.
Sinunod ko naman Ang utos at nagsimula ng maglaba. Kinailangan ko pang kamayin Ang iba dahil maselan Ang mga tela at baka masira kapag nilagay ko sa washing.Linggo. Kada Linggo ay nagsisimba kami ni Karen sa may bayan. Kadalasan ay second mass na Ang inaabot Namin at 1st mass Naman kina Inay at Itay at Ang mga magulang ni Karen. Nakasuot ako noon ng T-shirt na puti na may sulat na I❤️ BATANGAS. Isa sa mga damit na binili ko noong pauwi na kami galing Batangas tapos naka-squarepants Naman ako sa pang-ibaba at nagrubber shoes. Naka-asul Naman na romper si Karen. Ang lalaking nagngangalang Sean ay muling huminto sa aming harapan at sinabing sumabay na raw kami sa kanya dahil may kikitain rin lang daw siya di-kalayuan sa may simbahan. Nagtataka man sa kanyang kinikilos ay nakisakay na akbg ulit kami. Pero Ang lalaki ay bigla na lang bumaba noong nakababa kami ni Karen malapit sa entrada ng simbahan at sinabing nag-cancel na raw Ang kanyang kikitain kaya makikisama na lang daw sa Amin ni Karen sa pagsimba. Natapos Ang Misa at inaya pa kami na kumain sa labas. Tumanggi ako siyempre pero eating si Karen ay bigla na lang nagdrama sa akin na nagugutom na raw siya kaya paunlakan na Namin Ang paanyaya ni Sir Sean. Inismiran ko Naman Ang kaibigan para ipahiwatig na nakakahiya ngunit pasimpleng nagkindatan Ang dalawa na para bang nag-uusap Sila sa pamamagitan noon.
Noong Lunes, habang nag-aantay kami ng masasakyan ni Karen papunta sa school sa may labasan ay biglang may isang kotse na mamahalin Ang huminto sa aming harapan at noong ibinaba Ang bintana ay bumungad Ang gwapong Mukha ni Sir Sean. Sinabihan niya kaming sumabay na sa kanya dahil may pupuntahan din lang daw siya along the way sa university. Itong si Karen Naman ay halos ipahiya na ako at nagawa pang tumili ng tumili dahil sa paanyaya ni Sir Sean. Kahit nahihiya ay sumakay na lang din kami para maagang makapasok sa univ.
Kahapon, Martes. Pagdating ko sa mansiyon at makapasok sa kwarto niya ay may nakalatag na mga bar ng tsokolate sa kanyang side table. Siyempre, Hindi ko kinuha pero noong magbukas iyong pinto at pumasok si Sir Sean ay laking gulat ko noong iabot niya sa akin Ang mga tsokolate. Tinanong ko kung bakit at parang nahihiya pa niyang Sabi na Hindi na raw kase kasya sa ref nila Ang mga tsokolate at naisip niya raw na baka gustuhin ko Ang mga ito kaya niya binigay. Nagtataka man ay kinuha ko pa rin ito at taos-pusong nagpasalamat.
Tapos kaninang umaga, naalimpungatan ako ng madaling Araw dahil sa munting pagbato sa aking bintana, nang sinilip ko ito ay Nakita ko si Sir Sean na nakasuot Ng hoodie di kalayuan sa bakod ng aming Bahay. Dali-dali akong lumabas at tiningnan king tulog pa Ang mga magulang ko at Nakita Kong mahimbing pa Ang tulog nila. Nagsuot lamang ako ng balabal at tsaka lumabas. Tinagpo ko Si Sir Sean at may iniabot siya sa akin na isang Malaking paper bag at silipin ko kung ano Ang laman nito ay agahan na mula sa Jollibee. Narinig daw kase niya kami ni Karen na nag-uusap patungkol sa pagpunta sa Jollibee. Maaga raw siyang nagising kaya naisipan niya kaming bigyan ng agahan Nina Inay. Tinanggihan ko Ang kanyang alok ngunit nagpumulit siyang tanggapin ko na raw dahil maaga Ang pasok ko ngayon at ganoon din Sina Inay. Sinabi ko na lang sa kanya na ibawas sa sahod ko ngunit bumuntong-hininga lang siya at sinabing pumasok na raw ako at malamig pa sa labas. Nagpasalamat na lang ako ulit at tsaka pumasok. Nakita ko Naman Ang papalayo niyang bulto mula sa aming Bahay.
BINABASA MO ANG
Ferita Aperta (Open Wound) COMPLETED
RomanceElizabeth Maxine simply Isay believes na Cinderella does exist in real life and she wants to prove that she is an example of it, pero magagawa nga ba niya itong patunayan kung magulang Ang hadlang. Years have passed and they both grow individually...