"Nay.. Ang sarap po, Lalo na Yung manok.. sana laging ganito..." Ani Anie, anak ni Greta.
"Magtigil ka nga anak.. nakakahiya" si Greta.
"Naku.. kung kailan ka pa tumanda tsaka ka pa nagkaroon ng hiya. Eh dati, halos Wala Kang hiya kung kumanta sa Videoke kahit na Hindi naman maganda boses mo.." biro ni Karen.
"Grabe ka ha... Ikaw din naman ah.." sumbat Naman ni Greta.
"Pareho ng kayong dahilan ng laging pag-ulan noon eh.." sabay na napatingin Ang dalawa sa akin dahil sa sinabi ko. Nakakatawa lang dahil talagang napabaling Sila sa akin sa sinabi Ko.
"Ay wow.. nagyabang Ang Ganda lang naman Ang ambag.." si Karen.
"Kaya nga.." Ani Greta.
Nagkatawanan kami dahil sa pag-alala ng mg nakakatuwang alaala ng nakaraan bago nangyari Ang nangyari.
May sarili na rin pa lang Bahay si Greta dito sa loob ng hacienda. Isang maliit na Kubo at Kasama niya si Anie, Ang anak niya na naninirahan dito.
Wala na pala talaga Ang iba naming kasamahan noon. Mukhang lahat Sila ay nagkaroon na ng sariling buhay, si Greta at Kuya Emil na lang Ang kakilala namin ni Karen dito sa mansiyon bukod sa pamilyang Cardinal siyempre.
Nagpadeliver si Karen ng take out mula sa restaurant kanina na siyang aming kinakain ngayon dito kina Greta. Pinahatiran na lang Namin si Kuya Emil ng hapunan dahil bawal siyang umalis sa post niya.
Alas siyete na rin kase ng Gabi at nagpaalam kami Kay Koreen kanina na aalis muna saglit.
Natapos Kaming kumain at nagligpit na ngayon. Kasalukuyang naglalaro sa kanyang Ipad si Heart sa Sala Kasama si Anie. Masaya ako na naging magkasunod sila agad Lalo na at alam ng anak Kong mag-share sa iba. Masasabi ko sa lagay na iyon na kahit papaano ay naging mabuti Ang ginawa Kong pagpapalaki Kay Heart.
"Ang gandang panoorin na magkasundo Sila agad..sana ako rin magkaroon na rin ng anak para Makita ko ring nakikipaglaro sa ibang Bata..." Maktol ni Karen.
"Heh.. Akala mo Naman kung birhen pa.." napatingin kami pareho ni Karen kay Greta dahil sa sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Si Karen.
"Gaga.. sa tingin mo ba at ni Isay na Wala akong alam.. ako kaya naglaba ng mga namantsahan ninyong mga bedsheet noong nagpabomba kayo kina Sir Paul at Sir Sean.." natawa ng maakas si Greta dahil sa naging reaksiyon ng Mukha Namin ni Karen. Eh sino ba namang Hindi mahihiya kung malalaman mong ganon..
"Alam mo?" Tanong ko.
"Oo.. kase noong Araw na may nangyari kina Sir Paul at Kay Karen, ako Ang tinawag ni Sir Paul na maglaba ng sheet at sinabing huwag sasabihin kahit kanino Ang Nakita o nalalaman.. eh Hindi ba noong Araw na iyon ay Ikaw Karen Ang naatasaj sa kwarto ni Sir Paul at Wala namang babae na lumabas o pumasok sa kwarto niya bukod sa iyo. Ikaw Naman, madaling Araw na iyon noon tapos magtitimpla na sana ako ng kape ng may biglang iniabot sa akin Si Sir Sean na bedsheet at ganoon din Ang sinabi sa akin kagaya ng sinabi ng pinsan niya.. siyempre.. inabangan ko kung sino Ang lalabas Doon di ba.. Akala niyo siguro ay walang nakakita pero nandoon ako.. Nakita kitang lumabas ng kwarto at nakalugay pa Ang buhok..o di ba.. Sabi sa inyo eh.. may alam ako.." paliwanag ni Greta.
"Siyanga pala.. pasensiya na noong Gabi na pinunta ko lahat ng mga gamit niyo sa ospital.. labag Yun sa kalooban ng sinuman sa Amin noon Lalo na ako.. Ang palayasin kayo s hacienda pero iyon Ang kautusan ni Donya Cora at ayaw Kong mawalan ng trabaho noon dahil ako lang inaasahan ng mga kapatid Kong nag-aaral pa sa probinsya kaya ko nagawa.. patawarin niyo sana ako.." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Ferita Aperta (Open Wound) COMPLETED
RomanceElizabeth Maxine simply Isay believes na Cinderella does exist in real life and she wants to prove that she is an example of it, pero magagawa nga ba niya itong patunayan kung magulang Ang hadlang. Years have passed and they both grow individually...