CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!

278K 4.1K 1.1K
                                    

"OMG RYLIE, YOU'RE TOO PRETTY, I HATE YOU!!!" 

"Tagal na, ngayon mo lang napansin?" I grinned.

"Ang yabaaang. Hahaha! Mamaya na blind date mo no?" I just smiled at Katy and nodded. Kasi e. Nakakahiya tuloy, sinabi pa niya ng bulgaran. Napaghahalataan tuloy ako. Tumingin ako kay Justin tapos nag grin lang siya. Nyenye. I don't care! Basta nag-ayos talaga ko para sa blind date mamaya kasi baka hindi ako magustuhan ng makakadate ko.

Although OA lang talaga si Katy kasi eyeliner, mascara, and lip & cheek tint lang naman nilagay ko eh lagi naman akong nakalip & cheek tint. Eyeliner and mascara lang nadagdag.

Pumasok na kami sa loob ng klase at umupo. Nasa gita naming dalawa ni Katy si Justin. Ewan ko kung ano trip ni Katy at hindi tumabi sa akin. Pwede naman kasi sanang siya sa gitna diba? Tss if I know, gusto lang niya magustuhan ko si Justin for her.

Dumating na yung prof namin tapos nag discuss na. Math math math! Never ko talagang nagustuhan ang math subject kahit na section 1 ako dati. Hirap na hirap ako T_T 

"Pahiram ng ballpen. Ubos na ink e," Sabi ng lecheng katabi ko. Pinahiram ko naman sa kanya yung ballpen at bumalik na sa pagsasagot ng seatwork namin.

"Pahiram ng correction pen," Sabi na naman niya. Ughhh. Pinahiram ko na lang sa kanya ulit tapos binalik na naman niya. Seconds has passed...

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pahiram ng correction pen."

Pahiram. Balik.

"Pa-"

"Sayo na yung correction pen ko. Wag mo ng ibibalik," Binigay ko na sakanya yung correction tape. Kasi naman, hirap na hirap na ko magsolve dito tapos siya hiram ng hiram. Alam niyo bang mauubos na yung correction pen ko kakahiram ni Justin? BV. Meron naman sanang correction pen and ballpen si Katy no!

"Pahiram ng pencil."

Nag inhale exhale ko. Binigay ko na sakanya yung ballpen, pencil, eraser, at buong pencil case ko. Nagulat na lang siya pero ilang seconds lang, nakita ko siyang ngumiti. Ughhh. Ewan ko na lang pag nag kulang pa siya.

Binalik na niya sa akin yung pencil case ko.

"Thanks," Wow, marunong mag thank you!

Ughhhhh. Ano ba gusto ng lalaki na 'to?! Annoying!

"Wag na, sayo na yan." Ayan  ha. Sinusunod ko na yung 10 rules niya. We'll act as friends in front of other people. Tama ba? Yun nga ba? E basta, wala na kong pake sa kanya. WALA NA!

Bumulong siya sa akin, "Wag ka na ulit magmemake-up. Hindi bagay."

"Hell I care about  your opinion. Shoo!" Bumalik na ako sa pagsasagot. Hindi ako magpapaapekto sa mga pinagsasabi niya. Basta maganda ako kahit na anong mangyari. Hahaha ganyan nga Rylie! Magbuhat ng sariling bangko! 

"Mali yan. Isolate mo yung x." Tinry kong sunding yung sinabi niya. Shet! I hate Math! Siguro pag labas ko, manghihina na naman ako. 

1 minute has passed pero nakatitig pa din ako sa papel ko...

"Paano?" I asked pero mahina lang. Nahihiya kasi ako! 

"Kunin mo yung arccosine ng parehas na sides." Kinuha niya ballpen ko tapos siya nagsolve ng number 9. Di ko talaga magets e!!!

"The cosine function is not a one-to-one function kaya restrict the domain. The cosine function is one-to-one on the interval. Pag narestrict mo yung domain ng cosine function to that interval, pwede mo ng kunin yung arccosine ng parehas na sides ng each equation."

O_____________________________O

Tuluy tuloy lang siya sa pag eexplain. Hindi ko magets kasi ewan, walang pumapasok sa brain cells ko. Leeeeeeshe! Hanggang ngayon ang weak ko pa din sa MATH!

"Yan na yung final answer," Sabi niya after niyang i-box yung sagot.

"Gee thanks," I feel bad. I really hate Math!

After ilang minutes or hours, hay salamat natapos na din yung trigo. Ayooooko naaaaaa! Lumipat na kami sa next class namin. Oo, classmate ko na naman siya and annoying kasi katabi ko na naman siya.

Wala namang problema doon pero nakakainis! Nananadya ba 'to?! Binubully ako e. Pag may pupuri sa akin, babanatan ako ng hindi maganda or lalaitin. Sipain ko kaya 'to o kaya naman ipamassacre ko. Mas okay yata yun e! 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon