CHAPTER SIXTEEN

299K 3.9K 915
                                    

Si Mama! Si Mama ang nag-bukas ng pinto habang nakangisi. Bad trip! Feeling ko alam na alam niya yung ginawa namin pero di niya lang sinasabi. Ganoon ba kami ka-halata o sadyang guilty lang ako dahil sa expression ko?

Napalunok ako... 

Naiisip ko pa din yung intense na pangyayari kanina. Kahit noong okay pa kami ni Justin, never pa kami nagkaroon ng ganoong klaseng halikan. Never pa naging ganoon katagal at ganoon ka-intense. Halos maubos yung labi ko!!! Feeling ko nga namamaga na labi ko e.

"Ang pula niyo parehas lalo ka na Jamilah," Natawa si Mama. "What happened?"

"Huh? Mapula naman talaga ako ah?" Sabi ko kay Mama pero sht, mukhang di siya naniwala. Kinakabahan ako woo!!!

"Okay," She said while laughing.

"Ma, nasaan pala si Ryan?" Tanong ko.

"Sinundo na ni Aisha sa bahay. Nakakamiss yung batang yun. Ang ganda niyang ina," Ngumiti siya. Alam ni mama yung nangyari kay Aisha. Alam naming lahat. Syempre naman love ko yun kahit na anong mangyari at kahit anong gawin niya.

That's what I love about my family: They never judged.

"Maganda naman talaga si Aisha, ma."

"I'm happy that you're okay already. Nakakamiss kakulitan niyong dalawa e," She said sincerely.

"Me too, mom. I'm happy that we're okay already and yes, I missed her... too much," Sabi ko at nagising na din si Papa. Teka, okay na ba sila mama at papa? Nakita ko kasing hinalikan ni mama si papa at tinanong kung okay lang siya. What's happening, madlang people?

Tumingin ako kay Justin na saktong nahuli kong nag yawn.

"Antok na antok ka na ba?" I asked.

"Hindi naman," He said while saving the document. 

"Wait, paano mga papers mo? Nagawa mo na?" I asked.

"You know me, Rylie. I don't cram," Sagot niya meaning oo, nagawa na niya yung mga kailangan niyang gawin. Kaya siguro ang bilis niya natapos kasi alam na niya mga gagawin niya pero still, ang hirap nun! In fact, mas mahirap pa yun kasi kailangan niya mag-isip ng panibago para di mag mukhang plagiarize papers namin eh classmates pa naman kami sa halos lahat ng subjects namin. Geez!

"O-okay, good. Umuwi ka na nga!" Sabi ko pero biglang nagsalita si Papa...

"Kayong dalawa, kayo na ba ulit?" Sabay kaming umiling ni Justin. Feel ko nga mababali na leeg naming dalawa kakailing.

"Oh, hinay hinay lang sa pag iling," Sabi ni mama kaya nag tawanan sila ni Papa.

"Ma, Pa, hindi naman naging kami," Sabi ko.

"Tss pero kung mag halikan kanina..." Bulong niya na ikinalaki ng mata namin ni Justin. 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon