BEPU♥ 1st chapter

30 2 1
                                    

They say, True love waits. dadating at dadating din ang lalaking para sayo.

kelan kaya ako magkakaroon ng sariling Love story. feeling ko hindi na ako magkakaroon ng katulad nung mga love life ng mga kaibigan ko. :(

pero okay lang din naman. alam kong sa sarili ko, basta kasama ko yung mga libro ko at syempre yung mga kaibigan ko, okay na ko. masaya na ako. kaysa naman every month maging katulad ko yung mga friends ko na lagi na lang umiiyak sa akin. halos kabisado ko na nga yung mga linya nila eh .

- thea, niliko niya ko. huhuhu

- thea! pinagpalit niya ko sa baboy na yun.

- thea, bakit ang unfair niya?  lima pala kaming sinabaysabay niya.

-thea,  pagod na ko. promise di na ko magboboyfriend ulit.

yan nga pala ang mga linya nilang paulit ulit. haha. =) Paano naman kasi , magboboyfriend sila agad agad. Hindi muna nila sinisigurado kung siya na ba talaga.

kaya siguro hanggang ngayon wala pa akong boyfriend,  kasi bukod sa hindi ako kagandahan tulad ng mga Friendships ko, eh baka ang purpose ko talaga ay maging comforter nila. haha. and i'm happy with it.

*ding dong*

tumayo ako para tignan kung sinong nagdoorbell. nandito ako ngayon sa apartment ng tita ko. pinagamit niya muna sa akin ng libre,  para daw hindi na hassle kapag babyahe ako papuntang school.

paglabas ko. walang tao.

“ hmmm,  sino kaya yun? baka nangloloko lang  “

pumasok na ko sa loob.

*ding dong*

lumabas ulit ako para silipin kung sino pero wala pa ding tao.

pumasok na lang ako ulit.

*ding dong*

i've decided na hindi na lang pansinin. kaya naman nag luto na lang ako na agahan. para makapasok na din ako sa klase ko.

* ding dong *

* ding dong *

*ding dong *

* ding dong *

* ding dong *

*ding dong *

doorbell lang siya ng doorbell. kaya nag earphone na lang ako. para hindi aq marindi sa kaingayan ng doorbell.

1. breakfast. CHECK.

2. uniform. CHECK.

3. homework. CHECK.

4. id. CHECK.

okay. pwede na kong pumasok.

pagkalabas ko ng apartment, napansin kong may kotseng itim sa harap. tinted siya,  kaya di ko makita kung may tao ba sa loob or wala.

anyway,  bahala na siya diyang pumarada at ako'y papasok na.naglakad na ako papuntang school. malapit lang naman kasi. sayang pa pamasahe kung magtatricycle pa ako.

pagkarating ko sa school, maaga pa ko ng 30 minutes, kaya hindi muna ako umakyat ng third floor para sa aking Statistics class.

pumunta muna ako ng caf para bumili ng candy or kung ano mang magustuhan ko dun.

[SA CAFETERIA]

" Thea! dito! " pasigaw na tawag sa akin ni Vermie. isa siya sa mga una kong naging kaibigan dito sa school.

" oh?  wala kayong pasok?  " tanong ko sa kaniya nang makalapit na ko.

" wala daw prof sabi ni Lester. magbibigay na lang daw si sir ng assignment online.“ sabi ni Vermie sa akin habang naglalaro siya ng tablet niya.

“ wala kang kasama?  asan sila lester?“ si Lester yata ung bagong crush nitong si Vermie. hindi ko lang sure kung may gusto si Lester sa kanya.

ang pagkakaalam ko lang kasi kay Lester, chick magnet. ang gwapo niya kasi, ang hot pa niya. parang mr. perfect na ang dating eh. ang negative side nga lang sa kanya is playboy. ewan ko ba kung bakit ang hilig ni Vermie sa mga playboy.

maganda naman si Vermie . chix na chix ang dating niya eh. maputi, long and shiny ang golden hair niya.  tapos lagi siyang nakaDress with matching high heels pa. bagay naman sila eh. isang playboy at isang playgirl. haha. Ang sama kong kaibigan, sorry. haha.

“papunta na yun dito. may kinuha lang daw siya sa locker. maayos ba yung muka ko?  “ tinuro niya yung muka niya.

“ oo naman. “ sabi ko.

“ sure ka?  walang dumi ? “ tanong pa ulit siya ng tanong.

super nacoconscious siya sa muka niya, eh ang ganda ganda na nga niya eh. kulang na lang tawagin siyang Diyosa! bakit kaya may mga taong hindi marunong makuntento sa kung anong meron na sila.

“ alam mo maayos naman yung itsura mo eh, wag ka masyado magalala kung may dumi man yang muka mo o wala, maganda ka naman eh. haha . “ sinabi ko yun sa kanya at tumawa na ko.

napatigil ako sa pagtawa ko nung nakita ko na ang sama ng tingin niya sa akin. kaya tumigil na ako. bago pa siya magalit sa akin.

“ sorry na. wag kang gumanyan, baka pumanget ka niyan, haha.  sige na Vermie, aakayat na ko. baka malate pa ko eh. ingat “ sabi ko sa kanya.

“o sige, girl.  ingat ka din. pasalamat ka kaibigan kita. kung hindi nasabunutan na kita. “ ngumiti siya at kumaway ng babye.

nagbabye na din ako. bumili muna ako ng candy at umalis na nang caf.

paakyat ako ng hagdan nang makasalubong ko si Lester.

“ hi Lester! “ sabi ko.

syempre, as usual, ini-Snob nanaman ako.

pero okay lang. hindi naman kasi ako talaga kapansin pansin eh. Alam ko namang yung mga Chix lang talaga yung pinapansin nun.

Sakto! Sabay na kami ni sir pumasok ng room. Ang dami na nila. Saan kaya ako uupo??

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O

Blind Expectation: Perfect Us ! <3

By: Pink Serenity <3

Chapter1 muna. Bibitinin ko muna kayo ;) weh ! :"> haha. Sorry for slow update. :D Sana matapos ko tong story na ito. Priority ko na nga to eh. Hold ko muna yung iba kong STORY. Yun lang muna sa ngayon. Paalam.

Godbless. :D

ENJOY !

VOTE ! 

COMMENT ! 

LEE.YAN.LOVE.13

BLIND EXPECTATION: Perfect us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon