BEPU <3 8th Chapter

15 1 0
                                    

" Thea , last na. Ibblind fold ulit kita ah. " sabi ni Dennis.

" nanaman ?! Wag na. Ang dami pang arte eh." Angal ko sa kanya.

" napagutusan lang. Sige na, Thea. Please. " pagmamakaawa sa akin ni Dennis.

" hay nako. Ayoko na ! Bahala na nga kayo jan. Sinasayang niyo ang oras ko. Ang dami dami ko pang pwedeng gawin na mas may kwenta pa. " tumayo na ako para lumabas na. Ewan ko , bakit ko ba nasabi yun? Sadyang mainipin ba ako o arte ko lang yun ? Baka naman ayaw ko lang talaga ng mga nangyayari.

Pagkatayo ko para lumabas, biglang namatay yung ilaw sa restaurant.

OMG! Takot ako sa dilim. >.<

Napa-upo ako ulit at tumabi kay Dennis. Sobrang dilim, wala akong makita.

"Dennis... Wag mo kong iiwan... " Sabi ko sa kanya.

...

...

...

...

...

...

"Dennis ?! O_O" Wala pa ring sumasagot.

Kinapa ko sa bag ko cellphone ko. Nang makita ko na.

*Flashlight on* ==|=O<

"Dennis.... Dennis.... Nasan ka ? ... Dennis? " Paulit ulit lang ako.

Kinuha ko na yung bag ko para lumabas na. Pagkahawi ko ng kurtina. May kandila. Korteng puso. nakalagay siya sa may bandang gitna. Nawala yung mga table and chairs na kanina lang ay nandito. Kelan pa nila inayos to ?

Pinuntahan ko na yung mga kandila.  Habang naglalakad ako, akala ko puro kalat. Yun pala mga petals siya ng bulaklak.

May pink na papel dun sa may loob nung korteng heart na mga kandila.

Bago ko pinulot. Tumingin muna ako sa paligid. Tinignan ko kung merong mga taong nagtatago. Muka namang wala. Pero sigurado namang meron.

Expected ko na yun kapag may surprise.

BLIND EXPECTATION: Perfect us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon