BEPU <3 13th Chapter

21 1 0
                                    

nagising ako sa busina ng kotse sa labas . hindi ko ito pinansin dahil inaantok pa ko talaga.

hindi tumitigil ang pag busina. kaya nagdesisyon akong labasin ang kotseng yun.

pagsilip ko sa may gate. nakita ko si Ric.

"hi Thea . busy ka ? " tapos ngumiti nanaman siya. yung killersmile na ngiti. haha.

" hindi ako busy. wala nga akong ginagawa eh. natutulog lang naman ako." sinabi ko sa kanya ng may pagkasarcastic.

" ayy sorry. ayain sana kita magmall. okay lang ba ? " bumaba siya sa kotse niya lumapit sa may gate.

" eh kakagising ko nga lang. matagal ako magbihis at maligo. wag na. iba na lang ayain mo." sabi ko sa kanya.

" okay lang . hihintayin na lang kita. " sabi niya.

" sige na nga . bahala ka . matagal talaga ako . pasok ka muna. " pinapasok ko siya kahit medyo nakakahiya ako. kasi nakapajamas lang ako eh

" salamat Thea. ang baet mo talaga ." kung hindi mo lang ako tinulungan last time makatakas , hindi kita pagbibigyan ngaun.

" i know. mabaet talaga ako. haha . joke lang. ge na diyan ka na . maliligo lang ako . " hinayaan ko na siya kasi nakapasok nanaman siya dito last time . alam na niya ang gagawin .

umakyat na ako sa kwarto ko at kumuha ako ng towel para maligo na . bumaba ako dahil nasa baba talaga ang shower room nitong apartment ni tita.

nakita ko si Ric nagbabasa ng magazine at kung pinipicturan niya yung mga articles siguro nung magazine. mahilig din kasi siya magbasa. siguro hindi naman niya yun mababasa ng isang upuan lang kaya pinipicturan na lang niya at para mabasa niya sa bahay niya.

"oyyy!! anong ginagawa mo diyan ? " ginulat ko siya pero hindi siya nagulat kasi naman ang layo ko sa kanya . haha

" wala . pinipicturan ko lang tong magazine mo . haha . ang ganda kasi eh " ngsmile nanaman siya.

"weh . baka yung mga babae lang ung pinipicturan mo diyan ha ?" sabi ko sa kanya ng pabiro .

" hindi ah . oh , ikaw naman . smile ! " hinarap niya yung cellphone niya sa akin para picturan ako . nagpose naman ako dahil whole body yata ang mapupicturan niya sa layo ko sa kanya.

" hahaha . ikaw talaga . nakakahiya , naka pajamas pa ako . idelete mo na yan ha ?" pununta na ako ng cr habang sinasabi ko yun.

" ayoko nga . ang ganda mo kaya dito. "

"ha ? "

" sabi ko , bilisan mong maligo "

"ahhh . okay !"

naligo na ako. nagtoothbrush. tapos. 1hr kong ginagawa yun. haha.

paglabas ko ng cr paakyat na ako ng hagdan, nang bigla kong naalala si Ric nandito pala sa bahay. wah! pagtingin ko sa likod. kasi nandun yung salas kung san siya nakaupo kanina. ayun , nagbabasa pa din siya.

bigla niyang inaangat yung ulo niya.

" oh ? tapos ka na ? ang bilis mo naman. picture ! " nagsmile naman ako. pero nakatalikod pa rin. haha.

"grabe ka naman . hindi naman ako isang araw maligi noh ? ge , diyan ka na na magbibihis pa ako. " nagmadali na akong umakyat ng kwarto at nagbihis na.

habang nagbibihis ako naiisip ko yung nangyari kanina. grabe, kahit naka-towel lang ako pinicturan pa rin niya ako. tsk.

hindi ba kabastusan yun ? hmmm.

haaay . bahala na nga . ipapadelete ko na lang mamaya .

nung ready na ako. bumaba na ako.

oh ? nasan na siya ? wala na siya sa salas . hinanap ko siya sa kusina . wala naman . baka nasa CR . pag bukas ko ...

"ayy sorry .." sinara ko ulit ung pinto. bakit ko ba binuksan ung cr ? dapat kumatok ako . pero hindi naman kasi ako sanay nang kumakatok eh .

hinintay ko siyang lumabas si Ric sa may salas.

nang makita ko na siyang lumabas. tumayo ako at lumapit sa kanya. medyo naiilang pa ako pero gusto ko talaga magsorry .

" Ric .. ano.. sorry nga pala kanina .. kasi ..nd ko naman " hindi na niya ako pinatapos.

" ano bang sinasabi mo diyan ? tara na ! habang maaga pa . para mas marami pa tayong mapuntahan . " inakbayan niya ako at ngumiti siya ulit .

sumunod na lang ung paa ko sa kung saan man siya maglalakad. lumabas na kami para sumakay sa kotse niya.

------

[mall]

" anong gagawin natin dito ? " tanong ko kay Ric.

"wala , isusurprise ka . di ba you love surprises ? " sinabi niya yun at inakbayan niya ako.

" wag mo nga akong akbayan , baka mamaya may makakita pa sa atin tapos --- " tinatanggal ko yung pagkakaakbay niya at hindi niya n rin ako pinatapos .

"at baka isipin nila na si Ric ang boyfriend mo at hindi T ? hahaha " tumawa siya ng mahina lang . tinanggal niya na rin yung pagkakaakbay niya .

naglakad lang kami na naglakad sa mall. tumunog yung tiyan ko. hindi pa pala ako nagbbreakfast .

" gutom ka na b ? kain muna tayo . gutom na ako eh . " sabi ko sa kanya.

" sige , san mo gusto ? " tanong naman niya.

" dun na lang sa McYummyHeat " sabi ko sa kanya . favorite ko dun kumaen eh.

" sige . tara gutom na rin ako eh . " sabi niya sa akin nang nakahawak sa tiyan niya.

habang nagiintay kami ng order namin . nagring yung phone ni Ric.

"hello?..(sabi niya sa phone)..wait lang ha ?..(sabi niya sa akin)"

" sige lang ... " sabi ko naman sa kanya na parang tinataboy na siya.

ilang minuto pa lang na nakakaalis si Ric , dumating na ang order namin.

sa sobrang gutom ko , hindi ko na maantay si Ric . kaya kumain na ako .

maya maya lang may umupong lalaki sa harap ko. akala ko si Ric. pero ...

"Hi thea ! ^__^"

~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>

Blind Expectation : Perfect Us!

By : PinkSerenity

matagal ba magupdate ? SORRY NA. :)

naReveal ko tuloy yung ibang side ni Ric dito. bastos! Charaught! di siya bastos. may something kasi eh! HAHA :)

eh favorite naman kasi talaga yung McDonalds + Miami Heat = McYummyHeat. haha :) mga pauso eh . SORRY NA ULIT. HAHA (:

chao.

ENJOY | COMMENT | VOTE | BE A FAN <3

LEEYAN.LOVE.13

BLIND EXPECTATION: Perfect us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon