07

3.6K 207 3
                                    

Read up to Chapter 12 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Facebook VIP group, please message my Facebook account Rej Martinez to join. Thank you!

Chapter 07

Asscher 

"Hale...ilang taon ka noong pinanganak ang kambal...?"

Tumigil kami sa paglalakad muli sa garden pagkatapos ng dinner upang harapin ang isa't isa. Tumingin sa akin si Hale at nagkatinginan kami. Ilang sandali pa bago siya sumagot. "I was...18...and Faye was 17 when she got pregnant with Angelo and Angela." sagot niya.

Sa kasalukuyan ay 10 na ang kambal. Kung ganoon ay 28 na si Hale.

Marahan naman akong tumango. Maaga pala talagang naging magulang sina Hale at Faye. "At nagpakasal kayo pagkatapos...?"

"She was also turning 18 at that time so we got married... Why do you ask?"

Medyo nahihiya naman akong ngumiti kay Hale. "Curious lang..."

Pagkatapos noong huling usapan namin ni Yaya Celsa ay tungkol nalang talaga sa kambal ang naging mga topics namin tuwing nag-uusap. Gusto ko rin naman iyon dahil nakatutulong din sa akin na mas makilala pa ang mga bata sa pamamagitan ng pag-alam sa mga gusto at ayaw nila sa tulong ni Yaya Celsa.

Tumango lang si Hale at nag-iwas ng tingin. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad sa garden na unti-unti na rin naayos pa. Napangiti ako habang nakikita ang ilan pa lang na mga bulaklak na nilagay ko dito sa garden.

Tumigil muli sa paglalakad si Hale kaya natigil din ako. I looked up to him and he was already looking at me, too. Mukha pang namomroblema ang hitsura niya noong una kaya bahagya rin nangunot ang noo ko sa reaksyon niya. Pagkatapos ay may kinuha at nilabas si Hale mula sa bulsa ng dark slacks niya. Napatingin din ako doon.

"I'm not sure if this is at the least the correct place. I've been wanting to give you this..." Pagkatapos ay sunod niyang pinakita sa akin ang isang maganda at eleganteng engagement ring!

Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi. Binalik ko ang tingin ko sa mukha ni Hale habang kinuha naman niya ang kamay ko at marahang sinuot sa ring finger ko ang medyo mabigat na singsing. Binalik ko ang tingin ko sa singsing at ilang sandali iyong pinagmasdan. The asscher cut diamond ring sparkled on my finger.

Pagkatapos ay napatingin ako sa paligid namin ni Hale. It was already evening but the moon was pretty bright. At maliwanag pa rin talaga sa garden dahil sa mga ilaw. Relaxing din ang mga halaman sa garden. Nag-angat muli ako ng tingin kay Hale at ngumiti sa kaniya.

He smiled, too.

And then we started the planning and preparations for our wedding. First we determined the budget that according to Hale ay walang problema iyon as long as masunod ang gusto naming wedding. The wedding coordinator looked very pleased. And then we made the guest list.

Wala na halos malapit na kamag-anak sina Hale kaya mostly ay mga kaibigan o business partners niya ang imbitado namin. Invited din ang Mayor at Vice Mayor. At kahit sina Papa ay iimbitahan niya rin kung gusto ko lang daw. Naisip ko naman sina Papa. Kumusta na kaya sila nina Tita Olga at Ella? Sa huli ay sumang-ayon ako kay Hale na padalhan din ng wedding invitation sina Papa. Kahit paano ay pamilya ko pa rin sila. Wala na nga lang akong narinig sa kanila simula noong umalis ako sa mga Chavez.

May bisita sa Casa Salcedo habang wala si Hale at nasa trabaho pa. Pero agad din siyang tinawagan ni Manang habang ako muna ang humarap sa mga dumating. Doon ko lang din nalaman na parents ni Faye iyon...

"Where's Hale, Lucille?" Faye's elegant and beautiful mother despite her age turned to Manang Lucille.

Bahagyang yumuko si Manang dito. "Nasa trabaho pa, po." Manang politely answered.

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon