The Final

6.8K 163 14
                                    

TW: Violence, some inappropriate scene, and harassment.

-

The Final

Matapos ang field trip namin. We came back to our classes. About my bracelet… Kuya got mad dahil nawala ko 'yon. Pero nag-sorry naman ako dahil hindi ko sinasadya na mawala!

"You lost your bracelet, Darlene. It's my gift for you," si Kuya.

"Kuya, hindi ko naman intention 'yon. I didn't notice that I lost it."

He let out a sigh. "Alright."

Ngumiti ako sa kanya. He smiled back but still, he was thinking about my bracelet.

Lara and I are playing in my room. Madalas na talaga siyang nasa bahay namin. Her parents knew me as well! Nag-sleepover na rin kami ni Lara noong nakaraan, and guess what? Kasama si Kuya, Kuya Tristan, Kuya Kester, Kuya Shion at Ate Anya. I know labag sa loob ni Kuya pero wala siyang nagawa dahil si Ate Anya ang nagsabi!

"What are you thinking?" nakita ko kasing malalim ang iniisip ni Lara, e.

"Iniisip ko lang 'yung batang lalaki nung field trip, iyong sinuntok mo?" Kinain niya ang fries.

Tumingin ako sa kaniya. "Sino d'on?" Dalawa kaya silang sinuntok ko.

"Iyong medyo matangkad tapos parang kamukha mo? Crush ko 'yon, e."

Ew. Iyong batang lalaki na 'yon? Ew, ang pangit niya kaya, saka anong kamukha? No way, pangit niya tapos magkamukha kami?

"Saka, Michelle, hindi ka ba nagtataka? I mean, kamukha mo talaga, e, magkamukhang kamukha kayo. Parang ikaw ang girl version n'on. Hindi kaya kapatid mo 'yon? Twin mo?"

Tumigil ako sa pagkain at inisip ang sinabi niya. I am not sure, wala naman kasing sinasabi si Papa sa akin. Tsaka, ako? May twin? I don't think so. Tsaka, pangit pa rin 'yon!

Nakauwi na ang best friend ko pero nasa isip ko pa rin ang sinabi niya. I can't sleep! Tumingin ako sa oras. It's already 9 o'clock! For sure, nandito na si Papa.

Bumaba ako sa kama para pumunta sa balcony. Sinilip ko ang garage. Nandito na ang car niya at kay Kuya!

Maybe I can ask Kuya? Tama! Si Kuya ang tatanungin ko!

Sinara ko muna ang pinto sa balcony. Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan kung nasaan ang room niya.

"Kuya!" I opened his room door. Tumigil ako nang makitang balak i-kiss ni Kuya si Ate Anya. Nagulat naman si ate at tumayo. Her face is blushing.

"Darlene, can you knock first before going inside my room?" Naiinis na sabi ni Kuya.

Nagtaas ako ng kilay. "Naudlot lang naman ang kiss mo kay ate kaya ka naiinis!" Umirap ako.

"Uh, I am going outside, Darlene." Nag-excuse si ate kaya tumabi ako. "I'll wait for you downstairs, okay?" Nakatingin siya sa akin kaya tumango ako.

Binalik ko ang tingin kay Kuya nang maisarado ang pinto. Nakatingin siya sa akin, I could sense that he's irritated. Tinawanan ko si Kuya.

"Bawi ka na lang next time, Kuya." I stopped laughing. "I have a question."

"What is it?" He sat on his swivel chair.

Lumapit ako sa table niya. "Kuya, do I have a brother aside from you?"

He looked at me. "Why are you asking?"

"Just answer it, I need an answer."

"Well, yes, Darlene. You have a brother aside from me—." Patakbo akong lumabas para puntahan si papa sa office niya. Narinig ko pa na tinatawag ako ni Kuya.

TGIWS: The Past (Completed)Where stories live. Discover now