Stalker

12 1 1
                                    

"Gago! Ayesha! Tignan mo 'to!" pasigaw na sabi ni Xyla.

"Ano nanaman ba 'yan?" pinakita ni Xyla ang cp nito.

Post: 'Wag ka magpapadrawing kung di naman tayo close🙄

Comments:

LLL18: Kahit naman close tayo ayaw mo padin idrawing si Ayesha😤

daniela_artist72: luh tampo yarn?

"Gago ampota!" mura ni Ayesha nang mabasa ang post. "Sino 'yan?"

"Malay ko, gulat nga ako e'. Pagkabukas na pagkabukas ko sa fb, 'yan agad bumungad," tawa pa nang tawa si Xyla.

"Creepy," nandidiring sambit ni Ayesha.

"Hala! May stalker ka, girl!" nang-aasar na sabi ni Xyla.

"Hala! What if kidnapin ako? Balita pa naman 'yun ngayon," madami kasing nawawalang babae ngayon. Kaya delikado na talaga para sa mga kababaihan na lumabas.

"Delikado na 'pag lumabas ka, omg!" kunwaring gulat na sabi ni Xyla. Binatukan naman ito ni Ayesha. "Aray!"

"Parang kanina lang inaasar ko si Jeycie na siya yung kikidnapin. Pota, ako pa yata!" lalong natawa si Xyla.

"Ayan kase, asar pa. Bumalik tuloy sa'yo, lagot ka," dinuduro-duro pa 'to ni Xyla. "Sino ba kasi 'yan? Ang creepy niya naman," inistalk nila ang profile nung lalaki ngunit wala itong kapost-post at hindi din kita ang buong mukha nito sa dp. Hindi din kumpleto ang pangalan.

"So, ano makukuha nating impormasyon dyan? Napaka-mysterious naman," sabi ni Xyla pagkatapos nila i-stalk ang lalaki. "Baka L start ng name niya?"

"Ang friend niya lang si Daniela tas yung nanay niya. Try ko kaya i-search name ko sa friend's list ni Daniela. Baka hindi pala ako yung tinutukoy," sumangayon naman si Xyla.

"Oo nga naman, sa dinami-dami ba naman ng friends ni Daniela,"

"Punyeta," napamura nalang si Ayesha dahil siya lang din ang lumabas sa friend's list ni Daniela. "Bakit niya ba kasi ako ipapa-drawing?"

"Hala! What if nakaabang siya sa bawat pag-palit mo ng profile tas ini-screenshot niya,"

"Hala, omg!" napatakip pa ng bibig si Ayesha. "Pero mukhang pogi.. ay!"

"Ay, yung side view niya, teh. Tas nakasalamin pa. Omg, what if?" pakikisakay naman ni Xyla dito.

"Kung pogi, sure, why not?" natawa naman yung dalawa sa kalokohan nila. "Uwi na ako, babae. Gabi na,"

"Ay, sure ka uuwi ka? Malay mo nandyan lang siya sa tabi-tabi, nakaabang sa paglabas mo," pananakot ni Xyla dito.

"Wow, so scary,"

"Baka mamaya magpakita na siya sa'yo," tuloy pang pananakot ni Xyla.

"Hala! Omg!" mukhang tanga na yung dalawa. "Uuwi ako! Papagalitan ako ni mama,"

"Edi goods," nakatanggap naman ito ng kaltok na tinawanan lang ni Xyla. "Hatid na kita sa labas, tas abangan ko kung may biglang dudukot sa'yo," pumayag naman si Ayesha.

"Kapag hindi padin ako nakakauwi, alam mo na," sabi ni Ayesha.

"Sige, kapag 'di ka padin nagchachat after 30 minutes tawag na ako police," pero totoong ito talaga ang balak nila dahil kahit papaano, posible padin yung iniisip nila.

"Bye!" paalam nila sa isa't-isa. Inantay ni Xyla na mawala sa paningin niya si Ayesha bago ito pumasok sa loob. Gaya nga nang usapan, nag-antay si Xyla ng chat ni Ayesha ng 30 minutes.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now