Her Life

11K 256 3
                                    

Chapter 1: Her Life



Ito ba ang silbe ng mabuhay sa mundong ginagalawan ko?

Ang makakita ng mga problema na hindi ko naman dapat pinoproblema..

Ang makakita kung paano magdusa ang iba samantalang ako andito lang sa isang tabi, walang magawa.

Ang makasaksi ng karumal dumal na pag-angkin ng buhay ng iba na hindi naman nila karapatang bawiin. Ang Diyos ang nagbigay buhay sa ng sino man, kaya siya rin ang may karapatang bawiin iyon sa tamang oras at panahon. Pero, bakit ako nakakakita ng ganito? May mga inosente ang nadadamay sa kawalang hiyang pagpapahirap ng iba.

"Waag! Aaaahhhh! T-Tulong! M-May magnanakaw! A-Ahhhh!.."

*Gun shot*

Tulad ngayon. May nangholdap sa babae at iniwan ng magnanakaw ito na nakahandusay sa sahig na wala man lang kalaban laban. Ito ba ang kapalaran naming mga inosente na tahimik na namumuhay? Ang mabuhay para magdusa? Wala man lang ako magawa. Pero kahit na ganon may tiwala pa rin ako sa Diyos.



Naglalakad na ako pauwi sa bahay dito sa madilim at masikip na daan. Tahimik at madilim. Kahit langgam ay mahihiyang mag-ingay kahit konti. Okay lang naman kahit gabi na ako umuwi. Dahil ang sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw at gabay ko.

Speaking of buwan, napapansin kong kakaiba na ang buwan ngayon. Iba ang kulay niya, itim na itim ang aura nito. At ngayon na ang gabi. Gabi kung saan magiging isa ang buwan. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan ay siya namang paghampas ng malamig, matalas, at malakas na hangin sa balat ko. Sinabayan pa ito ng mga kakaibang ingay. Hindi pala ingay kundi ungol. Kakaibang ungol na nagpapahiwatig ng pananabik.

Sa pagtaas ng mga balahibo ko ay mas binilisan ko pa ang paglalakad papauwi sa bahay. Ngunit habang tumatagal at papapalapit ako sa bahay, may nararamdaman akong kakaiba. Nararamdaman kong may masamang mangyayari. Hindi ko lang matukoy hanggang sa unti unting nagpaparamdam ang sinyales na may masama ngang mangyayari.

"AHHH! B-BITAWAN MO AKO! HALIMAW KA!! ARGH!!!"

Rinig na rinig ko ang malakas na tinig ng isang babae. At ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi ang nanay ko.

Mula sa malayo ay agad akong nagtago sa may halamanan dahil mula rito ay kitang kita ko kung paano bawiin ng halimaw ang buhay ng walang kalaban laban kong ina. Ang ina ko ay nakahandusay sa lupa habang ang halimaw ay marahas na iniinom ang dugo ng nanay ko mula sa leeg nito. Kitang kita ko rin mula dito ang matatalas nitong pangil at mapupula nitong mata.

Sa huling sandali na ito ay nakita kong tumingin sa direksyon ko si nanay at marahang ngumiti ng malungkot. Bago pa siya tangayin ng hangin ay may binulong siya sa akin bago pa siya lumisan sa mundong ito.

"Anak, magiingat ka. Kahit anong pilit kong paglalayo sayo sa mundong kinagalingan mo ay hindi rin maiwasan na habulin ako ng pagkakataon. Habang maaga pa ay iwanan mo ang mundong kinagisnan mo ngayon. Hanapin mo ang lugar kung saan ka bagay simula pa lang nung isilang kita. Hanapin mo ang sarili mo, ang totoong ikaw na matagal na dapat ay kinagisnan at kinilala mo. Iligtas mo ang kalahi natin, iligtas mo ang mundo natin. Mahal na mahal ka ng nanay. Hanggang sa muli nating pagkikita, anak..."- Marisse Alcanta

The Awakening of the Vampires (PUBLISHED BY DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon