Hi mga bh3 ako pHoewszxc si mH4rkiee_vHientíē_sYieteH.
ang ganda ng letters no? Dont tell me di mo naintindihan yan. Yan ang makabagong alpabeto ng Pilipinas na titawag na Jeje letters Ang ganda diba? Nakakatuwa may design yung mga letters.
Oh sha.. ang real name ko ay Mark Benites at nakatira ako sa Payatas malapit sa Doña Carmen. Di mo alam yung Doña Carmen? Banda yun sa Commonwealth. Ano ba yan?! Naging Guide na ako. Kala ko ba i ki kwento ko yung story ko dito. Geh push ko na to. 17 na ako ngayon at nag aaral sa Sulasok High School. Ang sagwa ng pangalan ng school ko pero wag ka! Ang galing mag turo ng mga teacher jan. Tuturuan kang mag walis ng tapat ng room nyo kapag may bisitang darating sa school, bumili ng mais para sa teacher, magpunas ng mga bintana at higit sa lahat ipaubos sayo ang laman ng buong canteen kahit wala ka nang pera. Oh diba? Ang ganda ng school namin :) Ang saya kayang mag walis haha. Pero masaya naman dahil nandon din yung mga jeje friends ko- sila bHószxć_m4p4ğm4hual, lh4díee_ćHòcoülit4h, at si řh4íň_hë4Rť_bh3bszxc. Oh diba ang astig ng mga code name nila?
Masaya kami dito sa Baranggay Kati Kati kahit na puro jejemon kami dito. Anjan yung mga kapit bahay ko tulad nila aling Martabelles na di na natapos sa nilalabhan nya sa tapat ng bahay nila. Nung isang taon pa yata yan. Mahihiya ang pambura ng monggol sa pagka pudpod ng kamay nya. Anjan din si aling tessy also known as tessylubelles oh diba? Lagi yang galit kay Indoy- anak nya. "Pu#'@&&;'a lagi ka nalang nasa computer shop! Gusto mo na ba talagang tumira doon ha?! " sample lang yan ng mga good words ni aling tessy. Gusto mo ng advice galing sa kanya? At nanjan rin si mang Ben na na bawal bigyan ng code name dahil magagalit sya. Di ata kami close kaya ayaw. Haha.
At ang favorite song ng boong baranggay ay ay walang iba kung hindi Thinking out loud. Ayan ang ganda nyan promise!! Talagang maririnig mo sa bawat sulok ng baranggay namin yan. Sa basketball court, sa mga schools, mga karinderya, tindahan, banyo, kusina at pati sa baranggay hall! ayan enjoy na enjoy nila at sa sobrang enjoy ay kinanta ng lahat pati nga ata mga aso't pusa kinakanta yan eh.
Nakatira ako sa bahay ni tita Mercy kasi nag abroad si mama para daw may pang college ako. Malungkot mahiwalay sa mama ko lalo nat wala na ang tatay ko. Hindi pa sya patay ah sumakabilang bahay lang. Pero mabait naman si tita Mercy sakin dahil nakaktawa daw akong kasama at nauutusan daw ako kapag kailangan na nya. Matandang dalaga si tita Mercy kaya dalawa lang kami sa bahay nya. Hala yare! Wag nyong sabihing sinabihan ko syang matandang dalaga ah... please. Baka magalit eh...
So ayan.. yan ang mundong ginagalawan ko- hirap man sa pinansyal na bagay ay masaya kaming namumuhay gamit ang mga totoong kami.
Ang drama.
....................................................
Author's note:
kung sino man ang nakakabasa nito ngayon, thank you!!! Hahaha! Thanks talaga ito po ang first story ko.
Sana po suporrtahan nyo tong story na to kasi di naman po ako writer instead isa lang akong 14 years old na studyante na medyo may malikot na imaaaaaaaaagination shon shon shon shon.
Oh sige next chapter na.
BINABASA MO ANG
WTF!
Randomback ground sound: heart beat Paano kung nasa harapan mo na ang lalaking sa sobrang kinis ay napahiya ang binarnisan naming aparador. at sobrang gwapo? Mark: lampake muka syang talakito hala. Eh pano naman kapag tinaas nya ang polo shirt nya at nata...