Chapter 23

8.5K 394 68
                                    

彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ



●~* You're Leaving? ●~*



[3RD]


"Bakit kulang kayo? Nasaan yung dalawa niyong kasama?" pagtitigil ng isang bantay kila Yongguk nang makadating sila sa gate ng palasyo.



"Hindi niyo ba sila nakitang pumasok? Nauna na sila sa amin." Kalmadong pagpapalusot ni Yongguk pero mukhang hindi kumbinsido ang bantay.



"Ginagawa niyo ba akong tanga? Kanina pa akong nakatayo dito at sigurado akong walang ibang nakapasok bago kayo." Iritang sabi ng bantay. Dahil sa komosyon, marami nang mga gwardiya ang lumapit sa kanila at nagkumpulan.



Tumayo ng alerto sila Jongup, Daehyun, at Youngjae.



Nag-smirk naman si Yongguk at lumapit sa tenga ng bantay, "Patuluyin mo na kami kung ayaw mong magkagulo pa dito."



Itinulak siya ng bantay at inilabas ang kanyang sandata. Pumaligid sa kanila ang ibang gwardiya na nakalabas na rin ang kani-kanilang mga armas.



Inikot ni Yongguk ang kanyang paningin sa mga nakapaligid sa kanila at lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti.



"Mmm, mukhang gusto mo ng gulo." mapaglarong sabi ni Yongguk bago tinaasan ng kilay ang kanyang tatlong kasama at tumango.




Time to have some fun.



*



"Shit, kailangan ko na kayong bitawan. Nanghihina na ako." mahinang sabi ni Himchan nang nakapasok na sila sa likod ng palasyo.



Kailangan pa nilang maglakad pa ng kaunti para makapasok mismo sa palasyo, at kita na nila ang mga bantay na nakapaligid sa lugar.



"Sige. Pagkabitaw mo sa amin, humanap ka muna ng lugar na matataguan at magpahinga ka muna." sabi ni Flame sa kanya, "Salamat." Ngumiti ng maliit si Himchan bago tumango at bitawan sila.



"Hoy!!" sigaw sa kanila ng isang bantay nang makita ang bigla nilang pagsulpot.



"Zelo!! Puntahan mo na si Bambi!" sigaw ni Flame at inilipat niya ang atensyon kay Grandmy, "Samahan niyo muna si Zelo. Protektahan niyo siya." Tumango si Grandmy at tumakbo na sila ni Zelo papasok sa palasyo.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon