Chapter 9

22K 701 87
                                    

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

~* The truth behind the memories ~*

[BAMBI]

".. Ano ba sila Mama at Papa?" pagkatapos kong sambitin ang katanungan na iyon, ngumiti si kuya - isang malungkot na ngiti.

Habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko, tumayo siya at tumango na parang sinasabing 'Tara'.

Tumayo na rin ako at ni-lead ni Kuya ang daan. Lumabas kami at pumunta sa likod ng bahay, at huminto sa isang pintuan.

Meron palang pintuan dito? *O*

Humarap sa akin si Kuya na may seryosong ekspresyon sa mukha niya, "Hindi ko pa masasabi ngayon ang lahat, Bambi. Konting katanungan mo lang ang masasagot ko ngayon."

Tumango na lang ako dahil hindi ako makapag-salita. Bakit bigla akong kinabahan? Eto na, diba? Masasagot na ang iba kong mga katanungan.. bakit parang natatakot ako? AGHHH! >O<

May kinuhang susi si Kuya mula sa bulsa niya at binuksan na ang pinto. Nagkaroon ng malakas na creaking sound mula dito. Yung para bang sa mga horror movies *__*

Hindi kaya may lahi kaming mga aswang? O mangkukulam? Waaaaaah!! >_<

Pinisil ni Kuya ang kamay ko, "Baliw ka talaga, Bambi." nakangiti niyang sabi at napailing na lamang.

Hala, nasabi ko pala yun ng malakas *_*V

In-on ni Kuya ang ilaw at nakahanda na ako para magulat.. pero nakita kong walang laman ang kwarto. Uhh..?

"Anong meron dito, Kuya?"

Hindi sumagot si Kuya. Binitawan niya ang kamay ko at pumunta sa isang malaking kabinet. Inipod niya ito at nakita ko ang isang pinto *O*

Teka.. paano nalaman ni Kuya ang lahat ng ito? Eh ako ang nakatira dito buong buhay ko?

"Teka, Kuya. Pano mo nalaman 'to?"

May kinuha pa si Kuyang isang susi mula sa bulsa niya, "Si Grandmy ang nagpatayo ng bahay na 'to."

"Tapos?"

Tumingin siya sa akin at nag-shrug, "Sinabi niya sa'kin."

"Haaaa? Eh bakit sakin hindi? Ako ang nakatira dito ah."

Binigyan ako ni Kuya ng isang apologetic look at binuksan na ang pintuan.

Hmp. Ang daya. Bakit ang dami nilang tinatago sakin?! >3<

Kinuha ko ang nakalahad na kamay ni Kuya at pumasok na kami sa madilim na kwarto. Kinapa ni Kuya ang dingding at may narinig akong nag-click, at bumukas ang ilaw sa loob ng kwarto.

At ito ang sinasabi kong hindi ko ineexpect *O*

Nilibot ko ang tingin ko sa loob. Ang daming mga painting ang nakasabit sa dingding, at ang dami ding librong nakapatong sa mga lamesa at naka-ayos sa shelves.

Para siyang lumang library *_*

Napukaw ng atensyon ko ang isang malaking painting na nakasabit sa gitna ng dingding ng kwarto.

May isang parang kastila ang nakatayo sa isang green na bundok. Pinaghalong mga kulay puti, asul at dilaw ang langit. Iba't-iba ang kulay ng mga puno, pati na rin ang damuhan.

Habang natagal ang pagtitig ko, parang unti-unting nagalaw ang nasa loob ng painting.

Dahan-dahang nags-sway ang mga puno, parang nagalaw ang mga ulap, at naglalaban-laban ang mga kulay sa langit.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon