Chapter 15

15.5K 532 66
                                    



彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* Ties ~*

[3RD]

"Nandito na 'ko!!" sigaw ni Yongguk pagkapasok niya sa bahay nila na may dala-dalang 2 malaking grocery shopping bag.

Nagulat naman ang lima na nasa living room. Hindi nga nila namalayan na umalis pala si Yongguk.

"Mag-ayos kayo. May pupuntahan tayo." utos niya.

Pupuntahan? Na naman?

Walang sumagot. Lahat ay ibinalik ang atensyon sa mga ginagawa nila kanina. Para lang hangin si Yongguk.

Sumimangot ang leader at huminga ng malalim, "HOY!"

Agad na nagtayuan ang lima at pumunta sa kwarto nila para magbihis.

[BAMBI]

"Miss. Miss! Pwede nyo na po akong kunan ng picture."

Nagising ako mula sa aking pagkatulala at tiningnan ang customer sa harapan ko. Huminga ako ng malalim.

Nagta-trabaho ako ngayon. Kailangan ko munang kalimutan ang mga impormasyon na sinabi sakin ni Kuya.

"Sorry po." sinet-up ko na ang mga kagamitan at nagsimula na akong kuhanan siya. That is until umalis ang tingin ni ate sa camera at biglang lumaki ang ngiti niya. Nakarinig din ako ng mahihinang bulungan mula sa iba pang customers na naghihintay.

Hinawi ko ang tela na naghahati sa main studio at sa lobby, at nakita ko sila Yongguk na kakapasok lang.

Nakita ako ni Yongguk at nag-motion siya na ituloy lang ang ginagawa ko habang pinapaupo ang lima sa mga bakanteng upuan.

"Umh.. excuse me.." agad kong ibinalik ang atensyon ko sa customer ko. Magso-sorry na sana ulit ako pero nagulat na lang ako nang nakangiti siya sa akin.

"Kilala mo ba sila?" excited niyang tanong. Nag-nod na lang ako.

"Omg! Pwede bang magpa-picture sa kanila?" napalakas yata yung pagsabi niya dahil biglang may humawi ng tela at sunod-sunod na nag-request din ang ibang mga dalaga na naghihintay. Umh.

"Ah hehe. Wait lang po ha. Itatanong ko lang." Mabagal akong lumapit sa anim. Ugh, papayag kaya sila?

Halata ang pagtataka nila nang tumayo na ako sa harapan nila. Huminga ako ng malalim. Oh well, here goes nothing.

"Pwede ba silang magpa-picture sa inyo?"

Tumahimik ng ilang segundo.

"Okay." sabi ni Yongguk.

"No." sabay-sabay na sabi ng lima.

Nagtinginan ang lima at si Yongguk. "Ano ba talagang pinunta natin dito?" hindi na maitatago ang pagka-irita sa boses ni Youngjae.

Bumuntong-hininga lang si Yongguk, "Tara na. Wala namang mawawala." Tumayo na siya at kahit hindi nila gusto, walang ibang nagawa ang lima kundi sumunod sa kaning leader.

"Hindi ko talaga maintindihan yun." mahinang sabi ni Himchan sa sarili niya.

Tiningnan ko lang ang mga likod nila habang papunta sa studio na may malungkot na ngiti sa labi. Alam ko kung anong ginagawa mo, Yongguk. Inuulit mo ang pinag-umpisahan nating lahat.

Salamat.

"Yongguk, nakakatakot ang ngiti mo." sabi ko habang fino-focus sa kanila ng customer ang camera ko. Sinamaan naman agad niya ako ng tingin. Uh-oh.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon