Hindi nagtagal ay umalis na din ang kaibigan ni Aireen sa kusina, kung saan kami nag-usap. At ako ay dumiretso na sa kwarto ko para makaligo na rin ulit.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako para maghanda ng tanghalian para makaka-kain na ang mga bisita. Ang boss ko ay nagtrabaho na kaya ang mga kaibigan nalang ni Aireen ang natira rito kasama ko.
Umakyat ako sa pangalawag palapag para tawagin na sila. Nakasara ang pinto kaya kumatok muna ako at nag-hintay na bumukas ito.
Bumungad sa akin ang nakausap ko kanina sa kusina. Ngumiti ako ng tipid bago nagsalita.
"Kain na po. Nakahanda na po sa baba," malumanay kong sabi.
Bagong ligo siya kaya naamoy ko agad ang bango niya. Pinigilan ko ang sarili kong ma-adik sa amoy at pinanatili ang mga mata sa mata niya.
Slowly, he nodded. "Okay. I'll just tell them so we can go down,"
"Okay po," I answered before leaving him.
Nakahanda na ang lahat ng kailangan nila sa lamesa kaya hindi na rin ako kailangan doon. Pumasok ako sa kwarto ko at doon nagpasyang maghintay. Binuksan ko ang cellphone ko at nagbabad sa facebook.
My auntie gave me this phone when she decided to buy a new one. Sobra ang tuwa ko noon dahil sa wakas ay hindi ko na kailangang pumunta pa sa computer shop para mag-search.
Wala naman talaga akong hilig sa Facebook. Wala din akong profile, cover photo or kahit ano mang post dahil hindi ko iyon hilig. Libangan ko lang ang pag-scroll sa mga memes at wala ng iba.
Pagkatapos ng limang minuto ay lumabas na ako para tingnan kung nandoon na ba sila. Saktong pagkalabas ko ay ang pag-upo ng huling bisita. Nagkatinginan kami ng nakausap ko bago niya ako tinanguan. Ngumiti ako pabalik.
Bigla ko tuloy naalala ang usapan namin na specialty raw ng mama niya ang Kare-Kare kaya paniguradong alam niya kung ano ang totoong lasa ng masarap na Kare-Kare. Kinabahan ako bigla kahit confident naman ako dahil matagal ko na itong niluluto.
"Wow! Kare-Kare!" Aireen seems so excited about it. Tumingin pa siya sa akin habang nakangiti. I smiled, too and nodded.
"Kumakain ka po ba niyan?" I asked her.