Prologue

7 1 41
                                    



"Ligpitin mo na 'to para makapag-pahinga ka na." 



Tumango ako at huminga nang malalim bago tumango at ngumiti. Pagod na ako dahil kanina pa ako pa-balik-balik sa kusina at sa hardin pero nang marinig ko na ang salitang pahinga ay hindi na ako nag-dalawang isip na kuhanin ang huling liligpitin ko para sa gabing iyon.



Ito ang unang araw ko ngayon bilang isang katulong at nasakto pang may event kaya pagod na pagod ako.  Bumabagsak na ang talukap  ng mga mata ko pero nagawa ko pa din na makaligo bago bumagsak sa kama na nilaan para sa akin. 



Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising kahit na pagod dahil sa kagabi. Naligo ako at nag-ayos ng mukha bago lumabas sa kwarto na tinutulugan ko. Hindi ko pa naaayos ang gamit ko dahil na-busy kahapon. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng almusal. Saktong alas-singko nang matapos ako sa pagluluto at paghuhugas ng plato. Naka-kain na din ako at nagpapahinga lang saglit bago mag-dilig ng halaman sa hardin. 



Nang maglakad na ako palabas ay sakto naman ang pagbaba ng boss ko mula sa hagdan. I smiled at her.



"Good Morning, po." I greeted.



Tumango siya at ngumiti. "Good Morning. Kumain ka na?"



"Opo, Ma'am. Nakapag-luto na din po ako para sa inyo at para sa mga bisita din po."



Pagkatapos ng interaction na iyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad para  matuloy ko na ang gagawin ko para sa oras na iyon.



Inayos ko ang hose at nagsimula na. Ang araw ay sumisikat na pero hindi pa naman masakit sa mata dahil sobrang aga pa. Huminga ako ng malalim.



I just turned eighteen last February. Kaka-graduate ko lang din noong March and now, I am here. Iyon kasi ang usapan namin ni Tita. - Ang pag-alis ko pagka-graduate na pagka-graduate ko ng fourth year high school.



"Ely, pagkatapos na pagkatapos mong mag-aral, uuwi kami sa mga magulang ko sa Mindanao. Hanggang kailan mo balak dito?" my auntie asked while I'm reading my lessons for that week.



Inangat ko ang tingin ko sa kanya at inayos ang salamin ko. 



"Dalawa o isang buwan po pagkatapos ko pong mag-graduate, luluwas na po ako ng Maynila." I answered.



"Good," she said before leaving me.


When the Skies Touches the SeaWhere stories live. Discover now