Umuwi rin sila nang mag-alas sais na. Hinatid ng driver at sumama pa si Aireen habang ako ay naging abala sa paglilinis at pagluluto. Natapos ako alas siyete na ng gabi at saktong kararating lang ng boss ko kaya saktong natapos ang niluluto ko.
Tinapos ko ang gabing iyon saktong alas diyes ng gabi. Nakapag-linis na rin ako ng katawan at pagod na humiga sa kama na nilaan para sa akin. Mabilis lang akong nakatulog dahil na rin sa pagod.
Mabilis dumaan ang panahon. Tumatanggap na ng mga estudyante ang isang State University sa lugar kung saan ako nag-ta'trabaho. Paalis na ang boss ko nang tawagin ko siya. Huminto naman siya kaagad at nilingon ako.
"Ma'am, aalis po sana ako." panimula ko.
"Saan ka pupunta?" she asked.
"Magpapasa po sana akong requirements para sa school. Balak ko po sanang mag-aral habang nagta'trabaho."
Tinitigan niya ako saglit bago dahan-dahang tumango. "Sigurado ka bang kaya mong pagsabayin?"
I nodded. "Opo. Kaya ko po. At kailangan ko din pong kayanin." I smiled.
She smiled, too. "Oh, sige. Mag-iingat ka. Alam mo naman ba ang pupuntahan mo?"
Hindi. Pero I didn't say that. "Opo, malapit lang po rito."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumalik na ako sa pagta'trabaho. Habang naglilinis ako ay ang siyang pag-alis din ni Aireen para sa trabaho niya. Mukhang nagmamadali siya kaya hindi ko na tinanong kung kumain na ba siya. I just watched her went inside their car.
Nang matapos ako ay naligo nalang ako at nag-ayos bago umalis. Kagabi pa naka-ayos ang mga dadalhin ko dahil planado talaga lahat. Pagka-labas ko ay nilakad ko lang hanggang sa main gate ng subdivision. Nagdala rin ako ng payong panangga sa init.
Nagtanong ako sa dumaang dalaga sa harapan ng subdivision kung ano ang kailangang sakyan para sa eskwelahan na pupuntahan ko. Nagpasalamat ako pagkatapos at sinunod na ang sinabi niya. Mabuti nalang at along the highway lang din ang school pagkatapos mong bumaba.
Nagbayad ako at sinabi ang eskwelahan. Ilang minuto pa ang tinagal nang makarating ako. Pagkababa ay agad kong binuksan ang payong ko dahil sa init na masakit na sa balat. Maraming estudyante ang nakapila kaya nagtanong muna ako kung nasaan ang pila ng mga mag'a-apply pa lamang.
"Hi! Uh, tanong ko lang po kung saan yung pila ng admission?" I politely asked the girl na nakapila rin.