4 years ago....
"Yeji, it has been a year since you graduated pero parang hindi mo naman ginagamit ang pinag-aralan mo. Sayang lang ang ginastos namin ng tito mo para sa tuition mo." I sighed as I look at my mom through the screen of my laptop, napahilot ako sa noo ko ng hindi pa siya tumigil magsalita at tinuloy pa ang mga sinasabi niya "kung sana bumalik ka dito sa Australia ng mas maaga edi sana second year ka na sa masters mo this upcoming school year."
I don't want to be rude kasi ina ko siya pero sometimes I just want to shut down the laptop habang nag-sasalita siya. Actually hindi naman ganito ang mom ko dati, but when she met our step-dad, uncle Lawrence, parang na-pressure na siyang e pressure kami regarding our careers. I mean, it's okay din naman siguro if pag-sabihan niya kami pero yung i-control niya ang buhay namin, it's a different story. I miss my mom na nakakausap ko regarding sa problema ko at tumatawa pa sa mga kagagahan ko, hindi yung mom ko ngayon na lahat ng ginagawa ko ay mali.
"balita ko hiwalay na din kayo? Yeji, five years iyon, kaya mong i-let go siya na ganon-ganon nalang?" napatingin ako sakanya "Ma, pinilit ko naman eh. Pinanghawakan ko yung tagal namin pero ma familial love nalang talaga. Sige na, Chaeryeong is waiting, bye" hindi ko na hinayaan na makapag-salita pa siya then I closed my laptop. Napabuntong hininga ako ng malalim at tumingala sa kisame. I'm again contemplating on what to do with my life. It has been a year since I graduated and passed na licensure exam pero as of now hindi ko pa din nakikita ang self ko na nagttrabaho sa certain path na tinapos ko during college. I am a psych major pero paano ko matutulungan ang ibang tao sa mental problems nila kung ako mismo hindi ko maintindihan ang sarili ko? I'm too complicated to handle.
Napatigil ako sa pag-isip ng marinig ko ang cellphone ko na nag-rring, it's Chaeryeong. I answered the call and sigaw agad ang natanggap ko galing sakanya "Yeji! nasaan ka na ba ha? kanina pa nag-aantay yung investors" tumingin ako sa oras at napamura sa sarili ko, I'm thirty minutes late "I'm on my way."
I asked my brother to drive me sa coffee shop and when I got there I saw Chaeryeong sitting and widely smiling habang kausap ang lalake sa harap niya, katabi naman ng lalake ay ang isang babae na kulay pink ang buhok. Lumapit ako sakanila, namalayan ng babae ang presence ko sapagkat napatingin ito sa akin, I offered my hand for a handshake "Hwang Yeji, co-owner." tinignan ng babae ang kamay ko at binaling ang tingin sa mukha ko kaya ngumiti ako, tumayo siya at nakipag-kamay saakin "Shin Ryujin, first year law student. This is my partner, Choi Soobin, he's the business guy talaga, I'm just in-charge of the legal things" she said and chuckled, tumayo naman ang lalake "Please to meet you Ms. Hwang." he said and nakipag-kamay din ako sakanya.
"Sorry to keep you guys waiting, I had an emergency." I said and sat down. Biglang pumasok sa isip ko na estudyante lang pala itong si Ryujin "excuse me Ms. Shin but you're still a student di'ba? how will you invest? ayokong may parent involvement dito." I said and she smirked. Napatingin ako ng seryoso sakanya "I'm serious." I said na kadahilanan bakit siniko ako ni Chaeryeong "I'm sorry Ms. Hwang but I'm more capable to buy this coffee shop of yours without using my parents money." she said proudly. "I'm sorry about that Ms. Shin, kulang lang ata sa tulog yung partner ko anyways please go through the contract muna, kakausapin ko lang siya saglit" Chaeryeong said at hinatak ako sumunod naman ako sakanya papunta ng barista station namin. "Yeji, please. I am your best friend and naiintindihan ko kung at some point depressed ka pa sa nangyare sainyo ni Yeonjun pero nagsi-alisan na ang mga nag-invest sa coffee shop na ito kahit yung parents ko wala na ding gana ituloy ang pag-support saakin para dito, at ang dalawang tao na iyon sa labas ang tanging makakatulong sa atin na matuloy 'tong business na ito, iyon ay kung may gusto ka pa bang ituloy 'to. Mag-iisang taon na Yeji pero hindi pa din natin na-open ang coffee shop kasi ayaw mo pa, ano ba talaga ang inaantay mo?" I look at Chaeryeong, dumbfounded at what she said "I-I don't know. Hindi ko alam Ryeong, I just feel like it's not the right time, hindi pa ako sigurado kung kakayanin ko ba ang responsibilidad. And no, kung ano man yung saamin ni Yeonjun hindi 'yon kasali sa issue na 'to. At saka, nag-tatanong lang naman ako kanina kay Ryujin, bakit parang galit na galit ka?" daing ko "kung hindi ka pala sigurado sa responsibilidad bakit mo ako niyaya na itayo ito?" seryosong tumingin sa akin si Chaeryeong. I can somehow feel anger in her stares "Hindi ganon ang ibig kong sabihin, ang akin lang what if pagka-isahan tayo ng mga 'yon?" sagot ko "Contracts exist for a reason, Yeji." hindi na ako inantay pa ni Chaeryeong at bumalik na kung saan sina Ryujin at Soobin. Nakita ako ang pag-ngiti at pagkamay nila. I didn't want to be there anymore pero bumalik pa din ako. I signed what is need to be signed and hindi na umimik pa.
Tama si Chaeryeong, masyado ng nalulugi ang coffee shop kahit hindi pa ito nagbubukas at dahil iyon sa akin.
Buong araw ay hindi umiimik si Chaeryeong saakin at patuloy lang sa pag-ccheck ng mga stocks. Napagdesisyonan na two weeks from now na ang opening ng coffee shop, isasabay daw sa birthday ni Ryujin. I personally don't like the idea kasi parang naging center of attraction siya whereas kami ni Chaeryeong ang may ari at nagpatayo ng coffee shop na ito. Pero wala din naman ako magagawa since sumang-ayon si Chaeryeong and she sees nothing wrong with that. Ayoko na din na mag-away kaming dalawa na matagal. Chaeryeong was one of the reason bakit pinagpatuloy ko ang psych kahit hindi ko naman passion ito. She was like a sister to me. "Mauuna na ako, turn off the lights kapag aalis ka na." napatingin ako kay Chaeryeong at tumayo "Ryeong wait, I'm sorry." she was about to go pero hinarap niya ako at ngumiti, lumapit siya at niyakap ako "I know, I'm sorry too. But we really need to be practical, okay? isipin mo nalang kapag naging successful ito may maipagmamalaki ka na kay tita at hindi ka na niya pilitin mag masters sa malayo" she said and I nod with a smile.
Tumingin ako sa wall clock and it has been an hour since Chaeryeong left. Uuwi na din dapat ako pero biglang lumakas ang ulan "hala wala akong payong." pagka-usap ko sa sarili ko. Hindi ko na tinuloy ang pag-labas at napag-isipan na gumawa muna ng kape kasi nilalamig na din naman ako. I tied my hair into a ponytail at isinuot ang apron saka pumunta sa mga coffee beans. Nilagay ko sa grinder ang at kinuha ko. I weighted the coffee at dinagdagan ng kaunti para maachieve ko ang saktong sukat para sa caramel macchiato na gagawin ko. Nilagay ko sa espresso machine at inantay na makagawa ng isang shot. Habang inantay ko nag prepare na din ako ng gatas.
Napangiti ako habang tinitigan ang kapeng ginawa ko. Tamang tama tumila na ang ulan. Nilinis ko ang counter at pinatay ang lahat ng switch. Hindi ko pa naiinom ang kape sapagkat naisip ko na on the way ko na ito iinomin.
Naglalakad ako sa lacson ave, sa kaliwang kamay ko ay hawak ko ang payong habang sa kanan ay ang kape. Nakatawid na ako at may nakita akong babae na nag-aayos ng sasakyan sa may bandang Anytime Fitness. Nilapitan ko siya sapagkat sa buhok palang niya ay kilala ko na kung sino ito. Umaambom pa din kasi at mukha wala siyang kasama kaya habang inaayos niya ang sasakyan ay inipwesto ko ang sarili ko sa kung saan masasakop siya ng payong.
Ilang segundo ay napatingin siya sa akin "Ms. Hwang, what are you doing here?" tanong niya at tumayo. Medyo mas matangkad ako sakanya kaya sumakto pa din ang payong sa amin "Pauwi na ako but I saw you and basang-basa ka na" I said that made her chuckle and then she looked away "Kanina lang gusto mo akong awayin kasi estudyante palang ako." she said and divert her eyes unto mine "you're not monolid, sadyang manipis lang ang double eyelid mo" she randomly said and unconciously I laughed lightly "tapos na ba 'yan?" ika ko at napatingin sa gulong na inaayos niya kanina "Yeah" she answered with a nod. I extended the arm on where I was holding the caramel macchiato "Here, para mainitan ka. Baka magkasakit ka at mawalan pa ng investor ang coffee shop" I said and smiled "I don't drink coffee." Napatingin ako ng seryoso sakanya "What? you invested in a coffee shop but you don't drink coffee?" I said with a shocked voice that made her chuckle "business is business, not personal." she said and smiled "but you need to try it to know if it's worth the risk." I said and insisted for her to take it. Tumingin siya sa kamay ko at binalik ang tingin sa akin.
"Just by looking at it I think it's worth the risk."
YOU ARE READING
Coffee Under the Rain (RYEJI AU)
RomanceShin Ryujin, a 22 year old law student come across Hwang Yeji, a 23 year old psychology major graduate who's having a hard time finding a proper job that and ended up working in a coffee shop. The two ended up to be textmates and ended up liking ea...