Kabanata 3 (Mga Alaala)

8 0 0
                                    

Dahil namiss ko ang Hacienda, napagdesisyonan kong mangabayo. pumunta ako sa Mataas na Burol. Kitang kita mula dito ang malawak na Hacienda namin. sa pinakadulo neto, Makikita naman ang Hacienda ng mga Aragon. Hacienda nina Troy. Muling bumalik ang mga alaala ng nakaraan.......

"Ylliana, i will give you something." sabi ng batang si Troy. Walong taong gulang pa lang kami nun. Suot suot ko yung bagong bestidang binili nina mama at papa. tas may ribbon sa ulo. Sya naman , jumper na hanggang tuhod at may t shirt under. Ang pogi nya.

"Ano un Troy? "

"Eto o." sabay abot nya saken nung bulaklak na nakatago sa likod nya

"Wow' ang ganda Troy" sagot ng inosenteng Ylliana

"Mas maganda ka. Lalo na pag......"

Kinuha nya yung bulaklak at nilagay sa gilid ng tenga ko.

"Ayan. Ang ganda mo talaga Ylliana." Sabi ng nakangiting si Troy. Bigla na lang nya akong hinalikan sa pisngi. Namula ako sa ginawa nya.

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko.

"Alam mo ba yung pinky swear?"

"Oo naman. diba yun yung Ginagawa pag may promise ka sa isang tao?"

"Oo Ylliana. Ganito o." Nagpinky swear kami. "I promise, I will be your husband in the future. I will love you  forever Ylliana." Kitams. 8 years old pa lang kami pareho pero Pumapag-ibig na kami. Haha. Lufet no?

"Ako din. Ako din. I promise That i will be your wife. I will love you forever  and always."

Lumipas ang mga buwan na ganun pa din ang pakikitungo namin ni Troy sa isat isa.

Hanggang dumating ang 10th birthday ko...

madaming bisita pero isang tao lang ang hinahanap ng mga mata ko. Si TROY. Maya maya , dumating na ang sasakyan nila. nakita kong bumaba ang mga magulang ni Troy Kasama si Troy at isang batang babae.

Napakunot ang noo ko Habang nakitingin sa kanilang dalawa'

"Hi Ylliana. Eto nga pala si Danica. Kapatid sya ni Kuya Symon."

Ngumiti naman si Danica pero halatang pilit. Hinawakan ni Troy ang kamay ni Danica sa Harapan ko. Sa mismomg harapan ko. Wtf!

Di ko kinaya ung nararamdaman ko kaya tumakbo ako palayo.

"Ylliana!" Narinig kong sigaw ni Troy. Ang sakit. paksyet. Sobrang sakit.

Napadpad ako sa burol kung nasaan ako ngaun. Dito ko iniiyak lahat ng sakit. Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko. hindi ko nilingon kung sino man sya. I know, its Troy.

"Ylliana."

"Marion?" Sabi ko ng mapagtantong hindi pala si Troy ang nasa likod ko. Humarap ako sa kanya at niyakap sya. Niyakap din naman nya ako pabalik. Humagulhol na ako ng iyak.

"Ang sakit Marion. hawak ya yung kamay ng babaeng yun. Kala ko ba mahal nya ko? Bakit may Danica na sya? Bakit di manlang nya ako sinabihan na may pinalit na pala sya saken? wala ba akong kwenta? " Tanong ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"Sshh. Tahan na Ylliana. Birthday mo tas umiiyak ka. di naman tama yan. Mas maganda ka naman dun sa kasama nya. Nagpaliwanag ba sayo si Troy?"

"Hi-hindi." Sagot ko at humiwalay sa yakap nya. Panu pa sya makakapagpaliwanag e Tumakbo na ako palayo.

Buti na lang merong kagaya ni Marion na pwede kong gawing tagaComfort saken.

"Hayaan mo muna syang magpaliwanag." sabi nya saka niyaya ako pabalik sa party pero tumanggi ako. Ang 15 anyos na kasama ko ngaun ang lage kong kakampi. Si Marion.

Sinamahan nya muna ako sa burol.

"Ylliana, bakit si Troy?"

"Ha? anong ibig mong sabihin?"

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon