Kabanata 4 (Mga Alaala 2)

13 0 0
                                    

"ibig kong sab—— Wala. Nga pala, Happy Birthday Sayo."

"Salamat." Di ko maiwasang malungkot. Binati ako ni Marion pero si Troy? di manlang nya nagawa.

"May regalo nga pala ako sayo. " sabi ni Marion at may kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon. nasa maliit na kahon ito na parihaba. "Pagpasensyahan mo na sana ito. yan lang nakayanan ko e," Binuksan nya ang kahon.

"Wow! ang ganda naman nyan Marion. Pero mahal ito diba?"

isang bracelet ang binigay nya na sya na din ang nagsuot saken.

"Minsan lang naman ako gumastos kaya sinamantala ko na ang birthday mo para bigyan ka nyan."

"Thank you so much." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. nagulat sya sa ginawa ko. pero pagkalipas ng ilang segundo nawala din naman ang pagkagulat sa mukha nya.

Matapos ang ilang oras, bumalik na kami sa mansyon.

nakita ko si Troy na nakatingin sa akin. Lumipat ang tingin nya kay Marion . Galit ang nakita ko sa mga mata nya.

"Ylliana!" lumapit sya saken at inakbayan ako. "bakit kayo magkasama ng katiwala nyo?"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabe nya. Alam kong mainit ang dugo nya kay Marion buhat nung naging kami. Seloso si Troy, na kahit ang kaibigan kong si Marion pinagseselosan din nya kahit hindi naman dapat.

"Hindi ba pwedeng batiin mo muna ako? it's my birthday if you don't know."

"hmm, im sorry—"

"Ylliana, mauna na ko." singit ni Marion

"Sige, salamat nga pala sa regalo. mag'iingat ka." Tumango sya at umalis.

"Regalo?" napatingin ako kay Troy.

"Oo. binigyan nya ako ng Regalo. eto nga oh," pinakita ko sa kanya ang suot kong Bracelet. "At binati na din nya ako, eh ikaw?"

"panu kita mababati kung umalis ka kaagad? hindi mo man lang ako hinayaang batiin ka o iabot manlang ang regalo ko."


" Ewan ko sayo! Salamat sa magandang regalo ha. Salamat. " sabi ko at umalis sa harapan nya. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may humigit na sa Braso ko.


"Ylliana, ano ba? bakit ka ba nagkakaganyan? ano bang mali ang ginawa ko para maging ganyan ang treatment mo saken? "


"Isipin mo" Hinila ko ang braso ko sa kanya at umalis para pumunta sa kwarto ko at magkulong.


Naiinis ako sa sarili ko. Akin lang kasi si Troy pero bakit kasama nya yung Babaeng yun? Tanong ng Batang Ylliana sa kanyang batang Isipan.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon