Kabanata 2 (Kababata)

11 0 0
                                    

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Medyo hindi pa din ako sanay dahil ngaung mga oras na to, sa US ay gabi pa lang.

Bumangon na ako sa malambot na kama para magtoothbrush at maligo.

Naalala ko yung napag usapan namin ni Briana kagabi. Di ako makapaniwala na sobrang taas na pala ng naabot nya. Isa na syang Business Tycoon. May sarili na silang Company at sya ang namamahala neto. Napakagaling talaga ni Troy......... Si Troy.

Ayokong aminin sa sarili ko na Miss ko Na yung lalaking yun pero yun talaga ang nararamdaman ko. Ang gulo mo Ylliana! hayy.

Bumaba na ako para kumain. Kasalukuyan namang nasa sala sina Mama at Papa.

"Iha, gising ka na pala. How's your sleep?" Tanong ni Papa at binaba ang dyaryong hawak nya.

"Okay naman po dad." nakangiting sagot ko.

"Tara, let's eat. we are just waiting for you to wake up para sabay sabay tayong kumain." Mom Said while smiling too.

"Sige po"

After eating, nagpunta naman ako sa likod ng mansyon para pumunta sa kwadra ng mga kabayo. Siguradong andito si Marion. Mga kabayo lang naman lage ang gusto nung himas himasin. Haha. Sshh.

Nakita ko naman kaagad sya na nakatalikod mula sa pintuan . Topless sya kaya kitang kita ko talaga ung likod nyang napakaMACHO. Dagdag pa sa kamachohan nya ang suot nyang maong na pants with belt at nakaleather boots na umabot sa  kalahati ng binti nya.  Err. ang Hot ng lalaking to ngaun. Si Marion Ba talaga to?

(hayy naku Ylliana. tama na ang pagnanasa kay Marion, lapitan mo na kaya)

Pati isip ko, kinakausap na ako. tsk. Am i crazy na ba? xD

Saka hello? kung ganito naman kaHOT ang nasa harap mo, magawa mo kayang hindi pagnasahan? Jeez! Ylliana ano bang pinagsasabi mo?! si Marion yan. Kababata mo.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinakluban ang kanyang mga mata gamit ang mga kamay ko. Medyo nagulat naman sya sa ginawa ko. Hihi. nakita kong natense yung muscle nya.

"Ylliana, is that you?" Aba bakit nya nalaman at Aba! umeEnglish na sya. Taray! haha. Di ako umimik pero nagulat ako sa gnawa nya.

Mabilis nyang inalis ang mga kamay ko sa mata nya at humarap saken.

Dahil sobrang lapit ko sa kanya kanina, muntikan ng maglapat ang mga labi namin nung humarap sya.

Parehas kaming natigilan. Gasinulid na lang ung distansya ng labi namin.

napaurong naman ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. LUBDUBLUBDUBLUBDUB . OhmyGee.

"Ah... Eh...Im sorry Ylliana" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. First time kong mailang kay Marion.

"Sorry din. By the way, Hi Marion. Namiss kita." With matching kaway pa yan.

Napangiti naman sya. Ang cute talaga ngumiti ng lalaking to. Aam nyo bang may HD sa kanya si Briana. Bago ako pumuntang US, sinabe saken ni Briana. Sa gwapo ba naman ni Marion noon. Lalo na ngaun tas Macho pa. Ay Paksyet. Yung abs o. Kumakaway kaway saken. Tuloy laway na ko. joke! hehe. Kakahiya ka Ylliana.

"Namiss dn kita." seryosong sabi nya.

"Hehe. kamusta ka na ?"

"Ayos lang naman."

"Ano nga palang kinuha mong course nung college?"

"Architecture"

Sobrang close kami ni Marion noon kaya naman pinag aral sila nina mama. matalino si Marion. Magaling din syang Magdrawing. Sa kanya nga ako nagpadrawing dati nung may assignment ako na kelangan daw naming iguhit ang pangarap naming maging bahay.

"Wow. ang galing naman. Pero bakit andto ka sa Probinsya? Dba mas mabuti kung sa Syudad ka magsstay kasi Mas madaming offer dun para sa natapos mong kurso" Tanong ko habang umupo sa upuan duon. umupo naman sya sa upuan sa harap ko.

"Nagtatrabaho pa din naman ako kahit nandito ako sa probinsya. May mga nagpapadeliver sa bahay na magpapagawa ng designs."

"Ang galing mo. Samantalang ako? Ma--"

"Management ang kinuha mong course dba?" Alam nya?

"Ah oo. bakit mo alam?"

Ngiti lang ang sinukli nya saken. Nakakapanibago si Marion.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon