Risa's POV
"Saan ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?" tanong ni Sonny sa akin.
Nagtext na kasi si Ma'am Leni na nakapag-out na siya kaya ako nagmamadali. Hindi ko na lang sinagot dahil baka sumama pa 'yan. Date na 'to magiging bato pa.
Pagkaayos ko ng gamit ko ay lumabas na ako ng faculty room. Nakasalubong ko pa si Chel at tinanong din ako kung saan ako pupunta. Hindi ko na lang din sinagot.
Pagkarating ko sa parking lot ay nakita kong nakatayo siya at mukhang may hinihintay.
Sino pa ba ang hinihintay niya? Syempre ako.
"Wow nakapagpalit na siya ng damit," bulong ko sa sarili dahil napansin kong hindi na siya nakauniform.
"Hello Ma'am," bati ko paglakapit ko sa kanya.
"Leni na lang, tapos na work hours natin," sagot niya.
"May sasakyan po ba kayo o -"
"Sa'yo na lang ako sasabay kung ayos lang?" pagputol niya sa sasabihin ko.
"Sure! Ayos lang," sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa sasakyan ko. Tahimik lang kami sa byahe. 5 mins lang naman yon. Actually, pwede naman lakarin pero nakakahiya naman na paglakarin 'to. Siguro next time? Late night walk kami, charot.
May table sila sa labas kaya doon kami pumwesto. Ang ganda ng ambience. Nakita ko siyang nililibot ang tingin sa paligid.
"Ang ganda ng coffee shop na 'to. Maraming halaman," sabi niya.
"Mahilig ka sa halaman?" tanong ko.
Tumango siya at tumingin ulit sa mga halaman sa paligid. I'm glad na nagustuhan niya yung lugar.
Tiningnan ko na lang ang menu para makapag-order na. "Ano yung sayo?"
Nabaling ang atensyon niya sa akin at tinignan ang menu. "Cold brew coffee na lang, thank you."
In-order ko na ang drinks namin at nagdagdag na rin ako ng cheesecake. Sana lang ay kumakain siya non.
"I also ordered cheesecake. Kumakain ka ba non?" tanong ko.
Tumango siya. "Libot lang ako, do you want to come?"
Nilibot namin ang coffee shop. Medyo malaki yung shop nila at maraming halaman kaya siguro gusto nitong maglibot. Mahilig talaga siya sa halaman. Sana halaman na lang ako, chos.
Maya maya lang din ay bumalik na kami sa pwesto namin. Sakto naman at tinawag na rin ako para kuhanin yung mga inorder ko.
Iinumin na sana niya yung kape nang pigilan ko siya.
"Can I take a picture of you?"
Bahagya siyang natawa. "Of course."
Nilabas ko ang cellphone ko.
"One, two, three," kinuha niya yung kape at ngumuti siya sa akin.
Oh my god, she smiled. I didn't expect that. She's so pretty.
Nag-usap lang kami tungkol sa trabaho at pagkaubos ng pagkain namin ay bumalik na kami sa school dahil nandon daw ang sasakyan niya.
"Thank you sa pag-agree na sumama sa akin at thank you ulit sa pagsoli ng phone ko."
"Don't mention it. Huwag mo na iwala ang gamit mo sa susunod."
"Sana may next time pa 'to," bulong ko.
"Huwag kang mag-alala, may next time pa. Chat mo na lang ako."
YOU ARE READING
By Mistake
FanfictionThis is a LenRisa Epistolary AU wherein - Risa unintentionally left her cellphone in a restaurant's restroom, and Risa discovers that the one she's had feelings for a long time has found her missing cellphone.