Leni’s POV:
“Tara na, Leni. Mag-unwind ka naman paminsan-minsan,” aya ni Leila sa akin.
Kaaalis ko lang naman kahapon. Risa and I just had lunch together. Unwind naman ‘yon, diba?
“Tinatamad ako umalis, sa susunod na lang,” sagot ko.
“Pero kapag yung isa mong co-worker ang nag-aya game ka agad?” sabat naman niya.
“Ito na, sige na.”
Napairap ako nang makita ko ang abot langit na ngiti ng kaibigan ko. Hay nako, pero totoo naman. Hindi ko rin alam pero kapag si Risa ang nag-aya e game ako agad.
We decided na magpunta na lang sa mall. Sinamahan ko siyang mamili ng mga kailangan niya at ako rin ay may iilang binili. Mga bagay na sa tingin ko e hindi ko naman kailangan pero masaya ako kapag nabili ko.
Hapon na rin kami umalis kaya sa mall na lang din kami magdi-dinner.
I saw a familiar face then I asked myself, “Si Risa ba ‘yon?”
Nakita ko rin na kasunod niya sina Chel and Sonny so confirmed si Risa nga. Lalapitan ko sana siya kaso nahiya naman ako at tingin ko naman e hindi niya ako nakita.
Nauna silang um-order kaysa sa amin. Ang tagal naman kasing mamili ng Leila ng kakainin. Siya na rin ang umorder para sa aming dalawa tutal siya naman ang nag-aya.
Naghihintay lang ako sa upuan ko habang nakatingin kay Risa. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakatingin sa kanya pero hayaan niyo na. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. She looks so happy.
Nabaling ang tingin ko sa kaibigan ko nang ilapag niya ang mga pagkain namin. Pagkatapos kumain ay napansin kong nagcr si Risa kaya ako rin ay nagpaalam na magccr muna.
Pagkarating ko sa cr ay nakita kong nagt-type siya sa cellphone niya kaya hindi na ako nagsalita.
Lumingon siya sa akin ngunit hindi manlang siya ngumiti. Dire-diretso lang siyang naglakad papalayo habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
YOU ARE READING
By Mistake
FanfictionThis is a LenRisa Epistolary AU wherein - Risa unintentionally left her cellphone in a restaurant's restroom, and Risa discovers that the one she's had feelings for a long time has found her missing cellphone.