Pagkapasok nila sa paboritong samgyupsal place na 5 minutes away lang sa school, agad silang naupo sa kanilang usual spot. Mainit ang paligid dahil sa mga grill sa bawat mesa, at amoy na amoy ang sarap ng inihaw na meats. Excited na silang tatlo, lalo na si Risa, na palihim na tumitingin sa pinto.
"Ano, order na tayo? Gutom na gutom na ako, promise," sabi ni Chel.
"Ako din, ayusin niyo luto ah?. Ayoko ng overcooked," sambit naman ni Sonny.
"Kuha muna tayo ng side dishes, baka sumunod si chairman eh," ika ni Risa at tumayo para kumuha ng side dishes.
"Ah, kaya pala pumayag ka agad eh. May hidden agenda ka pala," tumayo na rin si Chel para tulungan si Risa.
"Ganyan ang mga galawan ni Risa eh," sumunod na rin si Sonny.
"Sira! Hindi naman. Ano ba kayo, gusto ko lang naman malaman kung okay siya. Baka kasi stress siya sa trabaho," sabi ni Risa habang kumukuha ng kimchi.
Nagtawanan na lang sila habang nag-oorder ng pagkain. Habang hinihintay nila ang order, nag-uusap sila tungkol sa mga nangyari sa school.
"Grabe yung DLL ko kanina. Akala ko tapos na, yun pala may revision pa. Tapos si brother, ang tagal magprint," pagra-rant ni Sonny.
"Ako nga rin eh. Buti na lang naagapan ko. Ang hirap maging teacher, pero masaya rin naman, lalo na kapag nakikita mong natututo yung mga bata," tugon naman ni Chel.
"Pero si Chairman, kaya niya kahit sobrang daming trabaho. Hanga talaga ako sa kanya eh," si Risa naman ang nagsalita.
Habang nag-uusap sila, dumating na ang mga inorder nila na meat. Agad-agad silang kumain, at naputol ang kanilang usapan dahil sa sarap ng pagkain. Pero hindi pa rin mawala sa isip ni Risa si Chairman.
"Naalala ko tuloy nung first day niya bilang chairman, ang galing niya magsalita sa harap. Grabe, kinikilig ako!" ani Risa habang nagluluto ng meats.
Napatingin si Chel kay Risa, "talaga? Eh di ba ikaw yung laging tinutulungan niya sa mga reports mo?"
Natawa nang bahagya si Sonny, "uy, baka naman may something na talaga between you two."
Nahampas ni Risa si Sonny dahil sa sinabi nito. "Eme ka masyado, kumain ka na lang diyan."
Patuloy silang kumain at nagkwentuhan, nang biglang pumasok si Leni sa pinto. Napatingin agad si Risa, at nagkatinginan sila. Ngumiti ito at lumapit sa kanilang mesa.
"Hi," sambit ni Leni at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Risa.
"Hello po! Akala po namin nasa meeting ka pa" si Chel naman ang nagsalita.
"Actually, kakabalik ko lang. Nabalitaan ko na nandito kayo, kaya sumunod na rin ako. Ang daming trabaho, pero kailangan din mag-relax minsan," sagot ni Leni at tinulungan na rin si Risa magluto.
Nagpatuloy ang kanilang pagkain, at naging masaya ang kanilang kwentuhan kasama si Leni. Akala nila magiging awkward dahil nandyan ang chairman nila pero hindi naman pala. Masaya rin palang kasama si Leni.
"Ano sa tingin mo? May chance kaya si Risa?" bulong ni Chel kay Sonny.
"Mukhang malakas ang laban ni Risa. Tingnan mo yung tinginan nila, para silang nasa sariling mundo," bulong ni Sonny pabalik.
Sa huli, natapos ang kanilang kainan nang masaya at busog na busog. Bago umalis, nagpaalam si Leni kay Risa.
"Risa, salamat sa pag-invite ha. I had a great time," pagpapa-alam ni Leni.
"Thanks, Ma'am Leni. Ingat ka!" kumaway si Risa.
Pagkaalis ni Chairman, agad na kinulit ng dalawa si Risa.
"Grabe, girl! Kinilig kami dun. May ganoong side pala siya ano?" sabi ni Chel.
"Sabi sa inyo eh, may something special nga sa kanya. Mabait naman kasi talaga siya, seryoso lang sa trabaho," sagot ni Risa.
"Totoo! Ang sweet ni Chairman. Parang kayo na!" sabat naman ni Sonny.
"Ewan ko sa inyo, puro kayo pang-eeme," napairap si Risa pero ang totoo ay kinikilig talaga siya.
°.✩┈┈┈┈∘*┈┈୨♡୧┈┈*∘┈┈┈┈✩.°
thank u so much for reading by mistake! pasensya na sa slow updates, nakakampihan ko ang katamaran. pero ngayon, samahan niyo siguro akong magcrave, emeh T^T
YOU ARE READING
By Mistake
FanfictionThis is a LenRisa Epistolary AU wherein - Risa unintentionally left her cellphone in a restaurant's restroom, and Risa discovers that the one she's had feelings for a long time has found her missing cellphone.