CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Napabalikwas ako ng gising dahil sa naririnig kong pag-hikbi ng bata.

Parang may bumibiyak sa ulo ko dahil sobrang sakit no'n tiningnan ko ang orasan at ala'sinco pa lang ng umaga kulang ako sa tulog mahigit dalawang oras lamang ang aking naging tulog dahil alas dose na ng hating gabi nagpasyang umuwi sina Dos at Aishe.

Pagsapit naman ng ala una ay nakaramdam na ako ng antok at nagpasyang matulog na, sakto namang nagising muli ang sanggol panay ang iyak niyon at inabot pa ng dalawang oras bago muling naka tulog.

Napa-baling ako sa batang umiiyak, tulog ito at umiiyak agad ko iyong hinawakan, inaapoy ng lagnat ang bata bigla ay nakaramdam na naman ako ng labis na kaba sa aking dibdib

"Oh. Our Jesus Christ please have mercy." Agad akong gumalaw at ibinalot ng kumot ang bata.

Oh my freaking Bimpo where are you.

Nang makakuha ako ng bimpo ay agad akong kumuha ng palangganita na may tubig at binasa doon ang bimpo saka ko iyon pinunas sa bata ang taas ng lagnat nito.

Umuungol ito at umiiyak na siyang mas ikinakatakot ko. Inilayo ko muna si Ocean sa Kapatid niya upang hindi ito mahawaan nilapagan ko iyon sa sahig ng ilang bedsheets upang hindi malamigan ang likod at ilang unan sa mag kabilaan mabuti na lamang at natutulog pa iyon.

Binalikan ko rin agad si Zecario Aries upang punasan muli iyon. Niyakap ko na rin ito upang mabawasan ang lamig na nararamdaman nito.

"M-Mommy. No! Please don't hurt Mommy." Sabi nito at umiiyak Nananaginip ang batang ito, siguro nga talaga ay labis na kaharasan ang nangyare sa kanila hindi ito magkakaganito kung hindi ganun ang nangyare

"Shh. Baby it's okay." Pag aalo ko kahit tulog ito

Pangako aalagaan ko kayo hanggat narito kayo, hindi ko hahayaang may masaktan sa inyo.

Hindi ko gustong nakaka-kita ng nasasaktan, pakiramdam ko ay isa rin ako sa mga nakakaramdam ng sakit. I am a softy person, konting paki-usap lamang ay bumibigay na ako agad. Kaya nga ninais kong dumistansya sa lahat pero bigo ako, hindi ko kaya.

Ngayon ay posible na naman at ito nga iyon, mga batang wala pang ka muwang-muwang na pinangakoan kong aalagaan. Sana ay hindi ako mabigo. Sana ay kayanin ko. Sana ay hindi na sila maghirap kaya naman Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maging maayos sila.

Pangako ko iyon sa inyo Zecario Aries.



                         *************

"Mga inutil! Bata lang iyon bakit hindi niyo nagawang patayin! Natakasan pa kayo!" Rinig kong bulyaw sa loob ng opisina ni COP De la Cruz

"Sir-" hindi ko na narinig pa ang ibang usapan sa loob ng kalabitin ako ni Almazar

"Sir mas maigi siguro kong manahimik ka na lamang at umakto na para bang walang kang narinig" advice nito sa akin iginiya niya ako sa cubicle niya na ikinapagtaka ko naguguluhan man sa inakto at sinabi nito ngunit nanatili akong tahimik at naghintay sa sasabihin nito. Sa halip na magsalita ay may ini abot ito sa aking folder. Kinuha ko naman iyon

"Naka-paloob diyan ang isang kaso ng isang Babae, ayon sa nakuha naming impormasyon ay may anak ito base sa nakita naming litrato sa loob ng bahay, sa sitwasyon din ng babae ay bagong kapapanganak pa lamang nito bago napaslang-." Tiningnan ko ang litrato ng babae duguan iyon at naka handusay sa sahig.

"Ngayon ay patuloy pa rin ang pag-hahanap sa mga bata na ang inaasahan namin ay naka-takas ang mga ito."

Sunod sunod kong tiningnan ang mga litrato.

"Ngayon kung ano man iyong narinig mo sa labas ng pinto ni COP ay naisin mong manahimik na lamang, hindi ka super hero Sir Pertez." Natigilan ako sa sinabi nito at natigil rin ang paglipat ng litrato sa kamay ko

SHOOTING STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon