"Gusto mo bang maglaro sa labas Zecario?"
Tanong ko sa kaniya nanonood kase iyon ng mga pambatang kanta sa cellphone ko napapansin ko kaseng hindi siya nasisiyahan sa panunuod noon
Lumiwanag ang mukha nito ng tumingin sa akin ngunit agad ring yumuko bigla itong nalungkot siguro ay nakaramdam pa rin ito ng takot agad ko itong nilapitan at hinaplos ang mukha at muling iniangat ito
"Huwag ka ng malungkot. Mabait sila, walang mananakit sayo." mahinahon kong sabi nginitian ko pa ito
Hinawakan ko ang kamay nito.
"Halika lumabas tayo, mag-laro tayo gusto mo iyon diba, wag kang matakot nandito lang ako." Saad ko at hinila ko iyon patungo sa labas at lumapit sa mga batang nag-lalaro sa tapat ng aming bahay.
"Mga bata pwedeng bang sumali?" Naglalaro kase ito ng habulan sa kalsada. Pumayag naman ang mga ito.
"Sino na ang taya? Tanong ko sa kanila itinuro nila ako habang tumatawa
"Oh. Zecario ganito gagawin mo hah."
Nakinig naman ito sa akin, itinuro ko sa kaniya ang dapat gawin. napuno ng excite ang mukha nito na siyang ikinasaya ko. Dapat sa mga katulad niya ay nag sasaya, nag lalaro Kasama ang ibang mga bata, nakakalungkot isipin na hindi man lang ito nakapaglaro sa labas noon. Napaka-bata pa niya, ipinagkait na kaagad sa kaniya ang mga bagay na iyon. Ngayon na maayos na sila, hindi ko iyon ipagkakait, kahit pa wala pa ring kasiguraduhan nandito naman ako para ipagtanggol sila hindi ko na hahayaan pang danasin nila iyon.
"Bibilang ako ng sampo dapat naka-layo na kayo Isa, Dalawa, Tatlo, apat, Lima, ... Siyam, Sampo!"
Nang matapos ako sa pagbilang ay hinanap ko si Zecario naroon na iyon medyo malayo sa akin nakangiti ito at tumatalon talon pa na mas ikinatuwa ko
Hinabol ko ang isang bata na malapit sa akin at tinaya iyon agad naman akong lumapit kay Zecario at hinawakan ang kamay.
Hawak kamay kaming tumatakbo at iniiwasan ang taya. Tawa ng tawa naman si Zecario dahil hindi kami natataya dahil mabilis ang parehong takbo namin. Napuno ng kasiyahan ang puso ko para bang bumalik ako sa pagkabata. Nakakatuwa lalo pa't nakikita kong unti-unti ng nagbabago ang bata. Sana ay mag-tuloy tuloy na.
Napuno ng Sigawan at tawanan ang kalsadang iyon may nadapa ngunit parang wala lang, may nagka-untugan ngunit nagtawanan lamang, may nag-away ngunit maya-maya'y magka-akbayan ng muli.
Nakakatuwa!
Sana ganun rin ang mga matatanda, kaso malabo iyon, kahit hanggang kamatayan na nasa puntod na may galit pa rin na naka-kubli.
"Hoooh. Napagod ka ba?"
Tanong ko sa kaniya ng makabalik kami sa bahay
"Opo. Ang saya."
Bibong sagot nito nginitian ko naman ito at inabot ang tuwalyang naka lagay sa upuan, pinunasan ko ito dahil basang-basa ito ng pawis. Nakakatuwang isipin na basang-basa iyon dahil sa pawis kalalaro, halatang nag-enjoy nga ito.
***************
Ilang araw pa lamang silang nanatili dito sa maslog ay naging kampante na siya hindi kase sila agad pinayagang bumiyahe ng kaniyang Ina dahil masama daw iyon sa bata kaya naman nanatili muna sila sa isang kapamilya na medyo malayo sa lugar kung saan malapit sa panganib lalo pa't malayo ang lalakbayin posibleng magkasakit ang bata kung pipilitin nila. Nang mag-dalawang buwan na ang sanggol ay doon lamang sila pinayagang mag-biyahe.
BINABASA MO ANG
SHOOTING STARS
RomanceThere's a simple woman who always go to park to erase her stressful day, Every Night she's talking to her lemon a Ducati Motor she always blaming it for nonsense reason it always happen but, she knows that she is the one who did it. kung bakit? gan...