Move on no.5

14 1 0
                                    

Tapos nanaman ang isang araw na paghihirap sa paaralan,at nandito na ako ngayon sa loob ng kwarto at handa na para matulog ng marinig kong may kumalabog sa terrace ko,oh my,at dahil sa echosera ako,pinuntuhan ko,pero dala ko ang pepper spray ko.

"Ivan?!ano na namang ginagawa mo dito"

Pero mas napukaw ang tingin ko sa bagay na nasira nya

"Ivan!!!!bwiset ka!!sa lahat ba naman ng babasagin mo,ang vase pa ni darwin!!!ang sama mo!!"

"Grabe naman toh,vase lang yan,papalitan ko nalang"

"Hindi lang yan basta vase ivan"

Napapayuko nalang ako dahil kapag makita ko ang taong sumira nyan,ay mapapatay ko,at hindi ko kayang gawin yun kay ivan,dahil bestfriend ko sya.

"Alam ko"

"Alam mo pala,pero bakit sinasabi mo na lang,lang yun"

"Shara,ang mga taong hindi ka pinahahalagahan,wag mo naring pahalagahan,katulad nalang ng vase na yan,galing yan sa taong,hindi ka tinuring na parang tao.

"Pero nandyan ang lahat ng alaala ko nung kaibigan ko pa sya"

"Sa tingin mo ba,kaylangan mo pang i-display yan,kung ang lahat ng alaala na sinasabi mo ay,pawang kasinungalingan lang,mag isip ka naman sha,sayang ang utak"

Napapangiti nalang ako sa sinasabi nya,oo totoo namang hndi ko na kaylangang pahalagahan ang mga taong nang iwan sa akin.

"Yabang mo talaga,sandali ano ba talagang pinunta mo dito?"

"Ewan ko ba,basta gusto ko lang pumunta sa room mo kasi,mas comfortable ako dito,kasi malamig din"

Sasagot palang sana ako,ng biglang may pumasok,guess who?its my crazy mom,again

"Oh,ijo nandito ka pala,bakit hindi ka dumaan sa pinto,hindi kita nakitang pumasok kanina,tapos nandito ka na sa loob?"

"Ah ma?sa terrace ko po sya dumaan"

Nagulat kami,ng biglang tumawa ng malakas si mama,natuwa naman ako kasi,ngayon ko nalang ulit nakita si mama na tumawa ng ganyan.

"Ah tita,bakit po kayo tumatawa?"

"Well ivan,natatawa lang ako kapag iniisip ko,kung ganyan din ba ang gagawin mo kapag nililigawan mo na si shara"

"Mama!!!!!?over na"

"Pwede naman po tita,pero mukhang imposible,kasi po sobrang taray po nitong si shara,at man hater daw po sya,kaya ayaw nyang mag boyfriend,at may girlfriend na po ako"

What?!bakit di ko alam toh,at bakit?
I don't know why,but when i heard it,parang may ewan na nag spark sa utak ko,ewan ko ba kung bakit.

"Oh k,sige iwan ko muna kayong dalawa sige,goodnight"

"Goodnight ma"

"Goodnight din po tita"

Paglabas ni mama,isang katahimikan ang nabalot sa buong kwarto,pero ako ang bumasag ng katahimikan na yun.

"Bakit di mo sinabi sa akin na may girlfriend ka na,ano toh taguan ng sikreto?"

"Alam ko na private yung pagkakaroon mo ng girlfriend pero,sana as your friend,sana ipaalam mo rin"

"Alam na ba toh ng lahat"

Hindi sya sumasagot,at nakayuko lang ibig sabihin,totoo ang lahat ng yun.

"Wow ivan thanks,ako ang pinaka huli,dahil ba sa masungit ako,dahil ba sa iniisip mo na kapag nalaman ko toh,pigilan kita,no ivan kahit kailan hindi kita pinigilan sa kahit na anong desisyon mo,lahat ng problema ko,ikaw ang unang nakaka alam,lahat ng sikreto ko,ikaw ang unang nakaka alam,tapos ikaw,wow talaga,siguro kapag hinuli kita sa buhay ko,baka sakaling,unahin mo narin ako"

Humiga na ako sa kama,at nagtalukbong ng kumot,para hindi sya makita,ano ba tong ginagawa ko,sa inaasta ko ngayon,para nya akong girlfriend,ahhh nakakainis na ah.

"Shara,alam kong gising ka pa,alam kong umiiyak ka,pero gusto ko sanang malaman mo na ang lahat ng sinabi ko ay hindi totoo,sinubukan lang kita,gusto ko kasing malaman kung ano yung magiging reaksyon mo kapag nagkaroon na ako ng tunay na girlfriend,alam mo shara,may gusto akong sabihin sayo,pero hindi ko masabi,kasi ayaw kong masira ang friendship natin,oo torpe na kung torpe,pero sana kahit sabihin ko toh,kaibigan parin kita,pero hindi ako sure kung ganito parin ang turingan natin sa mga susunod na araw,shara,i love you,kung alam mo lang"

Ano naman tong nararamdaman ko,bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko,bakit nung sinabi nya yun,parang bumalik ang dating darwin,no hindi pwede toh.

***

Pagpasok ko sa school,hindi ko kasabay si ivan,si annie ang kasabay ko ngayon,at ang saya saya nya ah.

"Oh shara,bakit hindi kayo magkasabay ni ivan ngayon?may problema ba kayo?"

"Eh ikaw bakit parang ang saya mo ata,at ang blooming mo today ah,anyare"

Napansin kong,biglang namula si annie nung sinabi ko yun,hindi kaya.

"Hoy annie?may kaylangan ba akong malaman"

"Sabi ko na nga ba eh,mahahalata mo rin eh"

"Ano nga,sasapakin na kita dyan"

"Eiih,eh kasi shara,kami na ni ethan"

"What!!!!????!?!?!?!"

Halos mapatingin sa amin lahat ng student,pero bumalik ulit sila sa pinaggagawa nila.

"Anong sabi mo,kayo na ni ethan,paano,saan kaylan,hanggang kailan"

"Ayaw ko nga sabihin,syempre,secret na namin yun noh"

"Sabagay,oh by the way congrats ah,si alex pala pati si samantha,nasabi mo na ba yan sa kanila"

"Oo,nandun kasi sila nung,sinabi ni ethan na gusto nya ako,ang alam ko nandun sila sa canteen ngayon,tara na"

Habang naglalakad kami papuntang canteen,may biglang kumausap kay annie na babae,at pagtatangkaan syang sasampalin,at dahil bestfriend ko si annie,hinawakan ko kaagad ang kamay nung babae,at kahit magpumiglas sya,hindi nya kaya,kasi mas malakas ako,kaysa sa kanya

"Wag mo nga akong mahawak hawakan"

Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"At wag na wag mo ring susubukang sampalin ang kaibigan ko,dahil kapag ginawa mo yun,sinisigurado ko sayo,na hindi ka na talaga mapapabilang sa list of popular,at alam kong,you don't want it to happen,right?"

Nilagpasan na namin yung babae,at pumunta na sa cantee,naabutan namin dun magkakasama yung apat,sila alex,samantha,david at drake.

"Oh shara,asan nga pala si ivan,bakit di kayo magkasabay"

"Iniwan ko na,tulog pa ata eh,baka ma late ako,kapag hinintay ko pa sya"

"Ah ganun ba,sige upo muna kayo dito,sama sama na tayong pumasok sa room tutal magkakasama namn tayo,at magkaklase pa"

***
Pagdating namin sa room,wala pa si ivan,mukhang di papasok,siguro dahil sa kagabi,ahhh sobrang naguguilty ako sa ginawa ko sa kanya,pero wala pa naman akong feelings para sa kanya,pero sa tuwing kasama ko sya,parang ang saya saya ko,hindi ko maintindihan,gusto ko lagi kaming magkasama,oh my ano tong ginagawa ko,i miss ivan na agad,gusto ko na syang bumalik,pero paano.

Two words,                                  six letters                           (#move on)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon