Chapter 4

66 9 1
                                    


GRESHA

Kakalabas lang ni Prinsipe Dustin mula sa kwarto niya at tumungo sa silid kung saan siya kumakain ng agahan kasama ang reyna.

Binati niya ang ina bago siya umupo sa upuan na nasa harap nito. Napatingin siya sa upuan na nasa kabisera dahil iyon ang nakasanayan niyang gawin, ang batiin ang ama niya sa umaga. Kagaya nung nakaraang mga araw, nakaramdam na naman siya ng lungkot dahil pinaalala na naman sa kanya na wala na nga talaga ang ama niya.

"Anak," tawag sa kanya ng reyna nung napansin ang lungkot sa itsura niya.

Napatingin siya sa reyna at nung nakita ang pag-aalala sa itsura nito, agad siyang tumikhim at pinilit na itago ang lungkot na nararamdaman niya. Ayaw niya kasing mag-alala sa kanya ang reyna lalo na at malungkot na ito sa pagkawala ng ama niya.

"Nasaan si Prinsesa Feya, Mama? Hindi ba siya sasabay sa atin sa pagkain?"

Umiling ang reyna at nawala ang pag-aalala sa mukha niya dahil sa tanong ni Dustin. "Hindi, anak."

"Bakit?" takang tanong ni Dustin.

"Hindi kumakain ang mga Acrorian. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang lakas nila kahit hindi sila kumakain."

Namangha si Dustin sa nalaman. Meron na naman siyang nadiskubre tungkol sa mga Acrorian. Hindi nga pala sila tao na kailangang kumain kagaya nila para lumakas. Kung ganun, kailangan na niyang tandaan na hindi niya makakasalo sa mga kainan si Prinsesa Feya.

Tahimik lang na kumakain ang mag-ina. Nung matapos silang kumain ay lumabas na sila pareho at nagpunta sa kanya-kanyang gawain. Dumiretso si Prinsipe Dustin sa labas para magsanay kasama ang mga tauhan niya. Kailangan nilang maging magaling at malakas para maging handa sa susunod na paglusob ng kaaway. Habang ang reyna naman ay dumiretso sa silid ni Feya.

Kumatok ang reyna sa pinto ng kwarto ni Feya. Ilang sandali ay narinig niya itong nagsabi na, "Pasok." Kaya naman ay binuksan ng reyna ang pinto at pumasok.

Natigilan ang reyna nung pumasok siya sa loob ng kwarto. Namangha siya sa nakita. Nagtaka siya nung matauhan kung tama bang kwarto ang pinasukan niya dahil hindi ito ang itsura ng kwarto nung pumunta siya rito kagabi. May malaking kulay puti na kama sa gitna na napapalibutan ng mga magagandang halaman. May mga bulaklak na kulay rosas sa mga pader at may ilang kulay rosas din na paruparo na lumilipad sa loob ng kwarto. Parang hardin ang pinasukan niya. Napakaganda ng kwarto. Ngayon lang siya nakakita ng ganito.

Napatingin ang reyna sa prinsesa nung lumabas ito mula sa isang sulok. Tiningnan niya ang prinsesa mula ulo hanggang paa. Napakaganda ng itsura nito pero mas lalo itong gumanda sa suot niya.

"Prinsesa Feya, ikaw ba ang may gawa nito?"

Mas lalo pa pala itong gumanda nung ngumiti ito. Unang beses na nakita ng reyna ang ngiti na iyon at namangha siya sa angking kagandahan ni Prinsesa Feya. May kakaibang dating ang prinsesa na hindi niya mahanapan ng tamang salita.

"Ako nga, Reyna Yessica. Naisip ko kasi na gawing replika ng kwarto ko sa Acroria ang kwarto na ito para kahit papaano ay hindi ko mamimiss ito ng sobra. Sana ay okay lang sa inyo. Pasensya na."

Mabilis na umiling ang reyna. "Okay lang sa akin, Prinsesa Feya. Kahit anong gawin mo na magpapasaya sa iyo ay okay lang sa akin."

Mas lalong ngumiti si Prinsesa Feya dahil sa sinagot ng reyna. Gumaan tuloy ang loob niya sa reyna dahil nakikita niyang maganda ang kalooban nito. Lumapit siya sa reyna at sinabing, "Natutuwa ako sa pagpayag ninyo." Ngumiti lang ang reyna bilang sagot.

Kahit alam ng reyna na napilitan lang si Feya na pumunta sa mundo nila at nakita niya rin kung gaano nito kaayaw na manirahan sa mundo nila, alam niyang mabait itong nilalang. Nararamdaman niya na may malambot itong puso at handa itong tumulong. Pero nagtataka pa rin siya kung bakit ayaw nito sa mundo nila. Nasaktan siya nung narinig mula sa hari na labag sa loob nito ang dumito sa mundo nila.

Two KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon