CHAPTER_#03
The pLan <3 hart hart ^,^
YAEL'S POV
Mag-isa na naman ako.
Si Sam? Kumakain na sila. Katatapos lang naming gumawa ng activities. Ngayon, binigyan kami ng 1 hour para kumain at magLibot sa school fair.
Nandito ako ngayon sa labas. Nakaupo sa hagdan. Nagpapahangin, nag-iisip.
"Yael?" -Eson
"Ui Eson?" -Yael
"Pede ba tayong mag-usap?" -Eson
"Sige ba. Tungkol saan naman?" -Yael
"Sabihin nalang natin na, may Itatanong lang ako sayo" -Eson
Iba na ang pakiramdam ko, sa tingin ko.. Seryosong usapan toh? Ano naman kayang Itatanong niya sakin? Teka.. Hindi kaya.. hindi kaya tungkol ito sa napag-usapan ng barkada kanina?
END OF YAEL'S POV
SAM'S POV
"Guys? Sama-sama na tayo mamaya sa fair huh" -Ashy
"Ouh naman, kelan pa ba tayo nag-iwanan?" -Aly
"Sana nga hindi mangyare yun" -Sam
"Oo naman! Ano ka ba?" -Ashy
"ahh.. wala, alam ko naman na hindi yun mangyayari" -Sam
"Pwera nalang kung may pag-awayan tayo o kaya may mang-iwan" -Aly
May mang-iwan? Pag-awayan? Pano nga kaya, parang.. parang.. iba, hindi ko alam kung bakit o pano, pero hindi ko gustong marinig ang mga salitang yun.
Hmmnn .. siguro dahil ayakong mag-away-away kaming lima. Hayyy oo baka nga siguro yun ang dahilan kung baket.
--------
SAM'S POV
"Sana naman sinabi mo na hindi mo ko masusundo hindi yung sasabihin mo sakin na hintayin kita kahit hindi ka darating" -Sam
"Dumating ako!" -Mark
"Dumating ka? Anung oras? 6:00 pm nga wala ka pa ee, anung oras ang awasan namin? 1:00 diba?" -Sam
"Sana kasi sinabi mo na may maghahatid sayo!" -Mark
"Huh? Maghahatid? Saken? Sino pa bang maghahatid sakin pauwe? Diba ikaw? Ano? Ipapaalam ko pa sayo yun?" -Sam
"Ako? Eh ka-Holding hands mo na nga!" -Mark
"Mark! Ano bang pinagsasasabi mo? Alam mong hindi ako pumapayag na magpahawak ng kamay sa lalaki! Sayo nga hindi sa iba pa kaya?" -Sam
"Ewan ko sayo! Kitang kita ka na, itatanggi mo pa!" -Mark
"Mark naman! Halos mag-I-isang b'wan palang tayo tapos ganyan ka na? Ano ba!" -Sam
"Oo nga mag-iisang b'wan pa nga lang tayo, ilang araw na nga lang monthsary na natin, tapos makikita nalang kita na may ka-holding hands na iba!" -Mark
"Mark Dylan De Castro! Tsaka nalang tayo mag-usap!"
Pinatay ko na yung call. Naaasar na ko! Sinong ka-holding hands ko? Anong pinagsasasabi niya? Ahh!!