Chapter_#04

12 2 0
                                    

CHAPTER_#04

Surprises ^___________^


Pagdating ko sa unang hagdanan, may mga nakapilang tao, sa both sides nung ladder. Tapos, nag-greet sila sabay sabay.

Nag-smile naman ako sa kanila. 


Ano yun? Parang .. Grand entrance? :D hahahahhaha


Unti-unti nawala yung bad vibes sakin..


Kaya lang may naaalala ako sa grand entrance. Si Mark. Di ba nung nagtanong siya sakin kung pwedeng manligaw? sinabihan ako ni Ash na para daw kaming may grand entrance. Kasi diba nagsihawian yung mga tao hallway nung dadaan na kami ni Ash?


Awww.. namimiss ko natalaga siya. Hayyyy nako nako! Tama na nga yan. Maglalakad nalang ulit ako.


Pagdating ko sa 2nd ladder, ganun din.. May mga tao tapos puro Hi, hello at goodmorning ang sinasabi nila sakin.

Nag-response nalang ako sa kanila.


At ayun na nga.. nawala na ng tuluyan ang badvibes ko.


Pagliko ko, yung mga tao, nakatingin lahat sakin tapos lahat sila naka-smile.

Nakakatakot kayo. Alam niyo ba yun? -___________-

Joke ^_^v pero serious, Nakakatakot talaga. ><


Ikaw ba naman makasalubong ka ng napakaraming tao tapos nakangiti lahat sayo.

-___________- Nakakatakot kaya. Parang may masama silang balak. Parang pakiramdam ko, ano mang oras, may hahalbot ng bag ko.


Luh? Loka. Ano namang makukuha nila sa bag ko? Notebooks? Eh nasa bulsa ko yung wallet ko tapos hawak ko naman yung phone ko.

Or baka naman, halbutin nila yung phone ko kasi alam nilang wala silang mapapala sa bag ko. AY! NAKO! KUNG ANO ANONG INIISIP KO >___< alam ko namang hindi yun mangyayari eh.


Ano bang meron sakin? Anong meron sa kanila? Bakit kaya ganun yung mga tao sa school ngayon?

Psh bahala sila. Basta ako, may sarili akong buhay. Mind your own businesses. ;)


Naglakad nalang ako ulit papunta sa room.


"Sarado pa?"  -Sam


Bakit ganun? Sarado pa yung room namin. Patay pa lahat ng ilaw. Anu yan? Ako ang unang dumating?

May pasok ba? Baka wala kaming pasok? Ehhh di pede yun, nandito na yung iba kong ka-year level eh..


Tinignan ko kung naka-Lock pa yung pinto.

Thank God, hindi na. Unti-unti kong binuksan yung pinto.


Nakakatakot hah, ang dilim sa room. Baka may kung anong something ang humawak sakin ><


TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon