PROLOGUE

24 2 0
                                    

Sorry guys deneleted ko nalang lahat yung mga nabasa niyo yung unang nakabasa nun, hehehe.... babaguhin ko lang dahil parang hindi intense kasi para sa akin. pag pasensyahin niyo ako ah hehehe and thank you for supporting me <3 thanks guyss !! <3 


.....


"Pst!Pst! Shane! "

Napaungol ako ng marinig ko ang boses ng isang bata, napakurap naman ako ng makita ko ang isang punong kahoy, at tinamaan naman ako ng  mga liwanag na natatama sa mga dahon ng puno.At dun ko nalaman nakahiga pala ako. "Shane! Gumising ka na riyan! Samahan moko". Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko na naman ang boses nayun. Boses ng isang batang lalaki. Nagtaka ako saan nga ba ako? Bakit ako nandito? At anong ginagawa ko dito?

Ng dahil sa dami kong tanong sa isip ko ay bigla nalang sumakit ang ulo ko. "Aray!" sabe ko at napahawak sa ulo ko. Ng marinig ko naman ulit ang boses ng batang lalaki.

"Dito tayo Shane, dito nalang tayo maglaro". sabe nung bata, dahil na curious ako ay lumapit ako sa isang malaking puno at nagtago. Hindi ko alam ba't ako nagtatago sa isang malaking puno na ito tila ba parang may nag utos sa akin na pakinggan ko ang batang ito.

"Sige".

Nagulat nalang ako ng narinig ko ang isang batang babae. Siya ba si Shane?" Hmmmm... Parang may kilala akong Shane dati".  Napaisip naman ako. Pero parang wala naman na akong kilalang Shane sa mga kaibigan ko pero bakit parang may kilala akong Shane? "Hayst! Debale na ngalang". Napasampal nalamang ako sa hangin.

Sumilip ako sa kakahoyan ng makita ko ang dalawang batang nakaupo sa damohan. Naka jingkie ang buhok ng babae at naka red dress hanggang tuhod at off shoulder pa ito at naka flat sandals na kulay black , Sobrang gandang babae maputi at makinis ang balat parang alagang alaga ito ng magulang.  At ang lalaki naman ay naka formal light grey suit at medyo mataas ang buhok hanggang leeg. Gwapo din feel ko nasa 10 years old siya.

"Teka bakit ako nagmamasid sa dalawang batang to? "pagtataka kong tanong sa sarili ko. Nakakagulat lang kasi.

Lalamitan ko na ngalang baka pag nakita pa nila ako dito baka pagkamalan nila akong multo.

"Debale" sabe ko. Ng isang hakbang ko palang ay napahinto ako ng nagsalita ulit ang batang lalaki. 

"Shane, Alam mo bang may gusto ako sayo".

Aba'y potangina!! 

Hindi pwede! Sobrang bata pa nila! Nag confess pa talaga yung batang lalaki.

Napatawa nalang ako

Ng natauhan ako agad ay bigla akong napatakip sa bibig ko "Lagot baka narinig nila ako". mahinang sabe ko. Sumilip ako ulit sa dalawa ng makita ko silang same position parin ito.Oppss! baka isipin niyong ibang posisyon ha! Bad iyon!.

Ng napatantong ganun pa rin sila ay hindi yata nila ako narinig. Kaya napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagkinig ng dalawang bibwit.

"Sobrang bata pa natin para mag jowa".

"Alam ko naman yun Shane, pero kaya ko namang maghintay na kahit anong tagal. Gusto talaga kita noon paman". sagot ng isang batang lalaki.

"Alam mo gusto din naman kita pero kapag nalaman ito ng magulan-" naputol ang sinabe ng batang babae na si Shane? ng bigla itong natahimik. At laking gulat ko nalang ng hinila ito ng batang lalaki at hinalikan sa labi.

Aba'y!! Potangina na talaga!! Masama yan!!

Ng dahil sa gigil ko ay umalis ako sa kinatatayuan ko at nilapitan sila.

"Hoy! mga bibwit, napakabata niyo pa para sa mga ganyan, ako nga nung bata palang ako pinapalo ako ni Mama sa pwet dahil maraming nagkagusto sa akin. Tapos kayo nandito sa isang malaking puno at ganyan pala ang binabalak ninyo! ( napatingin pa ako sa paligid habang sinasabe ang mga katagang iyon) Alam niyo bang dapat kayo mag aral ng mabuti para magiging maayos ang kalagayan ninyong dalaw-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang lalaki.

"Mahal talaga kita Shane, handa akong maghintay para sayo".

Te-teka Hindi ba nila ako narinig? 

"Totoo bayan Damson Christoffe Meyer?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan na iyon. Da-damson M-meyer?


.....






I LOVE THE WAY YOU ARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon