CHAPTER 3

3 1 0
                                    


M B E R      A I N S L E Y 


"Ah! kaya pala". patango-tango si Alex habang nginunguya ang kanin niya.

"Ang pangit pala ng kalagayan mo ano". hindi maipinta ang mukha ni Jane dahil sa sinabe ko. "Ahm.. hindi naman sa ganun, nung nasa Nineth Grade na ako may nakilala naman na akong naging kaibigan ko". sabi ko at sumusob narin sa pagkain.

"Mabuti naman kasi kong ako yung nasa sitwasyon mo nako!-" sabe ni Jane at gigil itong napasuntok sa hangin habang may pagkain pa sa lalamunan nito tumataba ang pisngi nito dahil sa may pagkain pa sa loob ng bibig. Napangiti nalamanang ako habang nakatingin sa kanya. Yung animo'y para siyang baliw habang ginagawa niya iyon, natawa tuloy si Alex dahil sa ginagawa niya.

"Kalma kalang Jane". Natatawang pagsaway ni Alex sa kanya kaya huminto naman ito.

"Kumain nalang tayo ano? Para naman makaalis na tayo dito" tawa padin si Alex. Kahit kailan talaga unang kilala ko palang kay Jane ay madaldal na talaga ito. Minsan nakakawalang stress minsan din nakakadag-dag stress. Mapapaiwan ka nalang talaga sa kanya, sobrang dal-dal talaga ng babaeng to yung tipong hindi mauubusan ng topic sa isip niya.

Maya-maya pa ay tapos na kaming kumain, niligpit na namin ang pinagkainan namin, una akong tumayo sa kanila para kunin ko ang bag ko, nahihirapan kasi akong isuot ang bag kapag nakaupo ako e iwan ko ba kong bakit basta nasanay na ako. 

Sumunod naman silang tumayo at naka ready na rin. "Tara na!", sobrang laki ng ngiti ni Jane papalapit sa akin at hinawakan pa ako sa braso, sumunod naman dun si Alex sa likuran namin. Dahil sa ginawa niya ay nagmumukha siyang body guard namin ni Jane.

Kaya lang naman siya sumama sa amin kasi wala pa rin daw siyang naging close sa room namin maliban kay Jane dahil kapit-bahay  sila nito. 

"Ahmm..Amber saang Mindanao ka pala nakatira?". Pagsira sa katahimikan ni Jane habang naglalakad kami ng hallway.

"Sa Iligan Ci-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang napatili si Jane at humaharap sa akin kaya napahinto naman kami sa paglalakad. "May bahay din kami doon ng tita ko!". Tili niya na para bang nakakita ng artista sa harapan niya. "Ahh... ehh.. ganun ba?" tanging sabi ko nalang kasi napapansin ko nakatingin lahat ng dumadaan dito sa hallway nakatingin sa aming tatlo, medyo nahihiya ako. Ang kulit kasi ng babaeng to.

Hahaha

"Umayos ka nga jan Jane! Pinagtitinginan na tayo dito oh", inis na sabi ni Alex kay Jane napa smirk nalamang siya. Napapout nalang si Jane at lumapit ulit sakin at ganun din ang ginawa niyang paghawak sa braso ko. Napangiti nalang ako kasi ang cute ng bababeng to habang nakapuot e nanggigil ako.

"Pagpasensyahan mona yang si Jane, Amber ha talagang makulit talaga yan at maingay". 

"Nah, no problem ok lang naman kahit nakakahiya kanina"Tawa kong sagot at sumabay naman sa tawa si Alex sa akin habang ang isa ay nakapuot padin at inis na nakatingin sa aming dalwa ni Alex.

"Ang cute mo pag nakapuot ka, para kang batang paslit hindi nabigyan ng lollipop". Tatawa-tawang ani Alex. "Anong sabi mo!" Inis na sambit naman ni Jane dito at hinabol pa ito si Alex, habang ako tawa lang tawa.

Iniwan nila ako dito sa hallway habang naglalakad, habang ang dalawa ay naghahabolan parin. Ang cute nila tignan para silang magkapatid.

Pagkatapos ko silang panuoring dalawa ay balak ko nalang kunin ang selpon ko sa bulsa pero kahit anong kapa ko ay wala dito ang selpon ko. "Nasaan na kaya yon?"  kabado kong tanong sa sarili ko, kahit sa bag ko ay wala din. Napapaisip nalamang ako hanggang sa nag sink in sa isip ko. "Po-potangina?".

Naiwan ko pala yung selpon sa bahay

"HAHAHAHAHAHA". hagik-gik akong napatawa as in tawa lang ako ng tawa dahil yung tipong  kabado kana naghanap sa selpon mo tapos hindi mo pala nadala. Naiwan ko pala yun doon sa kama ko. Ngayon ko lang naalala. Yung mga marites kasi e!

Natigil lang ako sa pagtawa ng napapansin ko na para na pala akong baliw dito pinag titinginan na  ako ng mga tao. Natauhan ako bigla at nagpatuloy nalang sa paglakad.

Bwesit nakakahiya yun ah



I LOVE THE WAY YOU ARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon