CHAPTER 2

11 2 0
                                    

A M B E R    A I N S L E Y 


"Obviously, we can see that the longest length is C". sabi ng lecturer namin at nag drawing siya ng Right Triangle sa board na may A,B,C. Yung A is nasa ibabaw ng point yung B naman ay nasa right side at C nasa left side ng point which is may right angle sa loob katabi ng C.

"So, how do we get this?" Tanong ng lecturer namin. Ang problem naman is A(squared) + B(squared)= C(squared). "Equals 5 The conditions given are that the side lengths are A and B. What kind of triangle is this?" Tanong ng lecturer at humarap sa amin.

 Sobrang dali lang ng sagot dahil grade 7 palang ay ni le-lecture nato ng teacher ko sa Mathematics, Kaya hindi na ako nagtaas ng kamay dahil ang akala ko ay alam ito ng mga kaklase ko pero nagkamali ako, wala palang sumagot na kahit si Jane ay yumuko lang at nakapikit ito nagdasal na hindi tatawagin.

"Huy, ok kalang?" pabulong kong tanong sa kaniya, siniko-siko naman niya ako. "Huwag kang maingay baka marinig tayo ni sir baka tawagin tayo, hindi ko pa naman alam ang sagot". Hindi niya talaga alam eh sobrang dali lang niyan.

Ng makita ko si ang lecturer namin ay naglakad ito at tinitignan isa-isa kami umakyat naman siya habang dala dala ang chalk. "Wala bang sasagot?" Tila naiinis na si sir tumingin naman ako sa mga kaklase ko ni isa ay walang sumagot kaya nagtaas nalang ako ng kamay ako na ang sasagot.

"Yes?". Turo niya sa akin. "Tumayo ka iha". sabe niya pa, kaya tumayo ako. Sasagot na sana ako ng may narinig akong nag bubulungan kaya natigilan ako.

"Ngayon ko lang siya nakita dito".

"New student yata siya"

"Lagot na kapag mali naisagot niya kay sir".

"Tahimik!" Sigaw ni sir. Ang akala ko ay rinig ni sir yung huling bulungan pero hindi pala. "So, new student ka pala bakit hindi mo manlang sinabe sa akin?". Tanong nito.

"Nako, lagot". Rinig kong mahinang sambit ni Jane. "Dito ka sa harap iha, magpakilala ka".Bumaba naman si sir ng hagdan at nagtungo sa table tshaka umupo at tinignan ako.

Nakalimutan ko palang magpakilala sa kanila. Si Jane kasi kanina ang daldal eh kaya ayan tuloy mukhang ako pa ang mapapahiya hehe nakalimutan ko kasing magpakilala. "Goodluck girl" bulong na sabe ni Jane ng makaalis ako sa tabi niya at nagtungo sa baba sabay harap sa kanilang lahat.

"Sige iha magpakilala ka".-sir

"Hi everyone! I'm Amber  Ainsley 20 years old nice meeting you guys and sir". sabay tingin sa kanya. "What course you take". tanong nito.

"Ahmm.. BEED, Bachelor of Elementary Education po sir".sagot ko dito. Tumango-tango naman din siya.

 "So, dahil ikaw ang kauna-unang studyanteng nag volunteer ng sagot habang nag lelecture ako. Pwede mo bang ibahagi ang iyong sagot?". tanong nito sa akin. Kaya napabuntong hininga ako hindi narin sa kaba kundi narin sa hiya dahil sobrang daming tao at lahat sila nakatingin sa akin.

"Well". sabe ko na animoy guro kasi nilapitan ko ang board at tinuro ang drawing ni sir. "this topic is tinuturo ito since Highschool, I don't know if you remember this. The conditions given are that the side lengths are A and B." Inulit ko ang sinabe ni sir kanina para naman mas maindtindihan ng lahat. " ito ang tinatawag na Right Triangle."

Oh diba ang dali lang.

"It's Right! Palakpakan natin". Sabe ni sir at unang pumalakpak kasunod naman nun ang mga kaklase ko na nagsasabing. "Ang galing!". Nakita ko naman si Jane na nagulat habang nakatingin sa akin. Nagulat pa  siya e ang dali lang ng sagot.

TSK!

.....


Ng matapos na ang lecturer namin ay umalis na din siya. Kaya niligpit ko nalang ang mga gamit ko sa bag, at kinuha na din ang baon ko tshaka nilagay sa mesa para ayusin ang bag ko. "Amber, sabay nalang tayo kumain". singit ni Jane tapos na din pala siya mag ayos. "Wag tayo dito kumain kasi bawal, dun tayo sa canteen."dagdag niya pa.

"Sige". maikli kong sagot. Ng maka alis na kami sa upuan namin napahinto na naman kami dahil may  tumawag sa pangalan ko. "Amber!", sabe nung lalaki na hingal na hingal galing itaas siya, hindi sa langit ha!

Tinignan ko lang siya, matangkad, may itsura, matangos ang ilong  naka red hair bago yatang tupi ang buhok niya. But pwede pala magpakulay ng buhok ang mga styudante dito sa loob ng campus?

"Ahmm.. Hi Amber", bati sa akin nitong lalaki. "H-hi" nauutal kong sagot e kasi naman halos abot tenga yung ngiti niya.Problema nitong lalaking to? Hahaha parang ang saya niya na nakita ako.

"Hay naku Richard nagugutom na kami, tsaka may klase pa mamaya kaya pakainin mo mona kami ha. Bye!, Halika na Amber". singit ni agad ni Jane, hinawakan naman niya ang pulso ko sabay hila sa akin pababa at palabas ng room. "Teka! Sama ako!" habol naman ng lalaki sa amin.



.....


"By the way Amber, saan kaba nag aral nung  HighSchool kapalang?" Tanong ni Alex sa akin, siya yung lalaki kanina na tunmawag sa akin nagpapakilala na din kasi siya. Alex George Cruz ang full name niya, 21 years old tshaka si Jane naman ay 20 years old kagaya ko.

"Sa Mindanao". sagot ko naman tsaka tumikhim sa pagkain ko. "Ito talagang si Amber sobrang hinhin kapag tatanongin ang ikli lang ng sagot". Inis na sabe ni Jane sabay sigop sa drinks niya.

"Pasensya na hindi lang kasi ako sanay na may kasama sa school lage e." 

"Ganun ba? Bakit naman? e, ang bait-bait mo kaya tapos wala kang kasama since 7? or elementary manlang?". nagtakang tanong sa akin ni Jane. Bakit hindi mauubusan ng tanong itong babaeng to kanina pato. "E kasi binubully kasi nila ako dahil daw nerd ako". Hindi ko alam kong bakit ko nasabi iyon, naala-la ko tuloy yung mga pangyayari sa akin since 7 grade ko palang.

F L A S H     B A C K  


Unang araw ko palang sa school  nasa hallway ako ng pinagtitinginan, pinagbubulungan at pinagtatawanan na ako ng  lahat ng mga studyante dun sa school  na pinag-aralan ko. May narinig pa akong ang pangit ko raw, nerd, sana hindi nalang ako nag aral dun. Sobrang dami nilang sinabe about sa akin.

Hanggang sa nakita ko na ang maging room ko agad akong nagtungo sa pintuan ng pagpasok ko palang napahinto ako ng natapunan ako ng tubig galing sa itaas ng pintuan, inaabangan na pala nila ako.

Sobrang iyak ko nung pangyayaring iyon, wala pa akong dalang extrang damit e basang basa naman ang suot at bag ko pati narin sa loob ng bag ko. Hindi ko alam kong anong gagawin ko nun dahil ayaw kong malaman iyon ng aking mga magulang.

Tumakbo ako sa CR at dun kona binuhos ang iyak ko.

"Ang sama nila". pabulong kong sambit, iyak lang ako ng iyak ng may narinig ako galing sa loob ng rest room, rinig ko ang mga sinasabi nila at ang nakaka lungkot pa nun ay ako ang naging topic nila sa usapan. "Grabe yun no, nakakatawa siyang tignan kanina para siyang isang multo na nabuhusan ng tubig". patawang sabi ng isang babae. Tumawa naman ang mga kasamahan nito. Sa palagay ko nasa tatlo sila.

"Kaya nga e, sana nga ay umalis na siya dito sa school nato dahil hindi siya nababagay dito. Mga mayayaman lang kasi ang pwedeng makapag-aral dito , katulad natin right?" Tanong pa ng isang babae. Tahimik akong umiiyak habang nakikinig sa kanila hanggang sa umalis na sila dun.

E N D     O F      F L A S H B A C K 






I LOVE THE WAY YOU ARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon