Chapter One
"WHERE TO?"
Napangiti na lang si Xenon sa bungad ng kanya ni Paige, his personal pilot. Ni hindi pa nga siya nakakapag-hello ay alam na agad nito kung anong sasabihin niya.
"Baguio," sagot niya dito.
"Okay. Give me half hour to check your flight plans and I'll be at your condo building's helipad with Spartackus," iyon lang at binabaan na siya nito ng telepono.
He slumped on his sofa and let out a contented smile. Knowing Paige work wala pang kalahating oras ay pupusta siyang lalapag sa helipad ng condo building niya ang helicopter niyang si Spartackus. Maasahan niya ito sa tuwing inaabot siya ng pagkabagot at naisipang magpahatid saan man niya naisin. Gaya na lang ngayon. It was past midnight pero talagang nababagot siya kaya tinawagan niya agad ito para magpahatid sa Baguio to cool himself. Hindi naman siya nag-aalala na hindi siya sundin ni Paige dahil sa loob ng apat na taong nagtatrabaho ito sa kanya ay alam na nito ang hang-ups niya sa buhay.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang marinig ang ugong ng papalapit na helicopter. He stood up in his seat at tumayo malapit sa floor to ceiling niyang glass window. Kahit madilim ay nakikita niya ang signal light nanggagaling mula sa helicopter.
"You beat your record today Paige. Wala pang trenta minutos ay andito ka na. Mabigyan ka nga ng bonus," he mumbled. Hinabol niya ito ng tingin hanggang sa nawala ito sa paningin niya nang tuluyang lumapag ito sa helipad ng building.
Kinuha niya ang coat na nakalapag sa sofa niya at naghahanda ng umalis. Ibibilin na lang niya sa sekretarya na ikansela muna ang meeting niya bukas at iresched na lang sa susunod na araw dahil talagang tinatamad siyang magtrabaho.
Konting liwaliw lang ang kelangan ko. Maybe a hot date will do. Napangisi na lang siya sa naisip.
Akmang hahakbang siya sa pinto when his cousin barged in.
"Mr. Gabriel Anjelo Zapanta! What were you thinking ringing Paige in the middle of the night just to fly you off to God knows where!"
Hindi na siya magtataka kung bakit ito nandito. His cousin lives in the same condo building. Ibang floor nga lang. Malamang ay narinig din nito ang ugong ng helicopter kaya napsugod ito sa lungga niya.
"I'm bored. What do you expect, Raine? Gusto mong mamatay sa boredom ang pinakagwapo mong pinsan," aniya at marahang tinapik ito sa balikat.
Lumapit siya kay Paige na kasunod lang dumating ng pinsan niya.
"I've settled your flight plans. We're clear to leave for Baguio anytime," anito sa kanya.
Tumango tango siya. "Good. We're leaving in ten minutes. I'll deal with my cousin first."
"Nobody's leaving," matigas na sabi ng kanyang pinsan. Pumagitna ito sa kanila ni Paige. "For heaven's sake Gabriel Anjelo! Ala una ng madaling araw tatawagan mo si Paige para lang magpahatid sa Baguio? Are you drunk?!"
Binalingan niya si Paige na maang na nakatayo sa likod ng pinsan niya. "Mauna ka na sa helipad. Susunod ako."
Tumango naman ito at lumabas na ng unit niya.
He turned his attention to his cousin. He put his hands on Raine's shoulders to calm her down. "Raine. Nabagot ako. And I want to go to Baguio ASAP. Fastest way to get there is through Spartackus."
"Oo alam ko. Pero Gab naman. Hindi mo man lang ipinagpabukas."
He shrugged his shoulders at umupo sa love seat para magsapatos. "Wala namang kaso ah. Paige is cool with it. Tingnan mo nga at andito na siya. At saka don't lecture me as if hindi mo ginagawa ito. Mas malala ka nga. Para sa kaalaman mo, alam kong inaalipin mo si Gray. You rang him last night para magpahatid sa Hongkong and your agenda? Ang magshopping."