Chapter Three
KAHIT na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsuot siya ng dress ay nako-conscious pa rin siya. Lalo na at kung ang ibinibigay na tingin ng mga tao sa loob ng bar na iyon ay hindi kaaya aya. Especially the boys.
Naku kung wala lang akong hinahanap ngayon na tao sa bar na to baka kanina ko pa pinauupakan ang mga ito, himutok niya sa isip. She was wearing a fitted black dress na pinaresan niya ng pumps. Nakamessy bun din ang buhok niya. May dress code kasi ang bar na iyon kung kayat bihis na bihis siya.
She was given a task to find Veronica Sandejas. Kaibigan niya ito kaya hindi siya nagdalawang isip na oo-han ang pabor ng manager nito. She's a model at ayon sa manager niya ay kakahiwalay lang nito at ng boyfriend kung kaya't nagsasaya daw ito dahil sa wakas ay malaya na ito sa walang kwentang boyfriend nito
Napailing siya. Kung hindi niya kilala si Nica ay baka naniwala siya sa alibi na yun. Her friend's still a girl kaya malamang sa malamang nagpapakalango ito ngayon sa alak dahil sa sakit na nararamdaman.
She made her way up the stairs dahil ayon sa manager nito ay umupa si Nica ng VIP room sa bar na yun. Ngayon ang problema na ang niya ay aling kwarto dito ang inupahan ng kaibigan niya.
There were five doors. Two on both sides and one on the middle at ibig sabihin isa doon ay ang kay Nica.
"Hay naku. Sa lahat pa naman ng impormasyong makakalimutan yung room number pa ng kwarto," pagkakausap niya sa sarili. "Ngayon isang choice lang ang kailangan kong gawin. Ang isa-isahin ang ang mga kwarto. So which one first?"
Nagmini mine mo siya sa limang kwarto. Her finger stopped on the center door. Malakas ang loob na naglakad siya patungo sa nakasarang pinto. Huminga muna siya ng malalim at pikit matang binuksan niya iyon.
She was greeted by five men and a bunch of ladies. Lahat ay nakatuon ang pansin sa kanya. Pero wala siyang pakialam. Isa lang ang ipinunta niya doon. Her eyes roamed the place and searched if Nica was there. Is it me or isa isa silang nagsingisihan? On the back of her head she was cursing the guys na halatang pinapalipasan lang ng oras ang mga babaeng nandoon until her eyes settled on one particular person.
Boss. Mukhang katulad niya ay nagulat din ito sa pagkakakita sa kanya. Lalo na sa itsura niya ngayong gabi. Nakita niyang nagtaas baba ang tingin nito sa kanya kaya bago pa man makita ang boses nito ay nagsalita na siya.
"Oops. Wrong room." Painosenteng sabi niya at malakas na isinara ang pinto.
She let out a breath na kanina niya pa pala pinipigilan. Pagkatapos ay hinarap ang natitirang apat na pinto. Sa pagkakataong iyon hindi na siya nagini mini mine mo. Ang unang pintong natunghayan niya ang walang pasabang binuksan niya na.
Natulos siya sa kinatatayuan niya nang makita ang nasa loob ng VIP room na iyon. My god! Ni hindi man lang inilock ang pinto much more ay sa hotel itinuloy ang aerobics nila.
She just witnessed two people having sex in an erotic position! Mukhang busy-ng busy ito sa pinagkakaabalahan dahil ni hindi nga siya nakita ng mga ito.
Shit! Isarado mo na Paige! Pero kahit gustong gusto na ni Paige na isara ang pinto, she just can't find her strength to close it. Masyado siyang shock sa nakikita niya. Until a hand covered her eyes. Pinihit siya nito patalikod at itinago ang mukha niya sa malapad nitong dibdib. Marahan nitong inilagay ang kaliwang kamay sa bewang niya na para bang inialalayan siya. She felt him leaned and reached for something hanggang sa narinig niya ang mahinang inhit ng isinarang pinto dahilan para mas mapasubsub siya sa dibdib nito.
Hindi tuloy nakatakas sa pang-amoy niya ang matapang pero maskuladong pabango nito. Teka parang pamilyar ang pabango na to ah. Parang pabango ni...