Dear Ms. M

385 6 1
                                    

Dear Ms. M,

It was a peaceful and fine day morning when I woke up this morning. And this time, I'm already a senior. My classmates were still the same, until you came and transferred. Namangha ako pagpasok mo sa room namin.

Alam mo ba, ang ganda ganda mo. Hindi ko makalimutan ang maamo mong mukha nung una kitang makita. Madali ka ring naka adapt sa mga classmates ko, pero heto ako't pinagmamasdan lang kita sa malayo.

Nung nag-break na, nakita kitang mag-isang kumakain sa ilalim ng puno sa school grounds. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ka.

"Hi." 

Nagulat ka nung nakita mo ako and you're so cute when I saw you blushing. "H-hello, kain tayo?"

"S-salamat, May." Isa to sa favorite spot ko kapag pagod ako sa practice namin sa tennis dahil dito ako nagpapahinga.

"Pwedeng tumabi?" Hiyang-hiya kong tanong sa'yo.

"Sure. Ano ka ba Trev, mukhang di tayo kaklase ah." You're so cheerful na parang wala kang pinoproblema. Lagi kang nakasmile which is the reason why the first time I saw you,  made me feel different.

We talked, laughed and stayed there for hours na para tayong mag- bestfriend. Tapos, sabay rin tayong umuwi. Buti nalang at pumayag ka. Ang saya-saya nang araw ko nun kasi, parang ang close-close na natin sa isa't-isa.

Ang tabil at ang ingay mo. Ang dami-dami mong topic na parang hindi ka nauubusan. Hanggang sa bigla ka nalang nagtanong.

"May crush ka na ba?" Oo. Ikaw.

Nagulat nalang ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa'yo o hindi. Nahihiya kasi ako. "Wala."

Tapos bigla ka nalang tumawa. "Hahaha, impossible naman noh. Ikaw? Eh ang daming mga babaeng nagsisipaglapitan sa'yo eh!"

"Actually, hindi ko sila type."

Lumingon ako sa'yo at nag-change topic. Nagtatawanan tayo, kumain sa labas, nag videoke at marami pang iba. Isa yun sa aking pinakamasaya at hindi malilimutang araw. Kasi nakasama kita. Kasi naging kaibigan tayo.

Your's Truly,

Trevor

When She Left MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon