Dear May,
Alam mo bang nasasaktan ako kapag lumalayo ka sa'kin? May nagawa ba akong masama? Hindi ka na nagrereply sa'kin. Kapag tatanungin kita, hindi ka sumasagot. Bakit nilalayo mo sarili mo sa'kin?
Ayaw kong mawala ang pakikipagkaibigan natin. Kaya naisipan kong lapitan ka at kausapin. Humanap ako ng tiempo kung kailan kita makakausap. At sakto naman dahil nakita kitang mag-isa na naglalakad at pauwi. Diba dapat sabay tayong umuuwi?
Hindi mo namalayan na nasa likod mo lang pala ako. Kaya niyakap kaagad kita."A-ano ginagawa mo Trev? B-bitawan mo nga ako." Nasaktan ako sa sinabi mo. Bakit tinataboy mo ako?
"No."
"Trev--"
"Mag-usap muna tayo." Hinila kita at pumunta tayo sa secret place na'tin.
"Trev--" Nagsalita ka ulit, pero pinigilan kita. "Anong problema May? Bakit ka lumalayo sa'kin? May nagawa ba ako? Huwag naman ganyan May. Nasasaktan na ako eh."
"Trev,."
"May, I don't want to end our friendship. Please, bumalik ka na May. I want you. I want you back." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa'yo.
"Hindi mo kasi naintindihan Trev."
"Anong hindi ko naintindihan May!? Huwag mo naman akong gawing tanga!" Hindi ko namalayan na napasigaw na pala ako sa'yo. Eh kasi, naguguluhan na ako. Ano bang hindi ko naintindihan? Tapos bigla ka nalang umiyak sa harap ko. Nag-alala na ako.
"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa'kin! Bakit, ang sweet-sweet mo, caring, mapagmahal sa'kin!? Dahil ba kaibigan lang tayo?! Oo na, ayaw kong ma friendzoned! Ayaw kong masaktan! Mahal na kita Trev! Sana naman maintindihan mo!"
Nagulat at nabigla ako sa sinabi mo. Umiiyak ka pa sa harapan ko. Ngumiti ako nang malapad. Alam mo bang hinihintay ko ring marinig yan galing sa'yo?
Tapos bakit mo inakala na hindi kita mahal? Eh, noon pang una kitang nakita eh. Nainlove na agad ako sa'yo.
"Hindi ka man lang nagsalita. I think this is goodbye Trev." Sabi mo tapos tumakbo palayo sa'kin. Magsasalita na nga sana ako sa'yo. Ganyan ka ba talaga? Mahilig kang tumakbo palayo sa'kin?
Nagulat nga ako dun eh. Nakalimutan kong isa ka palang runner. Kaya ang bilis mong tumakbo. Tinawag kita at mabilis na tumakbo papunta sa'yo. Pero sa isang iglap ay nadatnan kita na walang malay at duguan.
Para akong nahulugan ng bato sa nakita ko. Agad kitang niyakap at dinala sa isang bridal na style at tinakbo sa ospital. Umiiyak na ako nun, habang dinadala ka.
"P-Please May. Huwag mo akong iwan.....I love you."
Nagmamahal,
Trevor
