Her side

237 4 1
                                    

Hi Mr. T! 

Hindi ko inaasahan na maging close friends tayo. I mean, you're so shy and cute. But, nung unti-unti kitang nakilala, iba ka pala eh. Natatawa ako sa'yo kasi mas matabil at maingay ka pa pala sa'kin.

Aaminin kong humanga rin ako sa'yo dahil isa kang magaling na athlete. Tapos ang gwapo gwapo mo pa. Hindi ko nga inasahan nung una nating pagkikita sa punong yun. Pasalamat talaga ako sa puno, nagkakilala tayo. Sabi mo kasi, favorite spot mo yun.

Papunta na sana ako sa secret place natin dahil nag-text ka na magkita tayo. Bigla mo nalang ako ginulat at tinakpan ang aking mga mata gamit ang iyong kamay.

Nag-share tayo ng ating kanya-kanyang lunch. Nag-usap tayo tungkol sa ating nakaraan. Pero, ewan ko ba kung bakit sa isang iglap, bigla ka nalang lumapit sa'kin at agad tayo naging close friends.

Ilang araw na rin ang lumipas naging mas close tayo sa isa't-isa. Pinagchichismisan na tayo ng mga estudyante. Binubully ako ng mga stalkers mo, pero nandyan ka't pinoprotekatahan ako.

Hindi ko alam kung bakit parang ang caring, sweet at mapagmahal mo sa'kin na parang feeling ko tuloy special ako sa'yo. Nagdududa na ako, pero nahihiya akong tanungin ka. Ayaw ko na kasing maulit pa yung nakaraan ko kung saan umasa lang ako sa wala. Ang sakit, dahil nagmahal ka ng isang taong akala mong mahal ka.

Ayaw kong mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa'yo, kaya ako nalang ang kusang lumayo. Ayaw kong umasa kasi ayaw ko ng masaktan. Alam kong ginagawa mo lang siguro to sa'kin dahil kaibigan lang tayo pero ayaw kong ma friendzoned. Duwag na kung duwag.

Sana maintindihan mo.

Ang nagmamahal mong kaibigan,

May

When She Left MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon