My dearest May,
Ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa'yo. Ang tanga tanga ko talaga. Kung sinabi ko kaagad sa'yo, hindi sana yun nangyari. I don't know why, pero galit na galit ako sa aking sarili.
Ang sakit-sakit tanggapin na wala ka na. Na iniwan mo na pala ako. Dahil sa'kin May, kung bakit ka namatay. Hindi nalang sana kita kinausap.
Kung alam mo lang sana kung gaano kita kamahal. Pero, ang gago ko lang! Naiinis ako! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap. Ang hirap May, ang hirap-hirap.
Kung hindi ka lang sana lumayo, kung hindi mo lang sana ako tinaboy, kung hindi ka lang sana tumakbo, nasabi ko na sanang 'Mahal rin kita. Sobra.'
Nung nalaman kong pagdating natin sa ospital, na patay ka na, hindi ko matanggap iyon. Ang dami raw nawalang dugo sa'yo at grabeh raw ang impact. Hindi ako nakatulog sa nangyari sa'yo, gabi-gabi ako umiiyak.
Nasabi ko nalang sa sarili ko. "Okay lang, kahit kaluluwa mo ang makita ko, magparamdam ka lang sa'kin May."
Pero ni-isang anino ng kaluluwa mo ay hindi ko makita. Pero nung pumunta ako sa puntod mo para bisitahin ka, nagulat nalang ako nang bigla kang nagpakita sa'kin at ngumiti.
Para akong baliw at nginitian rin kita tapos parang sabi mo sa'kin kahit hindi ko man narinig at least nakita kong na ipronounce ng bibig mo ang 'I love you.' Tumingin ako sa puntod mo at bumaling naman sa'yo pero bigla ka nalang nawala.
Sapat na yun sa'kin May nung nagpakita ka sa'kin. Sana naman nalaman mong mahal rin kita. Sana narinig mo ang sinabi ko sa'yo noong dinala kita sa ospital. Sana, sana masaya ka na.
May, mahal na mahal pa rin kita. Kahit alam kong wala ka na.
Nagmamahal,
Trevor
-End-
Hello! Nagpapasalamat ako dahil tinapos mong basahin ang kwentong to. Sana na touch ka at may natutunan sa story. Feel free to leave some comments and also don't forget to vote. Sana basahin niyo rin ang isang kwento ko na 'He Stole My First Kiss'. Maraming Salamat. :)