Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar ano bang nangyari kagabi. Ang tigas naman ng unan ko na ito.kinapa kapa ko pa ito pero parang may buhok kaya bigla akong tumayo at nagulat ako dahil sa isang gwapong lalaki nakahiga sa aking tabi.
Uno....
Siya, siya ang lalaking nakasama ko buong magdamag, paano nangyari yon nasa bar lang kami ni William kagabi.
Naramdaman ko ang sakit ng aking gitna, ha ano may nangyari saamin?!?
lagot ako kay mama neto!!
Dinampot ko ang mga gamit ko at nagbihis ako sa loob ng cr. Umalis ako ng tahimik yung hindi niya malalaman na umalis ako.
Sana makalimutan niya ang itsura ko kung ano- ano na lang talaga ang ginagawa ko."oh Sierra bakit ngayon ka lang umuwi? " rinig ko sigaw ni mama mula sa kusina.
"saglit lang ma,maliligo lang ho ako"paalam ko rito. Mamaya na ako magpapaliwanag kung saan ako pumunta.
Natapos akong maligo ay naamoy ko ang paborito kong tuyo at kamatis, nakahain na pala si mama.
"oh ngayon ka na magpaliwanag" inaayos niya ang mga pinggan sa lamesa.
"ma kase si Willie diba? yung kaibigan ko sa school inaya niya po kase akong uminom" i explained, yun ang sinabi ko dahil yun naman talaga ang nangyari pero sasabihin ko ba yung sumunod o hindi na, hindi na sa susunod na lang.
"kaso po nagpaalam lang po ako sakanya para mag cr tapos po umalis na po ako tapos nakalimutan ko pong puntahan ule siya" i explained.
"saan ka naman nagpalipas ng gabi ha"
"sa isang hotel po, ka—ako lang po mag isa ma" i lied, gusto ko sanang sabihin pero baka husagahan nanaman ako ng mga kamag anak namin kapag nalaman nila ito.
"oh kumain ka na, diba paborito mo yan" nilagyan niya ang pinggan ko ng paborito kong tuyo at sinangag na kanin.
"Sierra!!! bakit bigla kang nawala kagabi?!" nagulat ako sa inakto ni William ngayon para bang galit na galit ito saakin.
hinila niya ako papuntang likod ng building ng department ko hindi maintindihan kung anong inaasal nito.
"bakit ka umalis ha?!" napalakas ang boses niya saakin kaya natakot ako.
"ha lasing na rin ako kagabi kaya umuwi na ko" i explained, pero bakit ba ako nag e-explain dito sa lalaking to.
"ang sabi nung mga kaibigan ko may kasama ka raw lumabas sino yon?!" he said loudly, ano naman sakanya kung may kasama ako.
"ha ewan ko hindi matandaan"
"sana nasa ak—" he stopped his self parang mali ang lumabas sa bunganga nito.
"sa susunod wag ka ng iinom ng hindi ako kasama" feelers ka? parang boyfriend kita kung umakto.
"ha bakit naman?"i asked.
"kasi kaibigan mo ko dapat alam mo yon" he said, sobrang babaw niya naman hindi ko na talaga maintindihan kung anong inaasal niya.
"ha? oo kaibigan kita pero bakit parang boyfriend kita kung umasta ka?" i asked, para makapagliwanagan na kami.
Nagulat ako ng bigla nito akong halikan kaya nasampal ko siya ng biglaan, iba ang inaasal niya ngayon para hindi na siya si Willie na kilala ko.
"tangina naman Sierra oh, alam ng lahat shota na kita" nagulat ako sa sinabi niya ano raw?
"alam ng lahat tapos ako hindi? wag kang feeling kaibigan kita at hanggang don lang yon William" i seriously said.
pinunasan ko ang aking labi dahil sa paghalik nito saakin ay nandiri ako.
Umalis na ako rito sa likod ng building namin at nagtungo na ako sa cafeteria dahil nagugutom ule ako.
"Sierra! dito ka may sasabihin ako sayo!" narinig ko ang boses ni Anne, kaibigan ko rin siya kaso iba ang kurso niya kaya minsan lang kami magkita.
"oh ano yon?" i said, medyo chismosa rin kasi itong si Annette.
"bumili ka muna ng pagkain mo sa likod tayo mag usap seryoso itong sasabihin ko" she said kaya bumili na nga ako ng gusto ko at sumunod sakanya hindi ko alam kung anong sasabihin niya saakin pero sure akong tungkol ito saakin.
"oh ano na yung sasabihin mo?" i said while eating the sandwich that i bought.
"dapat kahapon ko pa to sasabihin sayo e" naguguluhan ako sa gustong ipahiwatig niya.
"ha?"
"si William, nalaman kong may binabalak siya sayo kahapon gusto ka niyang ga -—gasahain" nahulog ko ang sandwich na kaninang kinakain ko hindi ko alam ang gagawin ko.
"na—nakita ko siya kahapon kausap si topet yung nagbebenta ng mga pinagbabawal na gamot, na—narinig ko yung pinag uusapan nila Sierra, ang sabi ni William bibili raw siya ng sex drugs sakanya kaya nagulat ako non" hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
paano? paano niya nagawa yon saakin simula highschool ay magkaibigan na kami pero bakit niya gustong gawin yon?
"tapos Sierra, nakita nila ako binugbog nila akong dalawa—" pinakita niya ang mga pasa niya sa katawan kaya pala naka jacket siya kanina.
"ang sabi ni William saakin tatanggalin niya raw yung scholarship na pinaghirapan ko Sierra, kaya natakot ako non pero gusto ko talagang sabihin sayo nung ga—gabing yon pero hindi ko nagawa kasi sinugod si tatay sa hospital, Sierra" humahagulgol sa iyak ang kababata kong si Anne, kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.
"Ang importante Anne hindi natuloy pasalamat ako sa lalaking tumulong saakin nung gabing yon" i said, i want to cry pero wala ni isang butil ng luha ang lumalabas sa aking mata.
"Si—Sierra, sorry talaga muntik ka na ma -rape dahil saakin kung sinabi ko sayo nung gabi ding yon hindi ka na sumama kay William" she said, umiiyak siya pero ako hindi ko magawa naka tayo lamang ako sa harapan niya hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko kung anong nangyayari.
"tara punta tayong park"aya ko rito
Ngayon alam ko na, na kahit matagal mo na iyang kakilala ay hindi dapat pagkatiwalaan ng basta.
"Sierra okay ka lang ba?" Anne asked worriedly.
binigay niya saakin yung ice cream na binili niya kanina roon sa sa ice cream vendor.
"ah ako? okay lang ako, ang isipin mo yung si tatay rolan kung okay lang ba siya"i said.
Naghanap kami ng uupuan at nakita kami ng bench na walang naka upo kaya doon na lang kami.
"alam mo? sumasakit yung ulo kakaisip kung saan ako kukuha ng pangbayad sa hospital, kaunti lang ang naipon ko e" naawa ako kay Anne dahil si tatay rolan lang ang nagtataguyod sakanila pero na hospital pa ito.
"may pera akong nakatago gusto mong hiramin? bayaran mo na lang pag may trabaho ka na o kaya kung may sobra ka ng pera" i offered my ipon kahit pitong libong piso lamang iyon ay makakadagdag rin yon sa pangbayad sa hospital.
Nakayuko lamang siya parang hindi niya alam ang sasabihin hula ko nahihiya ito dahil napaka mahiyaing tao talaga siya.
"bukas kita tayo sa ever ha doon sa may Jollibee" i said, wala naman akong masyadong klase ngayong araw kaya umuwi na ako hinatid ko muna sa sakayan papuntang hospital si Anne tapos umuwi na ako.
"Bakit ka nandito?" i said to this fucking dumb ass who tried to rape me, ang sakit malaman na yung dati kong pinaka paboritong kaibigan ay may balak palang gahasain ako.
"Sierra saglit lang mag usap muna tayo oh"
he said pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, ayokong makita ang nakakadiri niyang mukha."umalis ka na!!!" sigaw ko rito at sinarado na ang gate namin, umangat na ako sa taas ng aming bahay, sinarado ko na rin ang pinto dahil baka mag over the bakod ang baliw na yon.
:>
