Pagka dating ko ng condo ko inayos ko muna lahat ng gamit ko sa salas dahil medyo magulo.
After ko mag ayos ng gamit ay pumunta na ako ng kwarto ko para maligo at ituloy yung project ko na hindi ko natapos kanina.
Binaba ko lang sa kama ang bag ko at kumuha na ng gamit sa closet ko, simple lang naman ang pinili ko na damit. Pajamas at simpleng white t-shirt lang.
Natapos na akong maligo after an hour na nakababad lang sa bathtub, lumabas na ako ng banyo at pumunta sa table ko para tapusin yung ginagawa ko.
"apaka tagal mo naman dude, patapos na ako sa ginagawa ka ko. Medyo late na din kaya after neto uuwi na ako." reklamo ni kael, sorry na pre sarap maligo eh hehe.
Natapos na namin ni kael yung project na hindi namin natapos kahapon, umabot na din nami ng madaling araw dahil apaka hirap non. hinatid ko na din si kael sa labas ng condo para alam ko na maka uwi sya ng safe dahil papatayin ako ni tita if uuwi ng may gasgas yon AHAHAHA
bumalik na ako sa loob ng condo para mag ligpit at makapag pahinga na. Habang nag liligpit ako ay may naririnig akong maingay sa labas, hinayaan ko nalang yon dahil baka sa kapitbahay nanggagaling yung ingay.
Narinig ko na may tumatawag saakin galing sa labas at mukhang boses ni Quin yon. Binuksan ko ang pinto at boom nakita ko si Quin at Khalix, and khalix is....drunk? wtf?
"Tangi...na nila HAHAHAHAHA" Pag sigaw netong si khalix, lasing na lasing si gago. Natawa lang ako ng kaonti sa inasta nya.
Tinulungan ko nalang si quin na patigilin to'ng si khalix dahil apaka ingay tapos ang bigat pa.
"Dude, ako na dito umuwi ka na. Late na din" Pag paalam ko naman kay quin na mukhang pagod na din kaka alaga kay khalix.
Tumango lang si quin saka umalis na , ako naman dito ay bigat na bigat kay khalix dahil tinutulungan ko'ng makapasok sya sa kwarto nya. Punyeta sinukahan nya sarili nya! mabuti nalang ay hindi ako yung sinukahan, kung hindi ay itutulak ko sya palabas ng condo.
"Oh, mag palit ka na ng damit mo. Baho mo tanga." reklamo ko dito.
Nginitian lang nya ako at umalis na ako ng kwarto nya dahil kailangan din nyang mag pahinga.
I'm still wondering bakit na naman uminom yon after three years na hindi sya umiinom tas biglaang ganon, iba na talaga to'
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa higaan ko hindi na ako maka tulog dahil naisip ko na naman yung babaeng nakita ko kahapon, napa ngiti nalang ako dahil na imagine ko ang itsura nila na mikhang natakot saakin dahil sumakto ang tingin ko sakanya.
Habang iniisip ko ang babae ay hindi ko na namalayan nakatulog na pa ako. Hindi ko expect na isang babae lang ang makakapag patulog saakin ng mabilis, usually kasi ay mag iisip muna ako ng kung ano-ano.

YOU ARE READING
Getting Over You
RomanceA man who tried getting over his special someone after what happend to them. He tried his best to distract himself from the pain but suddenly had a relapse and after that relapse made him realized he really loves her so he followed her.