WIMY - CHAPTER 3

7 2 0
                                    


Jacie


"The useless ones"

Para na akong sira dito, kanina ko pa iniisip yung sinabi sa akin nung hinayupak na CEO na yun!

Urghhh!!!!

Nagulat din ako na siya pala yung CEO!

 Yung babaeng mayabang na yun sa elevator! Bakit ngayon ko lang nalaman toh!!! 

Why didn't I do my research!

Nakakabaliw! Paktay talaga ako nito!

Sinambutan ko na tuloy sarili ko.

"Oi! Babae! Mauubos yang buhok mo kakasabunot sa sarili mo!" Sabi ng office mate kong si Chelle.

"Ahh, chinecheck ko lang kung naka wig ko eh. Haha."

Nagtaka siya sa sinabi ko.

"Jacie, 2 months ka pa Lang dito pero mukhang nilamon ka na agad ng sistema! Jusko! Mahirap yan!"

"Di ko rin alam."

 Basta ang alam ko di ako naka wig.

"Wag mo masyadong dibdibin ang trabaho, kung kailangan mo ng tulong nandito naman kami."

Ngumiti siya sa akin.

Okay lang Kaya na sabihin ko yung encounter ko dun sa CEO.

Kaso nakakahiya!

At baka layuan din niya ako.

"Na meet mo na yung CEO, Chelle?" Tanong ko.

"Hmm. CEO. Nakikita ko lang siya Pero never ko siyang nakausap. Katakot eh! Masyadong elite! Eh ikaw, Jacie nakita mo na ba si CEO?"

"Actually, Oo, first time ko siya ma encounter, sa 2 months ko dito."

"At bakit mo naman na tanong?" tanong niya.

"Ahh Wala lang."

"Pero ang bali-balita ay cold hearted CEO siya, madami nag sasabi na pangit yung ugali niya at walang naglalakas loob na lumaban sa kanya." Bulong ni Chelle.

Meron na! At ako yun!

"Well, agree ako sa pangit na ugali."

"Omg! Don't tell me ang gumugulo sa isip mo ay ang CEO!"

Mukhang nabasa na niya ang nasa isip ko, kaya parehas na kaming humarap dito sa desk namin, at pinagdikit ko na mga ulo namin dahil Ito ay isang bulungan chismax!

Ikinuwento ko na ang buong storya.

Kita sa mukha niya ang pagkabigla dahil sa mga kwento ko.

"Jacie! Buti hindi ka pa niya sinisibak!"

"Subukan niya! Ang Sabi ko hindi ako basta basta susuko sa hamon."

Napapalakpak ng mabagal si Chelle. Ngiting tagumpay siya eh.

"Ikaw na ata Nag sagot sa aming kinakatakutan!"

"Ang Akin lang May karapatan naman tayo lalo na kung tama naman ang ginagawa natin diba!"

"Oo, pero Jacie Wala tayong Laban dun sa CEO."

"Meron! Paduduguin ko lang ilong nun eh! Matatakot din yun!"

"Jacie! Kalma!" Natatawa niyang sinabi.

"That Skyler Cirillo! Bwiset siya."

"Jacie!" Tinatapik at kinukurot ako bigla sa gilid ni Chelle Pero hindi ko pinapansin.

"That Bitchremacy! Aapakan ko yung mukhang yun Eh. Diba! Chelle!" Tingin ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na tahimik na si Chelle, tinignan ko siya at nakatayo na pala siya, Opposite my direction.

Eh? Parang gulat at takot siya at the same tim,e kaya tinignan ko yung direksyon ng tinitignan niya.

Lumingon ako.

Ah! Shit!

YUNG CEO.

"Wag kang mag alala Ms. Abelardo, Hindi ko hahayaan na maapakan ako ng filthy non-designer shoes mo." Sabi ng CEO.

BWISET! ANG YABANG! PERO JACIE CALM DOWN NA!

"Hehe kanina pa po kayo nandyan?" Napakamot at napalunok tuloy ako sa takot.

Hindi ko inaasahan na lalapit siya sa Akin.

Sa sobrang lapit kulang na lang magdikit yung mukha namin.

Waaaaah!

Ang... ang bango niya. Pero dapat lang kase humaharap siya sa tao! Mahiya naman siya diba!

Tapos... Tapos yung labi niya.

Eh? JACIE CONCENTRATE!

"Yeah, I heard everything. Ito lang masasabi ko, Hindi ako takot sa isang palakang-bukid tulad mo." Sabi nito.

"Anong palakang-bukid??? AKO???" Napasigaw tuloy ako.

Napaatras si CEO.

Natatawa pa talaga siya!

"Jacie! Huy!" Hinila ako ni Chelle dahil susugurin ko na talaga yung CEO eh.

Pasalamat ka Ms. CEO pinigilan lang ako ng kaibigan ko! Kung hindi isa kang kutong kawawa!

"Ms. Skyler Cirillo! What brings you here?"

Napatingin kaming tatlo sa nagsalita.

Yung head ng HR department. Lumalakad papalapit sa amin.

"Ah! I'm just visiting this lovely department with its lovely people! Mababait sila ah." Sabi ng CEO na naka tingin sa Akin. Ang sarcastic niya sarap hambalusin!

Sarap burahin ng ngisi niya sa mukha!

"Oh! That's new." Pagtataka ng HR Head. Nakakunot din ang noo nito.

"Speaking of which, may I talk to you. Right now."

"Sure, Ms. Cirillo. To my office please."

Umalis na sila.

Huminga ako ng malalim tsaka ako tumingin May Chelle na nanigas na sa kinakatayuan niya.

"Chelle, I'm sorry!" Hinawakan ko yung magkabilang kamay niya.

"Sa Totoo lang natakot talaga ako pero nung nakita kong susugurin mo si Ms. CEO, Hala friend iba ka nga!"

Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Hindi ka galit sa Akin?"

"Bakit naman! You're right we should stand up for ourselves! Idol kita! Hahaha"

"Wala yun! Ganun talaga ako Eh."

"Pero Paano yan saan na tayo pupulutin kung papalayasin na tayo ng CEO, since kinakausap na niya si HR Head."

"Wag kang mag-alala hindi ko hahayaan na mawalan ka ng trabaho."

"Paano mo naman Gagawin yun?" Napakamot siya sa ulo.

"Kakausapin ko siya, tutal fave namin mag usap."


When I Met YouWhere stories live. Discover now