Daniel's Pov
"Mommy?! Why are you crying?" Kasalukuyan akong nakikinig sa mag ina ko mula sa pinto ni pheobe
"Wala baby.."
"Bakit ka po may pasa? Sino po nang-away sayo?" Naawa ako sa paraang pagtanong ng anak ko, hindi ko alam na mapagbibigatan ko siya ng kamay
"Walang nangaway kay mommy.. nabangga lang ako sa pader." never niya talaga akong siniraan sa anak namin.
"I'll punch that pader!" Napatawa ako sa sinabi ng anak ko, susuntukin niya din kaya ako kapag nalaman niyang ako ang gumawa niyan?
"Can i ask you a favor baby?" Tanong ni kathryn kay pheobe
"What was that mommy?"
"Pwede mo ba akong samahan sa doctor? ipapa check up si baby?" Bakit hindi ako ang isama niya? Oo nga pala.. may nagawa akong nakasakit sa kanya.
"Yes po! Pero si daddy?" Katahimikan, matagal ding hindi sumagot si kathryn
"Galit ang daddy mo saakin baby, baka mas lalo niya akong hindi pansinin kapag sinama natin siya?"
"Hindi ka po ba love ni daddy?" Pinagmamasdan ko ang mag ina ko, ano nalamang ang isasagot ni kathryn?
"Hindi na yata ako love ng daddy mo.. pero ako?" Nakita kong may tumulo mula sa mata niya, and it kills me "Mahal na mahal ko ang daddy mo pheobe, he's my everything." dugtong pa niya
Gusto ko siyang yakapin, gustong gusto.. pero papaano? Natatakot ako, pero pag inunahan ko ng takot. baka iwan niya ako.
Yumakap naman ang anak ko sa kanya. "Love ka din po ni daddy!" Nginitian na lamang niya si pheobe.
Tumayo na sila at alam kong lalabas kaya nagmadali akong bumaba.
Umupo ako sa salas ang nagpatay malisya ng marinig ko sila
"Hi daddy!" Tinanggal ko ang kunwareng dyaryo na binabasa ko at nginitian siya
"Hello baby! eat kana don." napansin kong nagbabasta na si kathryn.
Sumunod naman si pheobe sakin at tsaka siya umupo.
"Lets eat daddy!" Tumayo ako at tumabi sa upuan niya
Nakita ko ang itsura ng asawa ko at naaawa ako, nagba-violet na ang pisngi niya dahil saakin
"Daddy wanna come? Pupunta po kaming doctor!"
"Wag na ph--" hindi ko pinatapos si kath dahil nagsalita ako
"Sure, why not?" Nagulat siya dahil don, ayoko ng ganito.. makikipag bati ako sa kanya.
"Wag na, baka makaalaba pa kami sayo." cold niyang sabi at nagpatuloy sa pagkain.
"No, i insist.. gusto ko ma-check kung okay ang baby natin." napansin kong napatigil siya dahil don, tinignan niya ako ng puno ng pagtataka.
"Sana boy!" Masaya kong sabi, hindi na ako nakarinig mula sakanya
"Magbibihis na ako." yun lang ang sinabi ni kath at tsaka siya tumayo
"Daddy" napatingin ako sa anak ko dahil seryoso niyang sinabi iyon.
"Yes baby?"
"Nagtatampo po ako sainyo,umiyak po si mommy kanina, she tell me that you didn't love her." bigla siyang tumayo at naglakad pataas.
"Ayusin niyo po ito daddy." Umakyat siya pataas.
Chasing Kathryn Bernardo ba ang peg ko?
BINABASA MO ANG
My Gangster Wife *editing*
Teen FictionI'm Daniel John Padilla. My wife is a gangster.