Nagising ako sa mainit at humahaplos sa mukha kong sinag ng araw at kasabay neto ang pag-tunog ng cellphone sa ibabaw ng higaan ko.
Mabilis akong napa-tihaya at napa-bangon dahil ngayon pala ipo-post sa group page ang mga naka-pasa sa college entrance exam bilang iskolar sa isang sikat na unibersidad na gusto kong pasukan.
Halos takbuhin kona ang hagdan pababa dahil sa kaka-ibang excitement na nararamdaman ko. Kahit ina-antok ay mabilis kong hinanap si mama at mga kapatid ko sa bahay. may night shift kase ako sa pinagt-trabuhan kong coffe shop.
I'm a working student since grade 10, tinutulungan ko si mama sa mga gastusin dahil wala na rin naman kaming ibang ina-asahan, bilang pangalawang anak ay ako mismo ang nagpapa-aral sa tatlo kong kapatid. Lima kaming magkakapatid si kuya Kade naman na panganay ay nasa ibang bansa nag t-trabaho.
"Maaaaa!halika rito!"
Sa kabila ng excitement na nararamdaman ko ay mas uma-apaw pa rin ang kabang nararamdaman ko, pano pag-hindi ako maka-pasa?paano na ang kinabukasan at pamilya ko?
"Oh e ka'y aga-aga sumisigaw ka?"
"Eh kase ma, ngayon na ipo-post ang mga naka-pasa sa college entrance exam!" Kamot ulo kong sabi bago humalik sa pisnge niya
"Oh siya, tama na kakalingkis saakin Hustisya tignan na natin." Pang-aasar na imik niya na ikina-busangot ko.
"Mama naman e."
Nanginginig ang kamay ko habang binuksan at itinitipa sa cellphone ang pangalan ng group page kong saan ilalabas ang resulta. Nakita ko ang pag-lapit ng iba ko pang kapatid at dumungaw din sa cellphone kung saan ako tumitipa.
Naka-Alphabetical order ang pagkaka-arrange nito, kaya bumugtong hininga muna ako habang dahan-dahang nag scroll pailalim.
Kinakabahan ako ng sobra at nanlulumo dahil malapit ng matapos ang mga apelyidong nagsisimula sa A ay hindi ko pa rin nakikita ang pangalan at apelyido ko.
Unti-unti akong nawalan ng pag-asa dahil baka maulit na naman ang nangyari last year. Sumubok din kase ako last year at nagbabaka-sakaling pumasa, pero hindi ako nakapasa dahil hindi umabot sa passing score ang nakuha ko sa examination.
Alvarez, Lorenzo L.
Alrega, Sofia Mae G.
Aflero, Unique S.
..
.
.
"ALFONSO, ELTHERITY JUSTICE!"malakas na sigaw ko at mabilis na tumayo sa pagkaka-upo dahil sa sobrang saya ng makita ko ang pangalan kong napasama sa listahan bilang iskolar.
Mabilis kong inambahan si mama ng yakap ng makita kong maluha-luha ito, "M-Ma naka-pasa ako!"
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa sobrang kagalakan, isa 'to sa mga pangarap ko ang makapag tapos ng pag-aaral at maging isang arkitekto.
"Anak, wag na wag mong sasayangin ang oportunidad na ito...wag na wag mong kakalimutang mag-pasalamat sa panginoon."
Mas lalo kong hinigpitan ang pagka-yakap sa kanya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko, 'Ma, hinding-hindi ko po kayo bibiguin, lahat kayo."
Wala nang babayaran si mama sa pag-aaral ko, tutuloy pa rin ako sa pagt-trabaho para pang-dagdag sa gastusin namin sa bahay at sa mga pag-aaral ng mga kapatid ko. Consistent honor student naman ako simula elementary at highschool, journalist rin ako dati. Laking papasalamat ko talaga kay lord dahil hindi ako naging bobo kong hindi baka dedo na ako ngayon.
Sa susunod na lunes pa ang pasok ko sa FU, kaya may ilang araw pako para makapag-handa. Hindi naman gaanong malayo ang FU sa bahay namin pero ma-gastos sa pamasahe kaya kumuha ako ng hindi-gaanong kamahal na apartment.
YOU ARE READING
You'll be safe here
AcakEltherity, a loner who actively try to stay as far aways as possible from social interactions She's a architecture student, and a working student, who was given the opportunity to enter as a scholar in a fancy university. And then she meets one of...