Chapter 7(part 1)

12 2 0
                                    

CANE'S POV.

may pagka siraulo pala yung babaeng yun.! Dahil sakanya, kasama ako sa paglabas ng room kanina. Parang di tinuruan ng tamang manners yung babaeng yun. Tss.

Gusto ko ng lumipat ng upuan, di ko na gugustuhing makatabi yun.

**library**

Bakit maraming nandito pag ganitong oras?! Tss yung iba tambay lang dito di naman talaga magaaral.

Naglakad lakad ako dahil baka may makita akong vacant table.

May nakita nga ko puro mga magkarelasyon naman. Nakakahiyang tumabi. Tsaka puro landian lang naman ginagawa nila. Props lang ang libro na hawak nila.

Lumingon ako sa gawing kanan ko, at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang table. Lumapit ako para magtanong."ahh miss may kasama ka?"

Di sya lumingon o anu man. Nakita kong naka-reading glass sya.

"Ahh pwedeng makishare?" Hayy nako naman. Wala ba syang bibig o baka di talaga sya marunong magsalita?!
Makaalis na nga.

Hahakbang na ko paalis ng magsalita sya "silent means yes diba? Di mo ba alam yun?" Sabi nung nakaupong babae. Mahinahon na medyo cold nyang sinabi yun.

"Ahh miss pasensya na ahh akala ko kase di mo talaga trip magsalita eh" natatawang sabi ko.

Di na sya umimik pa kaya naman deretso na ko sa pagupo sa tabi nya. Di ko din malaman kung bakit dito ko ginustong umupo kahit na may dalawa pang upuan sa harap ko. Nilabas ko yung libro ko para sana magbasa ng mapansin ko yung relo nya. Parang may something sa relo.

It was silver na may mga design na gems na blue sa gilid.

"Ahhh. Shit ansakit" biglang sumakit yung ulo ko ng di ko namamalayan.

...

***

CLACKY'S POV

"Tss" napasinghap ako ng marinig kong uma-aray 'tong katabi ko.

Mga lalake nga naman, masyadong papansin. Gagawa talaga ng paraan para lang makachansing. Tss bahala ka sa buhay mo dyan.

"Ahh. Shit ang sakit talaga." Nakaagaw na sya ng atensyon sa mga nasa paligid namin.

Lumingon ako sa paligid at lahat sila nakatingin saaming dalawa. Kumunot ang noo nung isang babae saakin.

"What?" Singhal ko.

"Ahhhhhh. Angsakit." Medyo sigaw na ang pagkakasabi nung katabi ko. Nilingon ko sya at medyo namumutla na nga sya. Medyo nataranta ako nung nawalan sya ng malay at bumagsak sa akin. WHAT THE??

Nakita ko ang librarian na palapit saamin.

"Hey wake up." Sabi ko habang tinatapik ang pisngi ng lalaki na ngayon ay nakatungo sa balikat ko. Hinawi ko ang buhok nya "shete naman oh!"

"Miss mabuti pa dalhin na sya sa clinic, patulong nalang tayo" may sinenyasan ang librarian na lalaki para tumulong saamin.

**

Di ko na hinintay na magising pa si kenceno sa pagkakatulog nya sa clinic. Grabe sumakit ang balikat ko sakanya, sisingilin ko yung impaktong yun pag-nag-usap kami.

Naglalakad ako pabalik na ng room kase malapit ng matapos ang 2 hrs. kong pahinga.

"Hi!"

"Ay impakto" halos mapalundag ako sa biglang pagsulpot ng nilalang na ito sa harap ko.

"Grabe ka naman, impakto na ba ko para sayo?" Nagpout pa sya, yuck kadiri.

"Alam mo lumayas ka sa harapan ko" iritang sabi ko sakanya.

Lumipat sya sa gilid ko.

"Yan? Ok na ba?" Ginagago talaga ako netong kupal na to.

"Tantanan mo ko ah!" Inis parin na sabi ko. Naglakad na ko nang lumipat nanaman sya pero this time "oh ayan ah! Dito na ko sa likod mo, wag ka nang maarte di bagay sayo"

Putspa!

"ALAM MO IKAW" tinulak ko sya ng bahagya at hinawakan ang collar ng polo nya tsaka nag salita. " kung Wala kang magandang gagawin, wag ako ang abalahin mo. Marami akong ginagawa at wala akong balak na makipagkulitan sayo!" Bulyaw ko sakanya. Mabuti walang estudyante sa labas mamaya sabihin ako nanaman ang nababaliw.

"Hey! Easy lang! Hina-high blood ka nanaman ehh, kaya lang naman kita pinuntahan dito para sabihing, sabay tayo ulit mamayang uwian" kinindatan nya ko kasabay ng paghawak nya sa kamay ko para alisin ang pagkakahawak ko sa polo nya.

"Wala akong balak sumabay sako impakto!" Pagsusungit ko, agad akong tumalikod para maglakad pabalik sa room ko.

"Then its my pleasure to carry you again! Bye !" Agad akong lumingon para sana sapakin yung impaktong yun
Pero mabilis syang nakatakbo..

Arggggghhhhhh! Nakakainis talaga.

Napasabunot nalang ako dahil sa pagkayamot! Mabilis kong tinungo ang room para sa ganon ay maipahinga ko saglit ang ulo ko dahil medyo nahilo ako.

"He loves me eventhough Im masungit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon