"Bro. Akala ko ba si Elaine popormahan mo. E bat parang si Milca ata ang type mo?"--Kris
"Tss. Maghintay lang kayo."
"Hahaha. Ano kayang ship name nyo? Hmm?"---Keith
"MilcTi"---Alex
"O di kaya Camothy! HAHA!"--Fred
"Naks pare ah. Pwede pwede."--Keith.
"Magsitigil nga kayo. Ang babaduy nyo." Sabay bato ko sakanila nung chips. Andito kami sa tambayan namin dito sa bahay. May sariling kwarto kasi kami dito na tambayan.
May kanya-kanya kami ditong ginagawa SI Alex, naglalaro sa cellphone nya. Si Kristoff naman may kausap sa cellphone nya, girlfriend nya yan panigurado. Si Fred, nag gigitara. Si Keith naman nakikinig naman. Nakikinig ng music sa iPod nya. At ako naman, nanunuod ng tv habang kumakain.
Tss. Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Huh. Maiinlove sakin yung babaeng yun. Pustahan. Double purpose narin. Makakaganti ako sakanya. Plus madali ko nang mapopormahan si Elaine, dahil easy nalang para sa bestfriend nya.
At may isa pa pala, madalas kong makakasama si Elaine, tutal palagi naman silang magkasama.
Ang lakas talaga ng tama ko kay Elaine. Ewan ko ba. Iba epekto e. Kakilala ko na sya nung bata pa kami. Kasi kapitbahay namin sila. Simula naman bata, magbestfriends na sila nung babaeng maingay kaya lagi ko narin syang nakikita.
Kahit na magkapit bahay kami ni Elaine, di naman kami close. Mailap ako sa ibang tao. Di ako friendly. Tss. Para san pa? E may mga kalaro naman na ako. Sila Keith, Fred, Alex at Kris. Simula bata magkakaibigan na kami. Kasi magkclose friends naman ang mga parents namin. So we used to bond with each other."Paano ko naman mapopormahan si Milca nyan kung sisingit ka?" Sabi sakin ni Keith.
"Tss. Wala kang pag-asa."
"Bakit naman?"
"Si Fred type nun."
Napatigil naman si Fred sa ginagawa nya. "Talaga? Sht pare. Crush ko lang sya pero di ko akalaing may pag-asa pala ako. Woah."--Fred
"Asa Pre. Pag nakilala at nakasama na nya ako. Huh. Tingnan lang natin kung sino magugustuhan nya."--Keith
"Bro. Wag ka na umasa. Sa looks ko palang, nahulog na. Paano pa kaya pag nalaman nya na caring, loving and kind ako?"--Fred
"Ulol. Caring, loving and kind sa lahat ng babae."--Alex
"Di mo'ko gayahin. Loyal."--Kris
Buti sabado ngayon at makakagimik kami mamayang gabi. Di naman ako mahilig sa mga ganyan. Napilit lang ako nitong mga ugok na 'to. When I say "ganyan". I mean flirting with different girls. Yes, I go out pero hanggang inom lang.
××Bar××
Yes. Bar. Underage kami pero nakalusot dahil Tito ni Keith may-ari nito. Muntik na nga kaming di papasukin. Buti nalang naback-upan kami agad.
Pagpasok namin, ang daming tao. Maingay. Amoy alak. Mausok dahil sa sigarilyo. Pero what do you expect? Bar eh.
Ayoko sa ganitong mga lugar. Mas gusto ko pa sa bahay matulog. Tss. Ang daming babaeng ang mga suot e halos wala nang tinatakpan.
Don't get me wrong ah. I'm straight. Its just that, I hate slut and bitch girls.
Lumipas ang ilang oras, nakiparty at nakiinom nalang din ako kesa naman sa isang gilid lang ako. Ang daming lumalapit na babae pero lumalayo ako. Loyal ako kay Elaine.
Time check:2:00am
Hindi pa naman kami lasing.
After that, nagpaalam na ako sakanila na uuna na ako dahil inaantok na ako. Pumayag naman sila.Fortunately, nakauwi naman ako sa bahay ng safe. Pero bago ako pumasok. Tiningnan ko muna ang bahay nila Elaine. Yung bintana ng kwarto nya specifically. Hay Elaine. Soon.
xxx
Hmm?
MilcTi?
O
Camothy?
Haha. You choose.
BINABASA MO ANG
Heartbreak ---LOISHUA STORY
Teen FictionAkala ko ako ang mahal nya. Akala ko okay kami. Akala ko masaya kami. Akala ko sya na. Akala ko happy ending na. Akala ko sya yung kukumpleto sakin. Yun pala akala ko lang lahat.