Chapter 3

188 11 0
                                    


Milca's POV

YAY! Natapos rin ang morning class. And guess what. Highest ako sa Science. Mwahaha!

"Bestfriend! Matagal kapa ba dyan?? Gutom na ako" sabi ko sakanya habang nagpapacute. E pano ba naman, may kung ano pang kinakalikot sa cellphone nya.
Di naman nya ako sinagot.

Kaya kinalabit ko sya, "Uy *poke* Bestfriend *poke* *poke* *poke*"

"Ay! Jusko naman Milca. Naout tuloy ako"

"Eh ano ba yan?" Tiningnan ko naman yung kinakalikot nya. Ay jusko. Naglalaro lang pala ng AA.

"Ay. Yan padin nialaro mo? Level 50 ka palang?"

"Eh ikaw, level ano ka na ba?"

"111" sabi ko na may halong pagmamayabang.

"Oh e di ikaw na. Ikaw na talaga. Tara na nga. Nagugutom na rin ako. At dahil kinulit mo ako. Ikaw ang mag oorder ngayon"

"Ha? Grabe naman. Pero sige."

××Canteen××

"Ay grabe. Gutom na talaga ako. Ano bang gusto mo?"

"Ano pa ba? Edi ang 3F!" Sabi nya habang ngiting ngiti.

"Okay. Okay. Fries, Float at Fried Chiken."

"Thank you. Love you"

"Ewww ha."

Pumila na ako dun sa bilihan ng pagkain. Ay nako. Grabe. Nagutom talaga ako dahil dun sa surprise test sa Physics. Buti nalang may alam ako dun.

Yes! Malapit na ako sa pila. Narinig ko namang may nag iingay sa likod ko. Pagtingin ko, yung mga babae pala na mga kinikilig. Paano ba naman, andyan nanaman yung ultimate heartrhob na di naman gwapo. Eww lang. At pinapasingit pa nila sa pila. Tss. Eto namang isa, feel na feel. Feeling gwapo talaga. Di naman gwapo -___-

Nung nasa harap ko na sya.
"Excuse me, Miss. Tabi" sabay ngiti ng nakakaloko.

Ah ganun? Akala nya papatalo ako sakanya? Ano sya batas? -_-

"Excuse me din Mr. Feeling gwapo. Sa pagkakaalam ko, may pila dito. Para saan pa ang pila kung may sisingit lang din ng sisingit. Tss. Maghintay ka"

Pinagtitinginan ako dito sa canteen. Paano sinasagot ko yung hari nila. Tss.

"Di ka ba talaga aalis Miss?"

"May pangalan ako. Milca, baka sakaling di mo alam. At hindi talaga ako aalis hanggang di pa ako nakakaorder."

"Pahard to get ka Miss ah"

"Excuse me? Pahard to get? Baka gusto m---"

Ang yabang talaga nito ah!

"Will you just please let me---"

"Will you just please shut up and wait for your turn??!"

Nakakabanas ah. Inuubos nya pasensya ko.
"Tss" sabi nya at di na rin naman sya nagsalita pa.

Hay salamat. Nakaorder rin.

"Oh bestfriend. Eto na ang 3F natin. Nako ha. Nakakastress"

"Ano kaba? Ang pogi nya kaya. Omg bestfriend! Nakausap mo sya. Dapat pala ako na nag order. Hay" Sabi nya at mistulang nagdadaydream pa.

"Pero mas pogi parin si Keith ko"

"Nakita mo na pala ako? Di mo man lang ako binack upan? Bestfriend ba talaga kita?"

"Syempre Bestfriend. Alam kong kaya na yun ng kamalditahan powers mo. Kaya labas na ako dyan."

"Sus. If I know ayaw mo lang lumapit kasi si Timothy yung kaaway ko. Takot ka lang"

Heartbreak ---LOISHUA STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon